Prologue

43.1K 690 13
                                    

Ariena's PoV

Nasa tapat na ako ng gate ng bahay ng may mapansin ako.

May mga itim na kotse sa magkabilang gilid ng mga kanto.

Wait, bibilangin ko...

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, a-anim???!!

Pumasok na ako sa bahay. Baka bisita ng kapit bahay 'yan.

Dere-deretso ako'ng pumasok sa bahay.

'Yaman naman ng bisita nila sa kabila' sabi ko sa isip ko.

Ako si Ariena Salvador, 18 na at nag-aaral sa Golden State College. Ahmm... second year college na at nakatira ako sa tita ko. Kasama ang mama ko, pero andito lang siya pag hapon. Parang ngayon.






"Hell---" natigil ang pagbati ko ng makita ko si Tita na umiiyak, si Mama na nadisiyahan at mga lalaking naka-black.

"B-bakit po?" tanong ko

Di sumagot si Mama tapos si Tita, lalong humagulgol.

"Ma, sagutin niyo naman ako!" medyo napasigaw na ako.

"Paki labas na ang mga gamit niya at dalhin niyo sa sasakyan Niya." Mama

Nakita ko namang may mga lumabas na lalaki sa kwarto ko at may mga dalang bagahe at mga maleta. Pati mga ibang gamit ko, dala rin nila.

"Ma, ano ito?!" di mapigilang sigaw ko.

"Ariana, please, huwag sa pamangkin ko. Maawa ka naman. Wala pa siyang alam dito!" sigaw ni Tita kay Mama.

"Alam kong alam mo na mangyayari rin ito. Huwag kang maging bulag Ate! Noon ko pa sinasabing huwag mo siyang mahalin na parang anak dahil mawawa---"

*Pak*

Nagulat ako sa pagsampal ni Tita kay Mama.

"Bakit? Nagawa mo siyang ibenta?!"

Naka-nganga lang ako dito.

"Anak?! Hindi! Galing siya sa maruming tao! Anak siya galing sa rape! Parehas sila ng tatay niya! Marumi!"

"Ariana! Hindi! Paanong 'Rape' kung si Jax naman ang gumawa?!--"

"Huwag na huwag mong mabanggit banggit ang pangalan na iyan, Ate! Sige, labas'ng mga iyan!" Utos ni Mama.

"Can I get what's mine?"

Nagulat ako sa boses na nasa likod ko. Kilala ko ang boses na iyan.

'Vixivien Housuevien'

"Oo, kunin mo na siya." Mama

"Huwag, please, Mr. Housuevien, Ariana." pag-mamaka-awa ni Tita.

"We're finish about this deal, right?" Sabi ni Vexivien

"Yes, of course Mr. Housuevien, you may get her now." Sabi ni Mama.

Naramdaman ko na lang ang pag hawak niya ng kamay ko at nag-lakad na.

Ang sakit, ang sakit-sakit. Sarili kong ina, ipinamigay at ibinenta ako sa lalaking inaakala kong kuya ko. Iyon pala, lumapit siya para mapa-lapit ako sa kanya.

Naririnig ko pa ang pagtutol at pag pigil ni Tita kay Mama pero wala talaga eh.

Pera? Hindi bat mayaman naman iyong Jax na nasabi nila?

Jax Salvador, ang ama ko, isang Tycoon.

Kilala kaya niya ako? Hinahanap kaya niya ako? O baka, umaasa lang ako.

Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako, basta ang naramdaman ko ay ang pag-pahid ng aking mga luha.

Nasa may kotse na pala kami.

"Stop crying." Sabi niya.

Nag iba na din siya, hindi siya iyong Vexivien na kilala ko.

Ang mabait, maalaga at mapag-mahal.

Ngayon, ay malamig at walang emosyong Vixivien ang nakikita ko.

Siguro, noong nagpasabog ng kamalasan ang demonyo, ako ang nakasalo sa lahat.

Binenta ako, iniwan ako, niloko ako. Ano pa ba ang idadagdag nila para masaktan ako? Ang sakit sakit na kasi eh. Ano bang akala nila sa akin? Manhid?

Ano ba ang kasalanan na ginawa ko para pahirapan nila ako?

"S-saan mo ako dadalhin?" Tanong ko.

Kotse niya ang nakagitna. May sinusundan siyang kotse at may sumusunod na iba pang kotse.

"In our house. Where else?" siya.

"Our?" Ako

"Yeah, you as my Wife wi---"

"WIFE?!!! Hindi ko pa nabalitaan na kasal na tayo?!" Exagerated na sabi ko.

"Tss... that's on the deal, little fella, that you will be my wife. Remember the day I had a fake marriage with you?"

"Natural."

"That day is our wedding day. You wore that ring *sabay turo sa kamay ko* I gave you, that day. You think it's fake? No. Many guests, with your friends, a wedding gown with reception. That is all true, better remember this, little fella, I don't play games, I don't joke and I don't know the word smile and laugh. I don't even know how to act that freakin' words." Sabi niya.

Bitter ha? Nag nobela pa. Haayyy.... sobra namang nakaka-nose bleed to.

Hahanda ko rin pala ang tenga ko sa mga malulutong niyang mura.

"Matagal pa ba?" Tanong ko

"Yeah, so you better rest. I'll just wake you up if we're there." Sabi niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa head-rest ng upuan at ipinikit ang mata ko.

Nakaka-pagtaka. Bakit marami siyang dalang sasakyan? Hindi naman ganon karami iyong gamit ko sa bahay ah!

Galit ako sa Mama ko. Ganyan na ba siya kagalit? Pero bakit Salvador din ang last name niya?

Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa si Mama.

Basta, isa lang ang alam ko....



Ayaw ko siyang makita o makausap manlang.

Ariana's PoV (Mama ni Ariena)

Alam kong galit na galit ang anak ko dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Ariana, why are you here. Your supposed at our daughter." Sabi ni Jax.

Oo, nag sinungaling ako kay Arien na bunga siya ng Rape.

Alam din ni Jax ang ang pagpirma ko ng kontrata.

"N-nakay Mr. Housuevien na ang anak natin. Galit siya." sabi ko at umupo sa couch ng office nya.

"The f**k?! I thought--"

"Sorry," sabi ko.

Oo na, ako na ang malaking sinungaling sa buong mundo.

Iniisip ko lang ang kaligtasan ng anak ko. Dahil alam kong mas kaya niyang protektahan ang anak namin.





Dahil isa siya sa PINAKAKAPANGYARIHANG TAO sa mundo niya.












-----

Thankie!!

-Shinigami_14

Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon