Areina's PoV
Nagising ako dahil sa amoy ng kwartong kinalalagyan ko.....
T-teka...
K-kwarto ba kako?
Napa mulat agad ang mata ko ng ma-realize ko na nandito ako sa kwar---
*0* ong gondo!!!
Light blue na may purple at white ang kulay.
Purple ang mga pader, yellow-green ang mga kurtina.
Blue tiled ang sahig at white na ang kama. Pero, purple-pink ang kumot at unan.
Maganda siya, halatang pambabae.
Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan.
"Pasok!" Sabi ko.
At tulad ng aking inaasahan, si Vixivien ang pumasok.
"Ahmmm.... h-hi?" Kinakabahang bati ko.
Umupo siya sa gilid ng kama, tumabi siya sa akin.
"Don't go to your damn school tomorrow." Sabi niya agad.
"0_0 A-ano? B-bakit? Eh diba investor ka ng GSC? Bakit mo ako pinapa-transfer? H--"
"Let me talk first can you?" Sabi niya naman ng seryoso kaya natahimik na ako.
"You'll transfer to OUR school so that I can check you regularly. And at least at OUR school, no one will going to treat you like a junk."
Kanina pa 'to OUR ng OUR.
"Teka! OUR SCHOOL ka ng OUR SCHOOL kanina pa. Kasali ba ako sa School mo?" Tanong ko.
"VERIX COLLEGE." sabi niya.
V-velix?
Ang palaging kalaban ng school namin sa lahat?
"Teka! Paano naman yong mga kaibigan ko?" Tanong ko.
"Tsss... they are their. Since last week." Sabi niya.
Napa-nganga na lang ako.
"ANO?! SINCE LAST WEEK?! TAPOS 'DI MO SINABI SA AKIN?!--"
"Can you calm down? Tsk! It's f**king on the plan. I wont to say a fvckin' sorry cause I know that this is the best decision that I fvcking made just to keep you safe." Sabi niya.
Huh? Ano daw?
Spell N-G-A-N-G-A.
"Go have your shower and change your clothes, go down after to eat dinner." Sabi niya saka lumabas.
Ginawa ko agad ang sinasabi niya. Medyo nalito pa ako kung saan ang banyo at walk-in closet. Wala kasing cabinet o closet dito.
Sosyal nga eh. Iilan lang siguro ang luma kong damit dahil lahat napalitan lahat.
Pati sapatos, ang dati kong sirang mga rubber shoes ay napalitan ng mga flat shoes na black at mga rubber shoes.
Ang mga jeans naman ay napalitan din. Pero yong mga shirts kong anime hindi napalitan.
Pagbukas ko ng isa pang kabinet ay ang mga uniforms ko. Sapatos, medyas, blouse na long sleeve, skirts na 2 inch below the knee at ang jacket ng VC.
Bangag na ako. Joke!
Lumabas na ako dito sa kwarto bago pa ako ma-stuck dito dahil sa kagandahan nito.
Medyo nililito ako kasi andaming pasilyo ang nadadaanan ko.
Carpeted lahat ah! Tapos lahat ay kulay gray, white at black.
Metal at cristal glasses gawa ang karamihang parte ng bahay.
At last! Nakita ko na din ang hagdan.
Red carpet ulit?
May hagdan pataas at meron din pababa.
Bumaba na ako hanggang sa dulo.
Lalo akong namangha dahil sa ganda ng sala.
Anlawak. May LED TV na nakadikit sa pader. Yaman naman nito. Pati ba pinaka-malaking LED TV sa buong mundo, bibilhin?
Saan kaya ang kusina.
May nakita akong babaeng naglalakad.
Matanong nga.
"Psst..... Ate," tawag ko.
Napalingon naman siya sa akin.
"Ate, saan po ang kusina?" Tanong ko
"Dito po, Ladyship." Sabi niya saka ko siya sinundan.
May pintuan siyang tinuro at sinabing pumasok ako.
Inaya ko, pero tumanggi. Takot pa siya noong inaya ko eh.
Pagbukas ko ay nandoon si Vixivien, naka upo sa gitna tapos may iniinom siyang red na nakalagay sa wine glass--- obviouse namang wine. hayy.. sa harap niya ay isang bote ng wine na malapit ng mangalahati.
"Wine sa gabi?" tanong ko noobg umupo ako sa kanan niyang upuan.
Bawal kayang mangaliwa.
Hindi siya nag salita, bagkus naglagay ng pagkain sa plato ko.
Ahh... snob? Paymus?
Susubo sana na ako ng magtanong siya.
"Do you like your room?" Tanong niya.
"Oo, maganda at malaki." sabi ko bago magsubo ng pagkain. Siya naman ay umiinom parin ng wine.
-
Ng matapos akong kumain ay huhugas ko sana pero sabi niya may mga katulong naman.
Sabi niya maglilibot DAW kami sa bahay-- mali, Mansion pala.
Una sa labas.
Kasalukuyang nasa pool area kami kasi may kausap siya sa phone.
Naparami ang kain ko kaya maglalakad muna kami.
Ang ganda ng pool. Rectacle. Yung tiles flooring ay mga black roses. Kitang kita kasi christal white yong kulay ng tubig.
Nagulat ako ng may nagpatong ng coat sakin.
"Ahhmm... salamat." Sabi ko.
Inakbayan niya ako tapos naglakad ulit.
Ng napadaan kami sa grass field ng bahay ay may mini pool.
'Mini pool pa ba ang tawag diyan?' Sabi ko sa isip ko.
Paano ba naman kasi, kasing laki ng kwarto ko iyon sa bahay ni Tita. Malaki rin ang kwarto ko doon pero mas malaki ang kwarto ko dito.
May mga upuan at mesa dito.
"Ikaw lang ba ang tumitira dito?" Tanong ko
"No, you stay here so, I'm not alone." Sabi nya.
"Hindi, ang ibig kong sabihin ay noong wala pa ako" sabi ko.
"Yeah, with my slaves." Ouch! Slaves? Straightforward to ah.
"Bakit ka naka palit?" Tanong ko.
"I have my last work for today. You have to take a rest. I shall go." sabi niya pagkahatid niya sakin sa may hagdanan.
"Okay? Sige ingat!" Ako
"Don't forget, you have a class tomorrow." Sabi niya.
"Oo, alam ko." Sabi ko tapos umakyat na.
Di na ako nalito kasi may palatandaan ako.
Hansel and Grethel?
-Shinigami_14
BINABASA MO ANG
Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)
AcciónA dominating Lord that would only bow down to his angel.