CHAPTER 1

266 3 3
                                    

"Maxine! stop it! stop crying for pete's sake! move on!" pasinghal na sabi ng kaibigang nyang si Erica.

"Eh hindi nga mapigilan tumulo ng mga luha ko eh, ang sakit! ang sakit sakit! bakit ganon? bakit nya ako iniwan?" basag na boses kong sabi sa kanya.

"Eh hindi ba una palang, pina alalahanan na kita na iba yang gagung Vincent na yan! na masasaktan ka lang sa kanya!" galit na na tono ni Erica.

"Hindi, mahal nya ko, alam kong may malalim lang syang rason kung bakit hiniwalayan nya ako, pupuntahan ko sya, magmama kaawa ako na balikan nya, na ayusin namin to" sabi ko habang pinapahid ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko.

"My gosh! Are you hearing yourself?! How can you be that pathetic! Ganyan naba talaga kababa ang tingin mo sa sarili mo?! Wala ka na bang pride?!" sabi ni Erica habang patuloy parin nya itong inaalo upang tumigil sa pag-iyak.

"I'm sorry bestfriend, it's just that, I dont wanna lose him that I cant even come up with sensibility, mahal ko lang talaga sya, please try to understand, help me please!...." habang niyakap nya ito at tuluyan ng umiyak ng matindi.
Isang malalim na hininga na lamang ang naisintinig ni erica at sabing "ok pero last na to..."

MAXINE's POV.

After kong umiyak at sinabi ang nararamdaman ko ay pinauwi ko na si Erica, nung una ay nagdadalawang isip pa sya, dahil nag aalala sya dahil sakin, pero sa huli ay napilit ko rin sya at sinabing ok na ako.

Ako si Maxine Ng, 21 years old, tapos ng kursong Accountacy, mag isang nakatira sa isang simpleng bahay na naiwan ng aking mga yumaong magulang, oo isa akong ulila, my parents died when i was only 16,sa isang vehicular accident, since then i had live with my own, well not really because i still have my bestfriend Erica and her family, tinulungan nila ako para makapagtapos sa pag aaral, they love me as their own na din,

Wala naman kasi akong malapit na kamag-anak eh, At hindi rin naman kami taga Pampanga talaga, pero dito na tumira ang mga magulang ko simula nung magtanan sila, ang sabi kasi ni Papa, tutol daw ang mga magulang nyang pakasalan ni Papa si Mama, mayaman kasi si Papa, bukod doon ay may lahing chinese ang mga ito, kaya naman uso sa kanila ang arranged marriage, may nakatakdang pakasalan si papa nuon ngunit hindi ito natuloy dahil nagtanan sila, si Mama naman ay nagtatrabaho bilang isang accountant sa kumpanya na pagmamay ari nila Papa.Wala rin kamag anak si Mama dahil lumaki daw ito sa bahay ampunan.

Ang sabi sakin ni papa ay sobrang galit ng lolo ko, kaya tinakwil sy nito bilang anak, kahit na mag iisang anak lamang ito ay nagmatigas si lolo at himdi prin tinanggap amg pagmamahalan nila ni mama, nagbunga ang pagmamahalan nila, iyon ay si kuya Maxwell, panganay kong kapatid, mas matanda ito ng limang taon sakin, ngunit hindi namin sya nakasama dahil napilitan siyang ibigay ni papa at mama kay lolo noon pansamantala dahil may malubhang sakit nuon si kuya at himdi kaya nina papa ang pagpapa gamot dito, bigla naman umalis si lolo kasama si kuya at tuluyan na silang nanirahan sa China....

Hay.. mas lalo tuloy ata akong malungkot sa naisip ko, kung andito lang sana sila, sana, mas gagaan ang pakiramdam ko, naalala ko na naman si Vincent., hangga ngayon hindi ko parin maintindihan, kung bakit nakipag break break sya sa akin, we were so happy and in love, then suddenly he broke up with me,

Bakit kaya? bakit kaya? saan ako nagkulang? may nagawa ba akong hindi nya nagustuhan? may nangyari ba? nakakita naba sya ng bago? dahil ba mahirap ako at mayaman ang pamilya nya? ilan lang yan sa mga tanong ko..

pero kahit ganon, hindi ko parin lubusang magalit kay Vincent eh, mahal ko parin sya, at dahil siguro takot akong iniiwan ng mga taong mahal ko....

kaya nagpasya akong makikipag ayos sa kanya..magsusumamo na ayusin ang lahat..na magla ayos kami, na ipaglaban namin kung ano ang meron kami..mahal ko siya kaya hangat kaya ko.. ipaglalaban ko sya....

LOVE WILL LEAD US BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon