Chapter 2

21 1 0
                                    

Krystal's POV 

Nandito ako ngayon sa CR. Nagreretouch. Nauna na sila Alexis. Si Ma'am Chua lang naman yan. 

Pagkatapos ko, lumabas ako sa cr. At naglakad sa hallway ng second floor. Papunta ako ng stairs. Ng may nakita ako. 

Isang nerd na lalake. Nakaglasses lang siya habang natutulog. Malakas ang hangin, at nagugulo ng kaunti yung buhok niya. Ewan ko pero parang amaze na amaze ako sa nakikita ko. Something with this loser caught my attention. Ano ba yun? Nagising na siya. At 1 2 3... Our eyes met. 

I felt electricity in my veins. Ewan ko pero napatakbo ako papuntang next subject dahil sa kanya. It felt so cheesy.

Pagkapasok ko. Nagpretend nalang si Ma'am na wala ako. Baka mahighblood pa siya sa matabil kong dila. "San si Lauraine?" bulong ko kay Alexis. Pero hindi niya ako sinagot. Aba! Walang modo to ah! 

Nagsto-story si Ma'am tungkol sa kabataan niya. About sa First Love niya. English kasi. They were reading the story Romeo & Juliet. I hate it.. Why? It's something i can't have.

"You will realize it's true love when everything he does surprise you, you can't do anything about it. Kusang bibigay ang puso mo pagdating sa pag-ibig. You might even suffer from mental breakdown--" Natigil siya ng nabato ko yung notebook ko sakanya. Sapul! 3 points for Park. Beach. Gym. 

Inayos ko yung buhok ko tsaka tumayo. Napakawalang galang ko talaga. Oh well, hindi ko 'to kasalanan. 

Tinitigan ko si Ma'am. Nakabitch face lang ako dito, habang tinitingnan ng lahat. Naghihintay akong may sabihin si Ma'am. I want her to pull some of my strings. 

"Ano ba Miss Park?! Are you really that ignorant for love? Don't you know love? Hindi ka ba pinaranas ng love?" Sigaw niya sakin. Ewan ko bakit pero tumulo yung luha ko. 

I walked towards her. Steps away, I slapped her face. EXTRA HARD. 

"I love you so much I want to cut your head off at this very moment and carry it around so I won't miss you." I said while tears are still falling. 

Umiiyak na rin si Ma'am Chua. "Hanggang kailan mo ba ako sisisihin? Hindi ko kasalanan na wala na siya! At kahit kailan hindi na sya babalik--" Sinampal ko siya bago pa niya matapos ang linya na yun. 

Kinuha ko yung bag ko at saka yung calling card ni Ma'am Charo. "If ever, gusto mong ipagkalat ang mga kagagahan mo. Ito calling card ni Ma'am Charo! Ipa-MMK mo." Masungit kong sabi sabay tapon sa kanya ng calling card. 

Marahas kong pinunasan ang luha ko habang papalabas. Mabilis ang paglalakad ko. Drama pa more Kyrstal. Kaiyak ka. Ano ba'ng kaabnormalan na naman to? Tapos na yun Krys. 

Papaliko na sana ako ng may nabangga ako. Diretso akong napaupo ng kalaban. 

Umiiyak na nga ako. May babangga pa sakin. Oh, come on! Ang swerte ko naman. Diba? Diba!? "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, umiiyak na nga ako tapos mang-gaganyan ka pa." Sabi ko dun sa nakabangga sakin sabay sniff. 

Pagtingin ko sakanya napanganga ako. Is destiny kidding me? Seriously? Nakita ko yung nerd. 

Ewan ko pero nangdidiri ako sa sarili ko dahil KINIKILIG AKO. Pake niyo naman? Magbasa nalang kayo. 

"S-sorry po. Naliligaw po kasi ako." Paumanhin niya. "Hindi mo iaabot yung kamay mo para makatayo ako?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Ang demanding ko. HAHA

He handed me his hand and helped me up. For a guy, ang soft ng kamay niya. "Not bad." bulong ko sa sarili ko. "Ano po?" tanong niya sakin. 

Maka-po akala mo 45 na ako. Eh 14 lang naman ako. "Maka-po ha? Daig ko pa Senior Citizen." Sabi ko sakanya akmang parang babatukan siya. Napa-atras siya. Nakayuko parin siya.

Painosente effect. Pffffffft. HAHAHA. Ang kyowt kyowt, sarap tirisin. 

Inayos ko yung buhok ko atsaka binigay yung bag sakanya. "Eto dalhin mo 'to at sumama ka sakin." utos ko sakanya. 

Feel ko ang landi ko. Parang yung teleseryeng pangjeje yung 'Katorse'. Feel mo'ng irevise in real life? Sabi nang utak ko. Ew, no. 

Naglalakad ako ngayon, sunod lang siya ng sunod. "San ka ba kasi pupunta?" hinarap ko siya tsaka tinanong. "Sa canteen." tipid niyang sagot. 

"I'll show you the way." sabi ko sakanya. Nagpunta na ako sa canteen. Wala masyadong tao dito kasi class hours. Pagpunta namin dun. "Lauraine!" Sigaw niya. 

Nagulat ako sa nakita ko. Lau-lauraine? DON'T TELL ME ISA SA MGA BOYLET MO TO?!?!?!

Mental BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon