Chapter 7

52 3 0
                                    

Kaizer's Point of View

Shet lang! Shettt!!! Yun na ata ang pinaka-perfect kiss na naramdaman ko sa buong buhay ko. I mean, kinikiss naman ako nila mommy pero cheeks lang, at yung si Merryle? (yung ex ko) kinikiss ko naman siya dati pero hindi ganitong katulad ng nararamdaman ko. Pwera nlang sa nangyari sa amin ni Aime kagabi. Ang sarap sa feeling, parang lalong bumilis yung tibok ng puso ko nung hinalikan ko na siya, at yung paligid? Unti-unting bumabagal, at yung mga ulan, unti-unti ding humina.

Pang-ilan kaya ako na nakakiss sa lips niya? Sana ako ang first, o kung may nauna nanaman. Sana ako ang naging last kiss niya.

"Oy kuya! Tapos na ba pagda-daydream mo?" natauhan ako bigla ng marinig ko ang boses no Kurt (kapatid ko), pero syempre nagkunwari akong hindi ako nagda-daydream.

"Anong sabi mo?! Ako?! Nagda-daydream?! H-hindi ah! M-may in-iniisip l-lang ako." putek! Bakit ako nauutal?! Baka mahalata niya eh. Aish!

"Tss. Palusot pa eh" bulong niya sa sarili niya pero narinig ko yun.

"Good mprning mga babies!!" sigaw na bati samin ni mommy at niyakap kami tska hinalikan sa cheeks namin.


See? Sabi ko naman kasi sa inyo kanina, sa cheeks labg namin nakiss si mommy.


"My, nasan si daddy?" masigla kong tanong kay mommy. Aba! Good mood ako ngayon eh bakit ba? Pero kung itatanong niyo sakin kung bakit ako good mood? Simple lang, dahil siguro yun sa hindi ko makalimutang pangyayari kagabi.

"Nauna na siyang pumunta sa kompanya anak. Pero parang may nalansin ako sayo, mukang good mood ka yata ngayon ha?" sa tono ng pananalita ni mommy, halatang gusto niya akong asarin.

"Nako mommy. Baka nakapamingwit nanaman yan si kuya ng panibago niyang babae kaya siya ganyan" pang-aasar ni Kurt.

"Hoy Kurt, tumahimik ka nga. Mommy hindi totoo yung sinasabi niyan ni Kurt" sabi ko kay mommy.

"Totoo naman eh" bulong niya ulit sa sarili niya. Bakit ganon? Bumubulong siya lagi ko nalang naririnig. Bulong pa ba yon? O sa dyang matalas lang talaga pandinig ko? Pshh.

"Is that true anak? Nako nagiging playboy ka nanaman." tanong naman sakin ni mommy. Pinagtutulungan ba nila akong dalawa ni Kurt?!

Nilunok ko muna yung kinakain ko bago ako sumagot.

"My, alam ko naman pong ang tingin niyo sa akin ay isang playboy or casanova, pero syempre kahit ganun ako isa lang ang babaeng pipiliin ko" at si Aime Marie Saffuente ang babaeng 'NAPILI KO NA'.

Tama yung pagkakabasa niyo dun sa sinabi ko. Kilala na ako nila mommy and daddy pati ni Kurt bilang isang playboy slash casanova. Simula kasi nung naging 14 y/o ako, napapadalas na ang pagpupunta punta ko noon sa bar kasama si Kenjin (hindi pa nagiging kami noon ni Merryle), at kay Kenjin din ako natuto kung paano maging isang playboy. Gwapo din naman kasi si Kenjin kaya siya lapitin ng mga babae, pero kung ikukumpara niyo ako sa kanya. Hindi naman sa pagmamayabang pero, ako ang mas gwapo sa aming dalawa at ako din ang mas habulin ng mga babae kesa sa kanya.

***at school

Pagkadating ko sa school, pumunta muna ako parking lot para iparada yung kotse ni Aime sa sarili niyang paradahan. Ngayon ko lang nalaman, sila pala may-ari ng school na'to kaya kilalang kilala siya dito.

Pagkapark na pagkapark ko, bumaba agad ako. Nagulat ajo kasi nasa tapat lang ng kotse ni Aime ang kotse ko. Paano naayos yan?

"Give me back my car keys" napatingin ako dun sa nagsalita. Paksh*t! Literal akong napanganga. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. T*ng*na! Ang sexy niya at ang ganda niya talaga. Ang kinis pa ng balat niya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon