Unang Kabanata

20 0 0
                                    

                                                                            UNANG KABANATA

"Magandang umaga sa inyong lahat, aking mga mahal na estudyante. Panibagong taon na naman ang ating pagsasamahan dito sa mahal kong paaralan. Lubos ko pa ring ikinagagalak na may tiwala pa rin kayo sa akin at sa aking paaralan. Ang parati at tanging maipapayo ko lamang sa inyong lahat ay maging matalino kayo sa lahat ng bagay. Binigyan tayo ng utak upang pairalin at hindi balewalain. Magandang umaga muli at sana magkita kita pa tayo sa mga susunod pang mga taon na darating. Maaari na kayong pumunta sa inyong mga klase" Matapos magsalita ni president Hiro ay nagsialisan na ang lahat maliban sa amin, maliban sa aming klase.

Bakit kami makikisabay sa pag alis nilang mga ordinaryong estudyante kung kami mismo ang nag aasikaso nitong programang ito. Mga ordinaryong estudyante lang naman silang pumapasok araw araw na walang pakialam sa mga kung anong mangyayari sa paaralan. Hindi tulad namin na halos lahat dito sa paaralan ay kami ang nagpapairal. Lahat ng mga pagbabago, pangyayari at mangyayari dito sa paaralan, kami ang nasa likuran.

"Iya, pwede bang ikaw na bahala rito. May ipinapagawa lang si president" Unang araw pa lang ng klase ngunit abala na kaming lahat. Unang araw ngunit para sa amin, isa lamang itong araw na gaya ng mga araw noong mga nakaraan.

"Sige, walang problema" Agad kong kinuha ang mga kable ng mga mikropono, speaker at iba pa upang dalhin na sa bodega sa auditoruim. Kung saan ay walang katao tao at di ganoon kaliwanag ang paligid. Hindi ako takot syempre. Dahil wala naman akong kinatatakutan maliban sa isang bagay. Isang bagay na hindi mo aakalaing kinatatakutan ko ng sobra.

Walang bahid ni katiting na takot akong nakarating dito sa bodega. Kabisadong kabisado ko marahil lahat ng pasikot sikot dito sa paaralan namin na hindi lamang basta ang lawak. Kabisado at alam na alam ko ang bawat lugar at ang mga nasa likod ng bawat pintuan dito dahil kailangan, dahil nararapat.

Mabilis akong napalingon sa nakasaradong pinto nitong bodega nang makarinig ako ng tunog na tila may paparating. Saktong pagbukas ko ng pinto ang pagdaan ng isang lalaki.

"Anong ginagawa mo rito?" Turan ko gamit ang tonong dapat na ipinaparinig ko sa mga taong tulad nila.

"Hindi ka dapat nandito" Muli kong saad sa lalaki na mukhang Freshman pa lang. Halata naman kasi sa pares ng kanyang mga mata ang ka-inosente-han.

"P-pasensya na po" Ang mga taong gaya nila, sa tingin nila sapat na ang paghingi ng tawad upang maaayos ang mga nasira nang bagay.

"Freshman?" Hindi ko pa rin binubura ang ekspresyong dapat kong ipinapakita.

"O-opo" Nauutal niyang sagot sa akin. Tila takot na takot siya sa akin dahil pa-atras siya ng pa-atras habang ako naman ay lumalapit sa kanya.

"Naligaw ka ba? Ano bang klase mo ngayon? Gusto mong ihatid kita sa room mo?" Nagmamagandang loob kong tanong sa kanya.Itoyung pagkatao kong binuo lamang ng aking sarili. Kalmado ngunit walang damdamin.

"Nakakatakot ba ko?" Tanong ko dahil di siya makasagot-sagot sa tanong ko. Ganoon na ba ako katakot takot para manginig pa ang isang bata. Hindi ko itatanggi, maganda naman ako. Kaya walang dahilan para matakot siya sa akin. Isa pa, hindi niya naman ako kilala.

"Ano ka ba, wag kang matakot. Hindi naman ako nangangain ng tao" Natatawang saad ko sa kanya para naman maalis na yung takot niya sa'kin. Aaminin ko, ayaw ko ng kinatatakutan ako ngunit ayaw ko rin namang minamahal ako ng mga tao.

"Hindi ako nangangain, pumapatay lang" Mahinang bulong ko pero agad ko rin itong binawi.

"Hindi ka naman mabiro. Tara sasamahan na kita sa klase mo" Biro ko sa kanya, naramdaman ko kasing lumayo siya ng bahagya sa'kin.

FreyaWhere stories live. Discover now