Chapter 3

18 0 0
                                    

San ba yung kumag na kapatid kong yun kanina pa ako hintay ng hintay dito. "Lauraine!" Alam ko yung boses niya yun. 

Andyan na siya? Pero anong ginagawa niya with... Krystal?

Napanganga ako sa nakita ko. Sabi niya mag-reretouch lang. Lumandi pala ang bruha! Hindi ko rin gets yung mga tingin niya sakin. Para siyang.. naiinggit? 

Hindi ko namalayan na papalapit na pala si Zero. Yep, Zero ang pangalan ng kapatid ko. Because wala naman talagang chance na mabubuhay siya, isa siyang patunay na totoo ang himala. 

Niyakap ko siya ng kay higpit. Namimiss ko na 'tong batang to! "Lauraine! Namiss kita." sabi niya habang hinigpitan ang pagyakap sakin. 

"Oh? Talaga?" tanong ko sakanya habang natatawa. 

Nagpout siya. Ang cute talaga ng kapatid ko, hindi ako makapaniwalang im 2 months older than him. He's so much taller. In fact, para akong napapalibutan ng towers dito. 

May height din naman kasi si Krystal. Ugh. Ako lang talaga ang wala. Ang sakit naman nito, pinagkait sakin ang bagay na'to. 

Pinitik ni Zero yung noo ko. "Earth to my--" i cut him off by hitting his head. 

May nagfake cough naman sa likuran namin. PANIRA MOMENT TALAGA NG REUNION NAMIN TONG SI KRYSTAL! 

Hinarap namin siya. She arched her brows at me. Inirapan ko siya saka napatingin sa kapatid ko. 

"Zero, this is my bestfriend Krystal." Sabi ko habang nakatingin kay Zero. 

"Krystal, this is Zero." Walang dapat makaalam na anak sa labas si Zero. Kawawa naman siya! Mali nanaman si Dad, hindi naman talagang nagbago si Zero eh. 

Nagshake hands sila. "Zero?" I called out. He looked at me with the 'wassup' look. 

Ang cute ng kapatid ko! "Uhm. Kaninong bag yan?" tanong ko sa kanya, napatingin agad siya sa bag na bitbit niya. Tinuro niya si Krystal at nagchuckle. Pafogi effect yung kapatid ko ah! 

Ano daw? Ginawang alalay ni Krystal ang kapatid mo, gaga!

With the innocent look, nagpuppy eyes si Krystal. Akala mo gagana yan? HUH! Nagsimula na akong tumakbo papunta sa kanya. 

Pero sa kasamaang palad. Nagtago siya sa likuran ng kapatid ko. Unfair ka talaga Krystal! Wag mong ahasin yung kapatid ko. 

"Krystal, halika dito!" napipikon na talaga ako dito. Di parin siya umalis sa pagkakahawak sa likuran ng kapatid ko. Sige, landiin mo pa Krystal. 

Kung sakaling tama nga si Papa. Lagot ka talaga kung naging chickboy na talaga 'yang si Zero! Nakuuuu. Ewan ko nalang sayo Krys. 

Tumigil na ako at huminahon. "Lumabas ka na diyan sa lungga mo, hindi na ako pikon." seryoso kong mungkahi. 

Napasmile si Krystal at unti unting kumalas sa pagkakahawak sa kapatid ko. Yan nga Krystal! Dumistansya ka sa pogi kong kapatid. 

Nagkatinginan sila ng tingin ni Zero. May something sa tingin ni Zero, i never saw him like that. Parang sincere na sincere. 

Si Kyrstal naman parang nanglalambot. Parang hindi nakayanan si Zero? Pero. NO! NO! Hindi pwede si Krystal at Zero. Kasi.. ANO BA TO! Bagay naman talaga sila eh. Pero may dapat panandigang kasalanan si Zero. Wag na Krys, masasaktan ka lang. 

Help. Asan ka na ba kasi Alexis?! 

Mental BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon