Gab's Pov
hindi ko gusto yung idea na isasali si Sandy sa event.. selfish na kung selfish pero masisisi niyo ba ako? Gusto din siya ng best friend ko.. siguro nga kaylangan nadin siyang makilala ni Tophy.. sooner or later mangyayari naman yun eh.. I should play Fair and square. Sandy sana walang mag bago sa closeness natin pag nakilala mo na yung iba..
Tophy's Pov
sobrang saya ko nung nalaman kong sasali si Sandy sa iniisip na event ng kapatid niya. Makikilala ko na siya sa wakas.. lagi ko naman talaga siyang nakikita eh.. isa siya sa rason kung bakit pumapasok ako sa school.. para makita siya.. OO naging stalker na niya ako.. wallpaper ko, picture niya.. laptop ko, puro stolen shoots na kuha sa phone ko din ang laman.. muntik na nga akong nabuko ni Thunder kanina eh.. kasi baka makita niyang ate niya ang wallpaper ko..
hindi ko naman siya magawang lapitan ngayon.. kasi sa totoo lang dati.. sumubok ako.. pero hindi lang niya ako pinansin. Nilayuan pa nga ako eh.. parang si Thunder lang ang nakakalapit sakanya.. parang may galit siya sa ibang lalaki.. observation ko lang naman yun.. ganun din kasi yung nakwento ni Sol. Bigla nalang daw siyang hindi pinansin ni Sandy nun.. kahit na naging tambayan na ni Sol ang bahay nila dati..
obsessed na nga ata ako sakanya eh.. laging siya nalang laman ng isip ko.. kaya napapadalas din ang pakikipag race ko.. kasi pag nililibang ko ang sarili ko kahit saglit lang nakakalimutan ko siya..
Bam's Pov:
para akong tanga this past few weeks.. lagi kong sinusundan si Tophy kahit san siya mag punta.. katulad ngayon.. alam kong nasa loob siya ngayon ng club nila.. matagal na akong nagwagwapuhan kay Tophy.. akala ko nuon crush lang pero nung may chance na makilala ko siya nadevelope yung feelings ko..
alam ko lahat ng sched niya sa school. Alam ko din kung saan ang tambayan niya.. alam ko din ang absession niya.. dahil gaya niya.. yun din ang nagiging obsession ko..
madalas ko siya pagmasdan sa malayo.,. Pag nasa Resto siya. Alam ko kung saan siya ppwesto.. pati yung mga race niya.. lahat napapanuod ko. Walang mintis.. pero lahat yan hindi niya alam na ginawa ko..
naging mailap na din ako sa mga bff ko.. pag may lakad di na ako masyado sumasama kasi nga iniistalk ko si Tophy.. pero ang di ko maintindihan.. may something sakin na ayaw ko naman talagang maramdaman.. galit ako kay Sandy..
Sa bawat araw na tinitignan ko ng malayo si Tophy. Isa lang din ang ginagawa niya,. Pinagmamasdan din niya sa malayo si Sandy.. parang nadudurog yung puso ko pag nakikita ko siyang kinukuhanan ng letrato si Sandy.. alam ko hindi dapat ako magalit kay Sandy.. wala naman siyang kasalanan kung gusto siya ni Tophy eh.. pero ang hirap kasi.. lalo na pinsan ko pa siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman..
blessing in disguise nadin siguro yung pag yaya sakin ni Thunder na sumali sa event na siya ang mag oorganize. Kasali din kasi si Tophy dun.. atlis makikita ko siya ng malapitan. Yung hindi na ako mag tatago.. pero mas malapitan ko ding makikita kung pano niya pag mamasdan si Sandy.. lalo na't kasali din pala si Sandy sa event,,