Chapter 15

11 3 1
                                    

Sion's POV

"Sa kwarto." tipid niyang sagot.

The heck.

Nagsitawa silang nakarinig. Gusto kong tumawa rin pero pinipigilan ko.

"Argee naman eh." napahiyang saad ni Aiza.

"What? I just answered your question." inosenteng turan niya.

"What I mean, saan kayo nanggaling ni Analyn."

"Oo nga naman hija, inabot pa siya ng isang linggo kung asan ka man hinanap."

Kung cold siya kanina biglang lumambot yung expression ng mukha niya.

"Sa Seoul po." malumanay niyang sagot.

"Di ba yung sole, eh yung white sa sapatos?" sabat ni Mario.

Nabatukan tuloy siya ni Nelva na nasa tabi niya.

Owah??!!

Nagsitawanan na naman sila.

Si Argee, naging cold ulit yung aura niya.

"Ano naman trabaho mo dun?" mataray na tanong ni Maricel.

"Artist."

Did she just lie??

Sakura's POV

"Pintor? Pumunta-punta ka run tapos pintor lang trabaho mo? Iniwan mo ang pagiging guro mo para dun?" saad ni Jerimae.

Gusto nitong mapahiya?

"It's my own life. So better mind your own bussiness." sagot ko sa kanya.

"Oo nga naman pusa." sagot ng katabi ko.

You-know-who.

Ai Harry Potter ang peg.

"Aba. Angas mo na ah." wika ng negrang mukha raw pusa.

"Matagal na akong maangas. Sadyang di lang ako lumalaban sa mga katulad mong may paltat na pag-iisip noon."

"Wow---"

"Mga hija. Tama na yan."

"Tapos na akong kumain." wika ko. Buti nga at naubos na talaga. Baka naibuhos ko sa negrang iyon.

Agad-agad akong nagtungo sa taas.

" @ 7:30 a.m. dapat nakabihis ka na." sigaw ni Analyn.

Nelva's POV

Jerimae talaga.

"Akala mo talaga kung sino siya. Pintor lang naman." bwisit na saad ni Jerimae.

"Sinabi mo pa bhe." sang-ayon ni Maricel.

"Guys, di niyo alam na malaki ang bayad sa mga pintor kung maganda ang mga obra nila." wika ko.

"Ang tanong, maganda nga ba ang obra niya." saad ni Mario.

Nakakainis ito! Naiilang kaya akong na katabi siya. Mahal ko pa kasi siya. Can't move on dre. Nagi-guilty tuloy ako sa fiancé ko.

Isantabi ko muna nga yan. Nakikita kong nagpapanting ang tenga ni Sion. Nakikita ko iyon dahil maputi si Sion. Mahal niya talaga si Argee.

"Respeto naman." saad ni Sion bago umalis.

Nasa kaliwa ko si Analyn at nasa kanan ko si Mario.

"Ana, kanina ka pang walang imik."

"Kinakabahan ako. Aish. Hoy, Shano ang hina mo naman."

Nanggaling sa isang kwarto si Sion kung saan nandoon yung mga damit ng mga magiging abay.

Mr.Right's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon