Chapter 4

17 1 0
                                    

Alexis' POV

Natapos na yung klase. Grabe talaga 'tong si Krystal, hindi tumigil kakaiyak si Ma'am Chua. Ibang klase! So eto ako ngayon, nagiisa. San na ba kasi yung mga bruhang yun?! 

Hindi pa naman pwedeng makita ni Krystal si Zero. Feel ko kasi type na type niya yung mga taong katulad ni Zero. Feel ko lang. Sorry krystal. Hindi mo pwedeng malaman ang pagkatao ni Zero. Hindi pwede ngayon, kasi.. alam kong hindi mo pa siya nakakalimutan.

Nagdradrama ako ng may nakabangga sakin. Nga naman! Panira moment. "Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Nagdrama ka pa!" Inis na inis na mungkahi nong nakabangga sakin. 

"Walang basagan ng trip." Sabi ko sakanya habang pumapalayo. Hindi ko siya tiningnan! Ayoko nga. Siya na nga yung nakabangga eh! 

So ayun. Pumunta ako ng Canteen mag-isa. Nawalan ako ng gana sa Cafe. Tiyak! Pagkakaguluhan na naman kung ba't ako napadpad dun. 

Pagkapasok ko, may humarang sa dinadaanan ko. Pasimple akong lumiko. "Oy!" sigaw niya. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Ay gwapo!

"Hindi ka pa nagsosorry." mungkahi niya. "Ba't naman ako magsosorry sayo?" pikon kong tanong. 

"Binangga mo ako kanina." 

"So?" 

"Magsorry ka."

"Ayoko nga." 

Aalis na sana ako. Pero pinigilan niya 'ko. Hinawakan niya yung braso ko at pinilit niya akong iharap. Pagkaharap ko, magkatapat na yung mukha namin. 

**

Krystal's POV

Inutusan ni Zero si Lauraine na bumili ng pagkain. Awkward dahil sa titigan namin kanina! Ewan ko. Nanglalambot ako dun sa tingin niya. 

"Nice meeting you." Napatingin ako dun sa nagsalita. He seemed like a nice guy.. but he felt fake to me. Seductive yung mga tingin niya. 

Yung mga tingin niya? Parang kakainin ka ng buhay!

Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi, isa lang siyang nerd krys. 

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Laking gulat ko ng nakita ko ang mukha niya na ilang inch nalang ang layo sakin. Sht! 

"Nababaliw ka na ba?" tanong niya habang nakanguso. Bakit parang ibang tao yung nasa harapan ko? Two-faced monster. 

Napabulong ako sa sarili ko. "Kanina maka-po akala mo si kung sinong magalang, ends up gago rin pala. Ang dami talagang manloloko sa mundo." Nakita ko siyang napailing at nagsmirk sakin. 

Seryoso ko lang siyang tiningnan. Lumayo siya sakin at napacross ng arms. "Akala mo kung sinong sexy hindi naman! Ang dami talagang assuming sa mundo. Dagdag pollution lang sila, diba Krys?" nakangiti niyang sinabi sakin. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagpapatawa ka ba?" tanong ko sa kanya. 

"Nagpapatawa ba talaga ako?" tanong niya sakin. "EH PARANG INULIT MO LANG SINABI KO!" sigaw ko sa kanya.

"Nga naman." he said with a chuckle. Napakunot siya ng kilay ng nalaman niyang hindi ko talaga naintindihan. 

"For short, hindi talaga ako nagpapatawa. HINDI KA TALAGA SEXY! Ano ba yan." naiirita niyang in-explain. 

Pinigilan ko ang sarili kong tumawa. "Tatawa na ba 'ko?" nanggigigil kong tanong. At nang hindi ko nakayanan. Tumawa na nga talaga ako! 

Natigil ang pagtawa ko ng narinig ko ang napakapamilyar na boses.

"MANYAK KA! HAYOP! IPAPAKULONG TALAGA KITA!" Nanggagalaiting sigaw ni Alexis. Anong problema ng babaeng to? Parang narape? Nilagay ni Lauren yung tray sa table. At napatingin siya sa banda kung san ako nakatingin. 


She squinted her eyes. "Si alex ba 'yan? Naku. Ba't yan nagskandalo?" she asked ang dali daling pumunta kay Alexis. Hindi parin nags-sink in kaya eto ako parang tanga. 

Mental BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon