Chapter 3

54 1 0
                                    

--

Hayy.. nakakapagod yung kwentuhan at kainan namin nila ate. Sumakit yung tiyan ko! Ang sarap kasi ng mga chocolates.

Humiga ako sa malambot kong kama. Tutulog na lang muna ako.
Muntik na akong malaglag sa kama ko ng tumunog yung cellphone ko.

"Oh bakit napatawag ka?"

[Wala man lang hello? Tss. Punta ka dito sa bar nila tito. Dalian mo hihintayin kita]

*toot toot*

Hindi pa nga ako nakakasagot pinatay niya na. Bahala na nga.

Nagbihis agad ako. Nakablack shorts lang ako at black long sleeves na kumukinang. Nagpaalam nadin ako kila mama na pupunta lang ako sa bar nila tito Phil. Tinext ko dun si Bianca na papunta na ako.

Pagkadating ko dun, ang daming tao at ang ingay. Sabagay, gabi nadin at marami nadin ang napunta sa mga bars. Pumasok agad ako at hinanap si Bianca, nakita ko naman agad siya.

"Hay salamat at dumating ka akala ko di ka na dadating" bungad niya sakin

"Ano bang meron? Bakit mo ko pinapunta dito at.. bakit ang daming tao?" tanong ko sa kanya. Napakunot naman yung noo niya.

"Sabihin na lang natin na ngayon ang dating no Tita Em." ngayon?! Waaaaahhh!! Excited na akong makita siya.

"Eh bakit nga ang daming tao?"
"Kaibigan kasi nila Tito at Tita yung iba diyan pero yung iba makikiinom lang." ah okey.

Lumapit kami dun sa bartender at umorder ng kahit anong maiinom. Bigla namang lumabas si Tito Phil. Parang ang laki ng pinagbago ni Tito. 2 months ago lasi nung huli ko siyang nakita.

"Uy. Andiyan ka pala Aime. Kamusta? Balita ko ngayon yung dating ni Shiela" bungad samin ni tito.

"Okey lang naman ako tito. At tska paano mo nalaman na ngayon umuwi si Ate Shiela?" tinuro niya si Bianca gamit yung labi niya. Tinignan ko si Bianca, ang lapad ng ngiti niya.

Pero paano din nalaman ni Bianca na ngayon umuwi si Ate Shiela? Hay. Bahala na nga. Di ko nalang itatanong.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng may narinig kaming pumasok ng pinto. Ayan na si Tita!!

"Tita Em!!" sabay pa naming sigaw ni Bianca at nagmadali kaming lumapit kay tita para yakapin. Napansin ko lang na parang gumanda si tita.

"Tita Em namiss ka namin." sabi ni Bianca

"Namiss ko din naman kayo. Eh si Phil? Mukang umaasenso na ang bar niya ah" sagot ni tita.

"Hey. Hey. Hey. Anong sinasabi niyo dito sa loveybabes ko?" loveybabes? Ahaha! Ang baduy naman.

"Yuck tito bakit loveybabes? Hahaha! Ang baduy mo" tawa kami ng tawa dito ni Bianca habang si tito naka-pout. Ang cute! Parang bata.

Pumasok na kaming apat sa office ni tito para tignan yung mga pasalubong samin ni tita.

Pagkabukas namin ng isang maliit na maleta ni tita... Shocks!! Ang daming chocolates namin nito!

"Tita! Para samin ba 'to?" tanong ni Bianca na tuwang tuwa. Favorite kasi namin ang chocolates.

"Aba ay oo naman. Kung gusto niyo ay magdala nalang din kayo pauwi para--" hindi natuloy yung sasabihin ni tita dahil sumingit si tito. Minsan talaga may pagka-epal 'tong si tito.

"Akin lang yang mga chocolatea na yan ah. Ibalik niyo yan"

"Ang KJ mo tito. Di mo naman mauubos 'tong lahat eh"

Lamon lang kami ng lamon.. este, kain pala. Kain lang kami ng kain ng chocolates ni Bianca hanggang sa sumakit na yung tiyan namin. Tapos kwentu-kwetuhan lang kami nila tita about dun sa experience niya sa Canada. Damang dama ni tita yung sobrang saya niya habang nagkwekwenyo siya. Parang gusto ko tuloy pumunta sa Canada!!

Past 11:30 nadin pala ng matapos kaming magkwetuhan kaya nagdecide na kami ni Bianca na umuwi na. Nagpaalam nadin kami kila tito at tita na uuwi na kami. Habang naglalakad kami, may lalaking nakaharang sa pintuan, lasing na ata 'to eh kasi may dalawang babae ang nakaalalay sa kanya.

Dahil nga sa nakaharang sila, hindi kami makadaan. Sa sobrang inis ko, pinaringgan ko yung lalaki kahit nakatalikod siya. Luningon naman ako kay Bianca, halatang naiinis nadin siya.

"Hey mister. Baka naman gusto mong magpadaan ha!" inis na inis na sabi ni Bianca dun sa lalake kaya napaharap ito samin.

"Sorry miss. Ako ba yung sinasabihan mo?" lasing ba 'to o hindi? Ang angas eh. Parang hindi naman nakainom.

"Ay hindi yung dalawa mong alalay." napatingin ako dun sa dalawang nakaalalay dito sa lalaki. Nakakunot yung mga noo nila. Tinanggal naman nitong lalaki yung pagkakaakbay niya dun sa dalawa niyang alalay.

"Wait lang mga babes ha" mga babes?! Amp naman! Gwapo sana 'tong lalaki na 'to kaso ang chickboy.

"Pwede bang umalis kayo sa daan. Dadaan kaming mga prinsesa kaya tabi!" tinabi ni Bianca yung lalaki para makadaan na kami. Pero may humarang saming tatlong mga lalaki.

"Hi mga miss" sabi nung lalaking nasa gitna. Naks! Nakashades pa siya ha. 12:00 na ng gabi wala ng araw!

"Tatabi kayo o gusto niyong i-flying kick pa namin kayo?" maangas na tanong ni Bianca. Tinuruan kasi kaming dalawa ng taekwondo noong mga bata palang kami.

"Wow miss ang yabang mo ha" ano ba?! Hindi ba sila mga tatabi?! Gabing gabi na at pagod nako! Sa sobrang inis ko na, humarap ako dun sa tatlong lalaki habang si Bianca nasa likod ko.

"Tatabi ba kayo o tatab?!!" galit na galit kong sigaw sa kanila. Naiinis na talaga ako.

Sa sobrang inis ko, hindi ko na hinintay na sumagot sila kaya sinipa ko agad yung lalaki dun sa ano niya. Yung isang lalaki naman, sununtok ko yung muka at hinagis ko papunta naman sun sa isang lalaki kaya natumba silang dalawa. Napalingon ako dun sa lalaking pumapalakpak. Siya nanaman? Naiinis na ako baka gusto niyang mapatumba ko din siya.

"Amazing. Amazing. Grabe tatlong lalaki napatumba mo ng ikaw lang mag-isa" alam ko namang magaling ako noh. Duhh!

"Psh. Whatever. Let's go Bianca" umalis na kami ni Bianca dun sa bar.

Hinatid ko na muna si Bianca sa kanila kasi wala siyang dalang kotse. Nang makarating nadin ako sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hayy! Nakakapagod...

--

*magandang prinsesa*

*magandang prinsesa*

Pinatay ko yung alarm clock ko tapos dumiretso na ako sa banyo. Pagkababa ko, nagpaalam na agad ako kay mama. Hindi ko na hinintay si kuya ang bagal bagal niya eh, hindi nadin ako kumain. Ewan ko ba pero parang gusto kong pumasok ng maaga ngayon.

Pagkadating ko sa school, pinark ko agad yung kotse ko at dumiretso agad ako sa first subject ko.

Pagkapasok ko andun na si Drake. May sinusulat siya sa armchair ko, pero hindi ko nalang yun pinansin.

"Oh. Hi my bebeloves" yuck! Bebeloves his face! May nalalaman laman pa siyang ganon.

"Don't call me bebeloves" inis kong sabi sa kanya at umupo na sa tabi niya. Sa kanan ko siya katabi, sa kaliwa bakante.

Dumating nanaman agad yung teacher namin. Sabi niya may bago daw kaming makakaklase. Ewan ko, pero parang hindi ako excited na makita yung magiging bago naming kaklase, lalo na at dito pa sa tabi ko ang may bakanteng upuan kaya posible na baka dito yun uupo.


--

A/N: Sino kaya yung magiging bago nilang kaklase? Haha. Abangan sa next chapters.

Vot. Comment. If nagustuhan niyo 'tong chapter na'to.

Love at First TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon