Chapter 9

10 0 0
                                    

Comeback is real. Papunta na akong Pilipinas. Debut na ng bruha. Saktong kahapon ako nagising sa napakahaba kong beauty sleep at eto nga. Mas naging dyosa pa.

Walang nakakaalam na pupunta akong pilipinas. But when I woke up kahapon ang weird nila Dad. They kept on insisting that I should stay pa, like duh what for? Gusto ko ng gumalaw at gumanda pa ng sobra!
So why stay?

Sadly, may 3 bodyguards ako. I threatened my doctor to let me out. At oo, tumakas ako. Eh ano naman?

I opened Cyril's bank account. Stuffing all of his father's hardwork into her account. She deserve that. More than that pa.

Alam kong malaki ang problemang haharapin ko sa pagbabalik ko, pero hindi ako gumising para takbuhan ang mga ito.

I am Park Krystal. 16 years old. Hay nakakasawang matulog mas bet ko mabuhay at gumala sa napakabwisit na mundong to.

Kamusta na kaya yung mga impakta doon? I hope they're doing extremely great. Knowing na they were never late na this past 3 years without me. What a relief for them, minalas naman sila at pabalik na ako. Pero my beauty is a blessing para sa lahat!

Babalik na kulay ng buhay nila! 

Did I tell you na nag-ampon sila mama? Park Saphire at Park Emerald. Kambal, pure korean. Nabalitaan ko lang. Ito ang laman ng news. 

I just bought two iphone 6s, silver and gold. I didn't know what to buy. So I'm gonna use it depende lang sa mood ko.

I'm gonna meet with Xander. She's Lauraine's cousin, she's my invitation to Alex's grand debut.

As I said walang nakakaalam na pauwi na ako. Ang hirap pa iupdate ng mga cards ko, kinailangan ko pang magmura in korean dun sa bangko. Para lang sa cards ko. So tinakot ko sila na ipapapatay ko ang boss nila at sisiguraduhin kong bababa ang kompanya nila sa hukay.

Nakakaurat lang.

Di bale na! Ang ganda ko naman. Dyosa to be exact.

I fixed my gaze. San na si Xander dito? May nabangga ako kakahanap sa pagmumukha ng walang hiyang yon.

"Aray naman e!"

Ang kapal! Inunahan pa ako.

"Babae ka te?  Inunahan mo pa ko? Gwapo ka? Gwapo ka? Sapakin kita e!" Pataray kong binunganga sa kanya. Fighter to te! Don't me.

Inismiran niya ko. Teka parang kilala ko to ah! Nanlabo ang paningin ko ng maaninag ko ng maayos ang mukha niya. Nabigla naman ako ng pinitik niya ang noo ko. "Wag kang tumunganga dyan, tanga!" Suway niya sakin.

"Halika na." Sabi niya sakin habang hinihila ako. Ba't andito si Zero?

Kinuha ko yung maganda kong kamay. "SAN BA KASI SI XANDER? NAKAKALOKA!" Sigaw ko sa kanya.

"Naghihintay sa kotse." Natural niyang mungkahi, iba talaga tong mokong na to.

Napatango ako dun.

At maayos ng sumama.

Mental BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon