CHAPTER 12

122 1 2
                                    

(FLASHBACK CONTINUATION)

MAXENE’s POV

9 MOTHNS PASSED

Yep! 9 months na, simula ng araw na sinabi ni Vincent na liligawan nya ako, he’s been the best suitor ever! he has been the perfect gentleman, patient, caring, sweet and loving, kung nagtatanong kayo kung sinagot ko na sya? diba sinabi ko na pahihirapan ko muna sya? kaya syempre hindi pa! hahaha… pero mamaya, may date kami eh, birthday nya kasi ngayon, yung matamis na OO ko nalang ang ibibigay kong regalo! hahaha…so anong nangyari sa nakalipas na 9 months?

well…wala namang masyado…maliban sa araw-araw ay napapakilig at napapasaya ako ni Vincent! sobrang happy ko at dumating siya sa buhay ko...sila Erica at ang family nya? ayun… hindi pa sila umuuwi, nag extend kasi sila sa Canada, dahil marami pa silang inaasikaso dun… pero lagi naman silang tumatawag, minsan nag s-skype sila.. lagi naman akong kinukumusta, hindi ko pa napapakilala ng mabuti si Vincent sa kanila…

Syempre gusto ko personal at pormal ko siyang mapakilala sa mga ito, pero na kwento ko naman na kay Erica ang about kay Vincent…katakot takot na mga salita ang mga binitawan nun sakin ng kinwento ko ito sa kanya, alam naman nya ang buong pangalan ni Vincent eh, pero hindi ang mukha nito, sabi ko kasi kay Erica sa pag-uwi na nya…para surprise! hahahah,

Sa mga nakalipas na buwan, mas naging malalim ang pagsasamahan namin ni Vincent, mas nakilala naming ang isa’t- isa, pero hindi ko gaanong alam ang about sa pamilya ni Vincent, basta ang alam ko lang wala na ang Mama nya at ang Ama daw nito ay pumunta sa ibang bansa, ni hindi ko nga alam kung may kapatid ito eh, tuwi kasing tinatanong ko sya about sa Pamilya nito ay parang nagiging mailap ito, eh ayaw ko naman syang pilitin kung ayaw nya pa magkwento, pero nangako naman sya.. Papakilala daw nya ako sa pamilya nya as soon bumalik ang Ama nya dito sa bansa.

Hayyyyy….ang tagal naman ni Vincent sa over time…hinihintay ko kasi sya galing sa work, nag half day lang ako today.. plano ko kasing sorpresahin si Vincent, pinagluto ko sya ng ma paborito nyang pagkain at bumili ng cake para dito, bumili din ako ng wine, para celebration talaga diba? inayos ko lahat ng dapat ayusin, gusto ko kasi espesyal lahat, birthday ni Vincent eh! sa likod ng bahay ko inayos lahat, meron rin kasing maliit na garden ako doon… naglagay ako ng carpet, throw pillows sa gitna ng carpet ay isang mababang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkaing niluto ko..nasa may ice box naman malapit sa may carpet ang wine, naglagay din ako ng mga kandila sa mga maliliit na baso na nakapaligid sa carpet, at syempre pa, isang cd player na puro love songs ang pinapapatugtog…

sweet ba ang set up? syempre! birthday ng mahal ko eh! hahah! ayyy nasabi ko bang mahal? oo! mahal ko na sya! mahal na mahal nga actually! ayiiiih! pati ako kinikilig! haha.. ng makita kong okay na ang lahat ay pumasok muna ako ng bahay, at tumuloy sa kwarto, mag re-retouch muna ako! dapat maganda ako sa araw na ito! sinuklay ko ang hangang bewang kong buhok, nilagyan ng konting blush on ang pisngi, konting dampi ng lipstick, konting lagay ng mascara..

ano ang suot ko? isang bestida na kulay red, wala itong manggas, medyo maikli rin ng konti ng isang dakal bago sa tuhod, medyo seductive, pero ok lang, para mag mukha naman akong sexy kay Vincent! di naman siguro magagalit yun kasi sya lang naman makakakita eh, ayaw na ayaw kasi nito na nagsusuot ako ng maiikli at maglagay ng make up, lalo na pag lumalabas kami para mag date, takaw tingin daw kasi ako, one time nga muntikan ng mapa away si Vincent eh, kasi daw tingin ng tingin ung isang lalaki sa suot ko, kaya ayung sinugod ang lalaki, buti nalang at napigilan ko at ng mga tao sa paligid naming non, may pagka seloso kasi sya, pero ok lang naman, kanya naman ako eh! haha..

Narininig kong may tumigil na sasakyan sa harapan, im sure si Vincent na iyon! kaya dali dali akong lumabas, ng makarating ako sa gate ay binuksan ko ito, saktong lumabas naman sa sasakyan si Vincent….

“Vincent!” masiglang sabi ko dito

“hi my princess!” nakangiting sabi nya

“ba’t ang tagal mo? kanina pa kita hinihintay ah! 8 pm na! grabe naman ung o.t. nyo!” naka pout kon sabi dito

“sorry my princess, madami lang pinagawa ung boss ko” paumanhin nito..

“hmmmp! pasalamat ka may surprise ako! halika na sa loob dali!!!!” napapangiti ko ulit sabi dito

“whow! Seems you’re really excited huh? and what are you wearing? why do you even have make up on your face? paano kung may maka kita nyan? gusto mo ba akong mapa away my princess?” nakasimangot na tanong nito

“ahhh, ehhh kasi syempre espesyal tong araw na to eh! tsaka ikaw lang naman makakakita eh! kaya wag kanang sumimangot mamang pogi! sayo ko lang naman gustong magpaganda eh!” sabi ko

“kahit simple ka lang, you are the most beautiful lady in my life, never would that change, ok? I love you my princess” sabi nito at hinawak at kamay ko..

“sus! bolero ka talaga! tara na sa loob Vincent!” at iginaya ko na ito sa loob ng bahay..

Ng nasa may likod na pinto kami ay tinakpan ko ang mga mata nito..at inalalayan ko syang makalabas sa likod bahay..kung saan ko ipapakita an surprise ko.. nang nasa may tapat na kami ng carpet ay inalis ko na ang mga  kamay ko..at…..

“surprise!!!!!!!” masiglang sigaw ko dito

“whhhhhhoooow! what is this for?” nakangiting sabi nya

“hello!? birthday mo kaya! HAPPY 23RD BIRTHDAY VINCE!”  sabi ko at niyakap ko sya

“Im speechless….thank you so much my princess, I totally forgot its my birthday today..you really surprised me..” sabi nito habang nakayakap padin sa akin,

“sus! paano lagi kang busy sa work, hinay hinay ka lang ok? baka kasi magka sakit kana ng tuluyan! nakuuu! pag nangyari yun magagalit ako!” naka pout kong sabi

“hahahaha! you really are cute when you pout my princess! I promise I will slow down na from work, sabi mo eh! ikaw pa! ehh ikaw ang boss ko!” sabi nito sabay wink sa akin, para naman akong nahihipnotismo sa kagwapuhan nito..hayyyy

“ayyy nako! naku kumain na nga tayo! niluto ko lahat ng paborito mo Vince! im sure magugustuhan mo to lahat! upo na tayo!” sabi ko at inalalayan naman ako nitong umupo sa carpet

Nilagyan ko ng pagkain ang plato nito, todo serve ako sa prinsipe ko… syempre birthday nito eh! tsaka syempre mahal ko eh! ayyyiiiihhhh….

Masaya kamingkumakain, pero kinakabahan ako..paano ko ba sasabihin na sinasagot ko na sya eh hindi pa nya ako ulit tinatanong eh! napapa inom din tuloy ako ng wine..para pampalakas ng loob narin…

“hey my princess, dahan dahan lang sa pag inom ng wine, baka mahilo ka ok?” sabi nito

“ahh ehh ok” nauutal kong sabi

“are you ok? you seem tensed” sabi nito

“ahhhh ehhh syempre naman, kain ka lang ng kain Vince” nakangiting sabi ko

“ok my princess” sabi nito

nang tapos na kaming kumain ay nag sinindihan ko ang kandila ng cake, pinagkanta ko ito ng happy birthday song, with matching clap! medyo nawala narin kasi ang kaba ko sa ininum kong wine..

“happy birthday Vincent! mag wish ka muna! bago mo I blow ang candle!” sabi ko

“ok my princess,” nakangiting sabi nito sakin at sabay hinipan ang mga kandila

after ng ginawa nyang iyon ay gagawin ko na ang plano ko….

“ahhhhhmmmm Vince… let’s dance”

sabi ko dito, habang nakatitig ako sa mga mata nito…ngayon gabi, magiging saksi ang liwanang ng buwan, ang malamig na ihip ng hangin at mga bituing kumikislap..Ngayong gabi, ngayong kaarawan nito ay magtatapat na ako ng pag-ibig dito..oo, sasabihin ko na ng opisyal na ang matagal ko nang nararamdaman dito, na sya ang lalaking pinakamamahal ko.. Si Vincent David..ngayong gabi ay sasagutin ko na ito…this guy that I LOVE SO MUCH… will be officially my boyfriend..MY PRINCE.

LOVE WILL LEAD US BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon