Sabi ni Miss Maria may bago daw kaming makakaklase pero hindi naman pinakilala samin. Bukas nalang daw.
Dumiretso na agad ako sa Math subject ko kahit gusto kong mag-ditch ng class.
Wala pa si Sir Pons, yung teacher namin. In-open ko nalang muna yung account ko. Walanjo! Kakabukas ko palang nito kagabi ah. Grabe! 56 friend request, 12 messages, and 84 notifications, ang natanggap ko ngayon. Iba talaga ang kamandag ng ganda ko.
Tutal wala pa naman si Sir, nag-take muna ako ng isang selfie. Fierce yung ginawa ko ng maiba naman. Trip ko lang para naman may maipost ngayong umaga.
"Morning selfie here in school 🍃"
Then post.
Saktong pagkapost ko dumating na si Sir Pons. Mamaya ko nalang ulit titignan yung account ko.
Nagdiscuss lang naman si Sir ng kung ano ano, pero nakinig parin naman ako kahit bored na bored na talaga ako sa subject na 'to. Bigla naman sinabi ni Sir na magkakaroon kami ng grouping para sa activity for tomorrow, dapat kasi ngayon yung activity pero kinulang na daw sa time namin. Bale, hahatiin kami by 15 groups. Sa tig-iisang group ny 3 members.
Binanggit na lahat ng magkakagroup maliban sakin at kay Drake. Oo, kaklase ko ulit dito si Drake pero nasa unahan siya nasa likod naman ako. Dalawa nalang kaming hindi nababangit pero, kulang kami ng isa!!!
"Sir, paano yun dalawa nalang kami ni Aime ang hindi natatawag. Kulang kami ng isa" buti nalang at napansin ni Drake na kami nalang ang hindi natatawag at kulang kami ng isa.
"Don't worry Mr. Drake. Nabalitaan niyo nanaman siguro na magkakaroon ng transfer dito. So, Mr. Drake and Miss Aime yung magiging tranferee ang isa niyo pang makakagroup." paliwanag ni Sir.
Sana naman masipag yung kagroup namin na transferee para okey lang kahit hindi ako umattend.
*ringgg ringg*
Lunch..
Lunch..
Lunch..
Lunch na pero parang nawawalan ako ng gana para kumain at pumunta ng canteen. Parang gusto ko din na magditch nalang muna ng class sa mga next subject ko.
Para hindi ako mabored, pupunta nalang muna ako sa garden.
Bago ako pumunta sa garden, dumaan muna ako saglit sa canteen para bumili ng sandwich at soda. Pagkatapos ko bumili, dumiretso agad akong garden.
Pagkadating ko sa garden, umupo ako dun sa mahabang bench sa ilalim nung puno. Kinuha ko agad yung iPad ko para icheck yung account ko. Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong soda sa sobrang gulat ng makita ko yung picture ko na kakapost ko lang kanina.
2 hours ago lang nung pinost ko 'to pero 498 na agad yung likes and 251 yung comments.
Hindi nadin naman ako sobrang nagulat kasi nasanay akong ganito lagi kadami yung mga likers ko. Siguro dahil kilala nadin nila ako. Sikat kasi ako dahil isa akong model. Hindi lang basta model, kundi 'dyosang model'.
Habang binabasa ko yung mga comments, naalala ko yung IG ko. Ilan na kaya mga followers ko? Last check ko kasi last month ay 12.7K yung followers ko.
Dali dali kong tinignan yung IG ko. Nadagdagan parin naman yun kahit papano. 43.8K na yung mga followers ko ngayon.
Nang medyo nabored na ako kaka-iPad ko, nagdecide na ako na umuwi nalang. Kahit naman kasi hindi ako magpaalam sa mga teachers ay papayag sila dahil kilala na nila ako. Ako ang anak ng may-ari ng school na'to.
BINABASA MO ANG
Love at First Trouble
Teen FictionPaki-read po thanks!! About po ito sa isang amazona girl at isang casanova boy.