Sion's POV
Kagigising ko lang at nakita ko si Jamaica na kagagaling sa labas.
"May ulam doon sa mesa," wika niya.
Pumasok ako sa kusina.
"Ba't di mo man lang babantayan si Shaina."
"She's not a kindergarten anymore," umupo siya sa sofa at ako naman pumunta sa kusina.
"She's still six years old."
"May lalabhan ako."
"Ewan ko sayo."
Binuksan ko yung nakataob na pinggan sa isang mangkok.
Adobo ang ulam,kumuha ako ng pinggan doon sa lalagyan atsaka kutsara't tinidor. Kumuha ako ng kanin at nilagay ko sa pinggan at kinuha ko iyong nakamangkok na adobo. Pumunta ako sa sala kung asa'n siya.
Nilapag ko sa lamesa na nasa harapan namin ang mga pagkain ko.
"Sasama ka ba sa akin sa kasal?" tanong ko bago sumubo.
"Hindi na, alam mo naman na hindi nila ako gusto lalo pa't hindi ka nila kaklase nung forth year, sabit lang ako."
Linunok ko muna ang pagkain bago sumagot.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan."
"Alam mo kung bakit ka inimbitahan doon."
"Ja----"
"I'm not coming."
Umalis siya sa pagkakaupo at tumuloy sa likod para maglaba ata. Napabuntong hininga na lang ako.
Inibus ko ang pagkain ko at naligo.
*****
Nasa pinto na ako ng office namin nang marinig ko na pinag-uusapan ako ng mga ka work ko.
"Girl, mag-ayos na tayo kasi anumang oras darating na si Eng. Devera, wika ni Ella. Apat kami sa isang office, dalawang babae at dalawang lalaki.
"Maganda na ba ako Ella," sabi naman ni Carol.
"Oo naman."
"Sana naman mapansin niya na ako girl."
"Sana girl kasi halos limang taon na tayo magkakatrabaho and take note may kalive-in siya."
Wala pa si Mario kaya ganyan kung pag-usapan ako ng mga iyan. May karapatan naman talaga silang lumandi kasi dalaga sila. Tss
"Sion!" lumingon ako at si Mario lang pala.
"Shh" saway ko sa pagsigaw niya.
"Bakit?" tanong niya nung nasa likod ko na siya.
Tinuro ko iyong pintuan.
Lumapit na rin siya sa pintuan at nakinig.
"Siya kasi si Mr. Right nasa kanya na ang lahat," wika ni Carol.
"Oo nga."
Gawa sa kahoy ang pintuan kaya hindi kami kita.
Binalik ko na kasi ang dating Sion Matthew Jovellano Devera , si Mr. Perfect. Mr. Right sa mga babae noong first year high school.
Binuksan ko iyong pintuan.
"Eng. Devera nandiyan ka na pala," bati sa akin ni Carol.
"Hello Eng. Garlitos at Eng. Devera," bati naman ni Ella.
Naupo na ako sa cubicle ko at humarap sa monitor.
"Hello girls," bati ni Mario sa kanila.
Anlandi rin nito.
BINABASA MO ANG
Mr.Right's Story
Teen FictionIncidents you want to forget but it keeps on occuring at the back of your mind. That's what I'm suffering. They say," Past is past and never to discuss." But past is connected to present. You can't get away from it. And I need to go back where all s...