Park Krystal's POV
"Ma'am Krystal! Baba na po kayo. Kanina pa naiinip si Ma'am Alexis." Takot na mungkahi ng muchacha ko.
Inirapan ko sya at nagpatuloy sa pagkain. Yeah. Kumakain pa ako at 8:00 na! 8:30 pa naman first subject namin. "Sino ka para utusan ako?" Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
Hindi siya mapalagay sa mga nasabi ko. "Ma-ma'am kanina pa po kasi niya ako sinisigawan." Sabi ng matandang nauutal sa takot.
Uminom ako ng tubig. "Yaya, dagdagan mo yung tubig." Utos ko sa kanya. Sinunod niya naman. Syempre dahil AMO NIYA AKO AT YAYA LANG SIYA. Dali dali niyang dinagdagan yung tubig sa baso ko.
Pagkatapos na pagkatapos niya, binuhos ko sa kanya ang malamig na tubig.
"Sa susunod, wag na wag mo 'kong mautus-utusan. Gets mo naman diba?" Mataray kong pagkasabi.
Okay ba intro ko? Uhm. Well you might have known my first name already naman diba? Im Park Krystal. Simple as that. You don't have to know any more infos. Maldita at it's best!
Pumunta ako sa walk-in closet ko na kasing laki ng bahay niyo. San na ba yung mga cheap clothes dito? Ay nakalimutan ko. Pinatapon ko pala yung iba. You heard right. Cheap dresses? Uso kasi forever21 sa school. And most of the students said that it was expensive. Truth is, cheap lang naman. Duh!
I took a black top from topshop, a white jeans and a pair of Converse. School lang naman yan eh! Parang ginawa lang naming bahay yung school sa itsura naman tuwing pupunta. Pero yung mga cheap bitches amaze na amaze na sila. Yuck! Insecure pa ang mga hampaslupa.
Ginawa ko ang morning routine ko for my skin and took my bag. Time check : 8:31. Bumaba ako and i saw a fuming mad Alexis. Uh-oh.
"Good morning Alexis!" I greeted her in my cute voice.
She walked towards me and grabbed my hand. "Let's go! We're 1 minute late already." Pagmamadali niya. Ano ba to? Grade-concious!
Binawi ko yung kamay ko. "Ano ba! Pwede mong bilhin ang kaluluwa ng teacher sa first subject natin, bakit ka nagmamadali?" Tanong ko sakanya, arms crossed.
Pero she continued to walk. "Bastos ka na Francine ah! Hindi ka tinuruang sumagot?" Still no answer heard. Hmp!
We got inside the car. Mabilis yung pagdrive ni Francine. Baliw.
"Lauraine! Get down this instant." She shouted at Lauraine. Well, she's the mother of the group. Dali-daling lumabas si Lauraine. "What took you so long? We're 4 minutes late." Iritadong tanong ni Lauraine.
Walang sumagot pero.. sabay nila akong tiningnan. "Tsk. Sabi ko nga ba! Kahit kailan talaga pahamak ka Krys!" Sabi niya sabay dagpi habang pumasok sa car.
Ito naman sila hindi na nasanay. "Bakit ba tayo nagmamadali? Lalo ka na Lauraine, may-ari kayo ng school. Ba't ka natatakot?" Tanong ko habang tinuro silang dalawa.
"Simply because, i want to make a good first impression to my half brother and cousin." Seryosong sagot ni Lauraine.
Ano daw? Half brother? "Kailan ka pa naging adik sa kanto Lauraine? Only child tayong tatlo!" Binatukan ko siya ng mahina.
The car parked. "Let's go." Utos ni Alexis Francine Madrigal. Tssssss.
Pagpasok palang namin sa campus pinagtitinginan na kami. Lalo na ako! Kalat kasi na nag-advance ako ng 2 years para lang kasama ko tong mga to. Sila naman advanced ng 1.
Mga usisera nga naman. Natural lang kaming naglakad papuntang Physics. So what?
Pagpasok namin, tumigil ang lahat sa ginagawa nila. Balita ko pa naman may new teacher. Tsk. Malas siya kung siya nga 'to.
"Don't you have clocks in your home?" He asked. Ew bading. "Of course we do. May bahay bang walang orasan? Baliw ka?" Sinagot siya ni Alexis.
Lauraine rolled her eyes. Tapos hinawakan ang noo niya. "Oh my god. Im so disappointed on my parents. Seriously? Hinayaan ka nilang makapasok dito?" Lauraine asked habang tinataasan ng kilay yung baklang nakanganga.
Haha. Lagot ka ako naman! "Now you know anak ng may-ari ang kinakalaban mo?" I asked. Hindi parin ma-absorb ng utak niya yung sinabi namin. Nasupalpal ang bruha.
"Bastos ka ah! Hindi ka tinuruang sumagot?" Pangiinsulto ko pa sakanya. Ewan ko ba kung ba't ang sama ng ugali ko. Well, dyosa naman. Okay lang yan!
Huminga siya ng malalalim. He looked really pathetic. "Go take your seats." Lakas loob niyang sagot.
The discussion was so boring. God, bakit ba hindi nalang ako lumabas dito? Tinulugan lang naman siya ni Lauraine, nabored siguro kakaselfie.
Palagi ding tinatama ni Alexis yung mga mali niya, which is often. It happens a lot! "Alexis. Palitan mo nalang yang teacher sa unahan! Mas alam mo pa yung lesson. Ano ba 'yan." Sabi ko kay Alexis. She smirked. The bell rang!
And yeah. HEAVEN! I get to eat.
Pumunta na kami sa tambayan namin. Ang School Cafe, maganda dito kasi only the best of the best gets to eat here. The top 20 richest kids only has the chance para makakain dito. Yeah top 20 richest kids. At kasali kami don!
Nangunguna pa nga ako eh. Pangalawa naman si Lauraine habang pangatlo si Alexis. Pagkapasok namin napakunot-noo kaagad kami sa nakita.
"Ba't kayo nandito?" Pamaldita niyang tanong. "Seriously, Cryril? Nakapasok ka dito? Sa ganyang kondisyon? Pathetic." Maldita kong sagot.
Nag-cross arms si Alexis. Ang ayaw pa naman niya yung binababoy yung lugar niya. "And who gave you the permission para magpapasok ng taga-squatter dito?" Taas kilay niyang tanong kay Cyril.
Tumawa ng mahina si Cyril. Makikita mo naman sa mukha niyang natatakot na siya. "At sino ka naman?" She asked Alexis while playing with her hair.
"Ako lang naman ang nagdonate ng milyon milyon upang maipatayo ang cafe na 'to. In short, this cafe is mine." Alexis said, parang naging tanga si Cyril.
Nilapitan nama sila ni Lauraine. "Im the daughter of the school, remember?" Lauraine whispered into Cyril's ears.
May waiter na nagbigay sakanila ng drinks. "Young master, ano pong gusto niyo?" He asked.
"Ang paalisin sila. Sa cafe KO." Sagot ni Alexis. Uh-oh. Napanganga naman si Cyril. "I want you out of MY SCHOOL, bitch." Mungkahi ni Lauraine.
Nagjoin forces kami para masaya. Nanglilisik ang mata ni Cyril, bakas sa mukha niyang naiinis na talaga siya. "Pagbabayaran niyo to! Let's go girls." Sigaw niya sa alipores niya habang tinuturo-turo kami. Ang kapal talaga ng mukha niya. Bilib ako sakanya! .
Didn't I mention nagpapasok siya ng mga taga-squatter dito? Yes yung mga alipores niyang parang GRO kung manamit. Ewan ko nalang kung pano nakapasok sa school na ganito!
Pinalinis namin kaagad yung area, of course.