Chapter 2

48 1 0
                                    

Amie's Point of View

"Humanda ka sakin pag nagkita ulit tayo"

"Humanda ka sakin pag nagkita ulit tayo"

Urghh! Sumasakit na yung ulo ko. Kanina pa pamapasok sa isip ko yung sinabi nung gwapong lalake. Ano kayang pangalan nun? Sayang di ko natanong.

Kumain lang ako dito sa canteen at tumambay muna. Naiisio ko pa din kasi yung lalaki kanina. Pero diba siya din yung bumangga sakin?! Siya? Haha! Sabi niya sakin siya humanda daw ako sa kanya, yun pala dapat siya ang maghanda sakin.

Muntik na naman akong mahulog dito sa upuan dahil sa mga nagtitiliang mga babae. Bwisit! Ganito ba talaga dito? Laging may nasigaw? natili? Makaalis na nga lang.

Hindi pa ko nakakalayo pero may natawag sakin. Sinisigaw niya yung pangalan ko.

"Amie!!" di ko pinansin yung tumatawag sakin, dire-diretso padin ako sa paglalakad.

"Amie!!" bahala nga siya sumigaw kung sino siya.

Malapit na ako makalabas ng canteen kaso may humawak ng braso ko. Tinignan ko kung sino. Amp! Siya nanaman?

"Bakit ba ha? At sino ka? Anong kailangan mo sakin? Bakit mo sinisigaw yung maganda kong pangalan ha?" tanong ko dito sa lalaki.

"Miss. Isa isa lang okey? Iisa lang bibig ko." Psh. Whatever.

"Eh ano ba talaga kasing kailangan mo? At sino ka ha? Kung manliligaw ka, sorry im not interested."

"Hindi naman ako manliligaw sayo eh. Gusto ko lang sanang maki pagkaibigan." bago pa man ako maka pagsalita ay may humila sakin.

Si kuya.

"Oh kuya, bakit?" bago siya sumagot, tinignan niya muna yung lalaking kausap ko kanina kya napatingin din ako. Ang sama ng tingin niya kay kuya. Ahaha! Selos?

"Tara, may pupuntahan muna tayo." bago pa man ako makasagot ay hinila na agad ako ni kuya. Hindi ko tuloy nakausap yung lalaki, at yung pangalan nung lalaki!! Urghh, di ko nanaman natanong.

San ba kasi kami pupunta ni kuya?!

--

"Kuya! Sino ba kasi talaga hinihintay natin? Pa-VIP eh. Ang tagal tagal!!" reklamo ko kay kuya. Andito kami sa labas ng airport, sino ba kasi talaga yung hinihintay namin?!

Mga 5 minutes na pero hindi padin dumadating yung hinihintay namin ni kuya. "Kuya! Pwede bang pakisabi sa hinhintay na pakibilisan?! Papasok pa ako!" hindi ko na napigilan kaya nagreklamo na ako kay kuya. Di ko na kaya ang paghihintay! Ang mga dyosang magaganda katulad ko ay hindi dapat pinaghihintay! Fvck. >.<

"Wag kang mag-inarte diyan Aim. Excuse tayo ngayon sa mga klase natin." excuse?! Ayokong ma-excuse!! Gusto kong pumasok. Gusto kong maperfect yung attendance ko noh!

"At baka magulat ka kapag nakita mo na yung hinihintay natin" nag-smirk pa siya. Ako daw magugulat? Haha! Humanda sakin kung sino yun, wala siyang karapatan para paghintayin ang prinsesang katulad ko.

Habang naghihintay kami ni kuya, iniwan ko muna siya dun at sumandal ako sa pader. Nakinig lang ulit ako sa music. Sh*t! Ngalay na ako kakatayo!! Si kuya kasi eh ayaw pumasok sa loob, ang arte arte! Dinaig pa ako.

Mga 20 minutes na ata akong nakatanga dito, may nakita akong kayakap si kuya. Aba! Sabi ko kay kuya wag muna siyang maiinlove at maggirlfriend ah! Dali dali akong lumapit kay kuya. Hinila ko palayo si kuya dun sa babae.

"Hoy kuya sino siya?! Bakit mo siya niyayakap?" ang sama parin ng tingin ko dun sa babae. Si kuya naman nakangisi.

Lamapit si kuya dun sa babae at umakbay. What the?!! Sino ba 'tong babaeng 'to?

Lumapit din ako dun sa babae at tinanggal ko yung shades niya. Shocks!!

"Ate Shiela?!"

Fvck. Nakakahiya. Si Ate Shiela pala yun akala ko kung sino. "Did you miss me Aime?" grabe. Nakakatunaw ang ganda niya! Tinalo ata ako. "Ikaw ba talaga yan Ate Shiela? Ohmygosh! Imissyou." niyakap ko siya ng sobrang higpit. Namiss ko talaga 'to si Ate. 2 years ago kasi nung huli niyang dalaw samin dito.

"Tapos ngayon yayakap yakapin mo si Ate Shiela?" hindi ko pinansin si kuya.

"Ay. Ate Shiela sorry pala kanina. Akala ko kasi kung sinong babae yung kayakap ni kuya" pinisil ni ate yung pisngi ko. Ouch! Mashakeet ha.

"Hindi ka pa din talaga nagbabago Aim." hoy nagbago ako noh! Mas lalo akong dyumosa!

"Haha. Tara nga nga. Gusto ko ng makita ulit sila tito at tita"

Sumakay na kami sa kotse ni kuya. Kaming dalawa ni ate yung nasa likod si kuya naman sa harap, nagda-drive. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni Ate Shiela about sa kanya, yung mga nangyari sa kanya sa NY. At excited nadin ako makita yung pasalubong niya sakin. ^_^

"Talaga ba ate?! Waaahhhh!! Pakilala mo naman samin." grabe yung pagkagulat ko. Si ate kasi may pinakitang picture ng isang guy. Shett! Ampogi nun!!

"Ano ate? Boyfriend mo ba yan?"

"Hoy Aime magtigil ka." singit ni kuya. Epal siya. Kilala na kasi ako ni kuya eh, kapag may nakita akong gwapong lalaki ay pinupormahan ko agad. Pero syempre hanggang flirting lang ako noh. Hindi pa ako nagboboyfriend dahil pampalipas oras lang yung mga ganun.



Tama na muna yung word na flirt.

Love at First TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon