Chapter 1

86 1 0
                                    

Amie's Point of View

"Y-your such a bitch!! Pati boyfriend ko inaagaw mo!! Mang-aagaw ka!! Alam mo ng boyfriend ko yun pero anong ginawa mo?!! Inagaw mo siya sakin!! You ruined our relationship!! Magwa-one year na sana kami ngayon pero ano?! Wala na! Kinuha mo na!! Nagamamakaawa ako na balikan niya ako pero wala na eh!! Walang wala na!!! Sinira mo--------"

*pak*

"Pwede ba. Shut up your mouth!!! Nabibingi na ako! Kasalanan ko ba ha na mapunta sakin yang boyfriend mo. At wag mo nga akong sinisisi dahil lang diyan sa nawala niyong relasyon. Hindi ko din siya inagaw sayo dahil 'siya' ang lumapit sakin!" kinuha ko na yung bag ko at umalis. Bwisit kasi na babaeng yon! Kung makapagreklamo siya sakin wagas. Di naman siya maganda noh! Walang wala yun sakin.

Habang naglalakad ako palabas, may naalala ako. Lumapit ako ulit dun sa babae at hinarap siya sakin.

"Oo nga pala. May isa pa pala akong nakalimutan na sabihin"

*pak*

Sinampal ko ulit siya kaya napahawak siya sa pisngi niya.

"Ano nanaman bang problema mo ha?! Bakit mo ako sinampal?!" may mga luha ng lumalabas sa mata niya. Sige lang, umiyak ka pa.

Lumapit ako sa kanya. Yung sobrang lapit para siya lang yung makakarinig.

"Sa susunod na sabihan mo ako ng bitch, humanda ka na kasi baka hindi lang yang sampal ang makuha mo" umalis na agad ako dun. Ayoko ng makita yung babae, hindi naman pati yun maganda. Sayang lang sa oras ko.

Kinuha ko yung iPad ko at sinaksak ko dun yung headset ko. Ayoko ng makarinig ng ingay baka mas lalo lang akong mainis. Habang naglalakad ako, ang daming mga nakangiti sakin. Tss. Halata namang mga plastik yung ngiti.

Dire-diretso lang akong pumasok sa room hanggang sa makadating ako sa upuan ko. Pagkaupong pagkaupo ko, may mga babaeng pumunta sa harap ko. Lintek! Kung makapose silang tatlo akala nila magaganda sila, eh mga wala naman silang panlaban sakin eh. Pagandahan palang talo na sila.

Tinanggal ko yung headset ko sa tenga ko. Haharapin ko lang saglit 'tong nga linta na'to. Tumayo ako at humarap dun sa babaeng nasa gitna. Bitbit ko pa din yung iPad ko sa kaliwa kong kamay at yung headset naman sa kanan.

"Ano bang problema niyong mga linta kayo ha?" tinaas nung babae yung kamay niya na parang sasampalin niya ako pero hindi niya tinuloy.

"Oh ano? Bakot hindi mo tinuloy? Natatakot ka?" confident kong sabi sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanya noh kahit na may kasama pa siyang mga alalay niya.

"Bakit mo sinaktan yung bestfriend namin ha?!" sigaw nung isa niyang alalay. Tumingin ako sa kanya at tinaas ko yung kilay ko.

"Wag ka ngang OA sumigaw. Hindi namatay yung bestfriend niyo kaya wag kayong nega. At hindi naman ikaw yung kausap ko, kaya tumahimik ka." nagulat siya sa sinabi ko at tumahimik nalang. Natakot siguro. Haha!

Hinarap ko ulit yung babaeng nasa gitna. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. Napansin niya  yung ginawa ko at nag-iba yung expression ng muka niya.

"Wait. Naiinsecure ka ba ha?!" aba! At sino siya para sigawan ako?! Alam kong bago pa lang ako dito, pero wala eh. Kailangan kong ipakita ang Pretty Powers ko.

"Wow miss ha. Tinignan lang kita mula paa hanggang ulo insecure agad? Hindi ba pwedeng kinukumpara ko lang yung panget mong paa sa muka mo?" haha! Halatang naiinis na siya. Sige lang, mainis ka. Inumpisahan mo ko eh.

Umalis na yung babae sa harap ko sumunod naman sa kanya yung mga alalay niya. Bumalik nadin ako sa upuan ko at hinintay ko nalang na dumating yung professor namin. Math ang subject namin, pero okay lang.

"Hey." ay putek! Muntik na akong mahulog dito sa upuan ko.

"What?" tipid kong sagot sa lalaking 'to.

"Nakita ko yung ginawa mo kanina kila Miriam. Haha! Napikon mo siya" pshh.. parang yun lan. Ganun talaga nagagawa ng nga magaganda, minsan may pagka- amazona.

Hindi ko siya pinansin pero nagsalita siya ulit.

"By the way, Im Drake." nilahad niya pa yung kamay niya. Tinanggap ko naman.

Ng dumating nadin yung prof. namin, tahimik lang kami nitong Drake. Nakikinig lang kami sa mga discussions ni prof.

*ringg ringg*

Hay sa wakas! Nagbell na. Gutom na ako eh.

Habang naglalakad ajong papuntang canteen, tumutunog yung cellhone ko. May natawag pero hindi ko makita yung phone ko bwisit!

*boogsh*

"Ouch! What the hell?! Bulag ka ba ha?!" sigaw ko dun sa bumangga sakin. Walang sinuman ang pwedeng bumangga sakin noh! Maliban nalang kay kuya.

Napailing ako. Nakita ko yung bumangga sakin, nakatayo na. Tumayo nalang din ako. Aray! Sumakit ata puwetan ko eh. Nilapitan ko yung lalaki, tinignan ko siya mata sa mata at tinaasan ng kilay. Habang tumatagal parang........ parang bumibilis tibok ng puso ko. Amp!

Unti unti niyang tinaggal yung shades niya at ngumiti sakin. Aba! Siya na nga nakabangga siya pa may ganang ngumiti? So ano? Masaya pa siya na nabangga niya ako? Naramdaman kong hila hila na pala ako nitong lalaking 'to. Napasandal ako sa pader at unti unting lumalapit yung muka niya sakin.. Shiti! Ang gwapong nilalang pala nito!!!!!

Lumapit pa lalo yung muka niya sakin, akala ko hahalikan niya ako pero bubulong lang pala siya. Tsk!


"Humanda ka sakin pag nagkita ulit tayo"







To be continued...

Love at First TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon