Chapter 6

33 1 0
                                    

Kaizer's Point of View

Aime.. Aime pala pangalan niya.

Sa totoo lang, sa tuwing nakikita ko siya o nilalapitan... at kinakausap, parang nawawala ako sa sarili ko. Tapos yung puso ko? Iba. Parang nakakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko. At nung una ko palang siyang makita sa bar nila Kuya Phil, grabe! Nakakagulat ang ganda niya. Inaamin ko, sobrang ganda niya talaga. Nakakamangha nga din siya kasi hindi lang siya maganda, matapang pa siya. Noong nanduon kami sa labas ng bar nila Kuya Phil, parang nakaramdam ako ng pagka-slow mo ng paligid ko. Habang nakatingin ako sa kanya nun, parang naghahalo yung pagi-slow mo ng paligid ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito simula ng iwan ako ng unang babaeng ginusto ko noon. Oo, GINUSTO ko lang yung babaeng yun dahil sa lakas ng appeal niya. Pero ewan ko ba, kasi kahit ginusto ko lang siya at hindi ko siya minahal parang nasaktan ako ng sobra nung iniwan niya ako. 2 years din kasi naging kami kaya siguro ganun nalang ako nasaktan. Noong naging kami pa, wala akong naramdaman na minahal ko siya. Ni hindi ko rin naramdaman noong kami pa na kada kapag katabi ko siya o kasama ko siya ay bumubilis yung tibok ng puso ko. Ni hindi din ako nakaramdam ng pagi-slow mo ng paligid ko kapag tinitignan ko siya. Maliban nalang ngayon na nakilala ko na ang nagparamdam sakin ng mga yun, si Aime.

Sa unang gulo ko palang siyang nakita ng gabi noon sa bar, parang...








Na-love at first sight na ako sa kanya.





Alam kong hindi totoo yang mga love at first sight na mga yan pero... ano 'tong nararamdaman ko? Aish!

--

Humiga agad ako sa kama ko pagkadating ko dito sa mansion namin.

Hmmm... wala naman akong magawa!! Putek. Wala kasi dito yung kapatid kong si Kurt kaya wala akong makakalaban sa NBA.

Bahala na nga lang! Tutulog nalang ako.





Aime's Point of View

10 minutes pa Aime, konting tiis pa. 10 minutes nalang....

"Aaaaaaahhhhhhh!!!" aahhh!! Ayoko na! Suko na ako!!! Ang boring dito sa mansion namin. Ang laki laki kasi ng bahay namin perio wala naman akong magawa. Tapos yung lima naming yaya hindi ko naman makausap. Waahhh!! San ba ako puwedeng pumunta?!

Nag-isip isip ako kung anong pwedeng gawin habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Biglang nag-vibrate yung phone ko.

From: 0963********

    Punta ka dito sa park. Hihintayin kita bebeloves. ^_^

Bebeloves?! Yuck! Sino 'tong nagtext? Si Drake kaya?

Dahil sobrang bored na bored na ako, nagbihis ako ng shorts and v-neck white shirt at umalis na. Hindi na ako nagpaalam sa mga yaya namin.

Malapit lang naman yung park dito kaya nilakad ko nalang.

Pagdating ko sa park, may nakita agad akong isang lalaking nakaupo sa may swing kaya tumabi ako dun.

"Bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa malayo.

"Wala lang" nagulat ako sa narinig ko. Hindi yun boses ni Drake.

Pagkalingon ko sa kanya.

"Bakit ikaw ang nandito?! Nasan si Drake?! Anong kailangan mo sakin?!" sunud sunod kong tanong sa kanya.

Hindi siya nagsalita, hinawakan niya lang basta yung kamay ko sinakay niya dun sa kotse niya.

Love at First TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon