IKALIMANG KABANATA

3 0 0
                                    


                                                                   IKALIMANG KABANATA

"Class dismissed" Kanya kanya na kaming lumabas sa silid. Puro tawanan ang namamayani habang naglalakad kami sa korido ng paaralan. Kung inyo kaming titignan ay mawawari mong isa lamang kamin masasayang inosenteng mag-aaral. Ngunit sa likod ng aming mga tawanan at mga ngiti ay nagkukubli ang masasamang intensiyon kung tawagin ng mga pangkaraniwang tao subalit para sa amin ay para lamang sa ikabubuti ng paaralan.

"Hi Ully" Napalingon kami sa mga kababaihang tumawag kay Ully. Patago nalang kaming napangisi dahil hindi na namin sila kailangan pang puntahan, sila na mismo ang lumalapit sa amin.

"Hello Jessa, Moira, Tania at Pia, tama?"

"Kilala mo na kami agad?" Kilig na kilig naman ang tatlong mga babaeng kaibigan ni Pia kay Ully. Si Ully naman, tuwang tuwa rin silang paglaruan. Kinindatan pa sila ni Ully bago magsalita. "Syempre, palalagpasin ko ba ang magagandang binibining tulad niyo?" Nagsigawan naman ang tatlong babae. Iba ka talaga Ully.

"May gagawin ba kayo binibini? Maari ba tayong lumabas?" Nagtulakan naman ang mga kaibigan ni Pia kung sino ang sasama kay Ully. Nag-aaway na sila ngayon, gusto namin ito.

"Ako ang unang binaggit na pangalan ni Ully, kaya ako ang isasama niya!" Sigaw ng babaeng may kulay lupa ang buhok na hanggang balikat ang haba, sa palagay ko siya si Jessa.

"Mas bagay kami ni Ully, pwede ba! Wag na kayong umasa" Turan naman ng babaeng kulot ang buhok saka umirap sa mga kasama niya. Ang alam ko, siya si Tania.

"Halata namang mas maganda at mayaman ako sa inyong dalawa, kaya mas nababagay ako kay Ully" Saad ng babaeng itim ang buhok na katamtaman ang haba. Kung di ako nagkakamali, siya si Moira.

"Ano ba!-"

"Kalma lang mga binibini" Gumitna si Sebastian sa malapit ng magsabong na mga babae. Mabibilang mo lamang kaming Pluto na nandirito dahil ang iba ay naghahanda na.

"Isasama kayong lahat ni Ully" Saad ni Sebastian sa mga kababaihan. Ngunit sa tingin ko, hindi na si Ully ang gusto nila base sa tingin nila kay Sebastian ngayon. Ang mga tingin nila, nakakatunaw. Alam kong, nararamdaman iyon ni Sebastian ngunit isinasawalang bahala niya lamang.

"Oo naman Sebastian" Turan ni Ully saka umakbay kila Moira at Jessa.

"Sige, kayo nalang sumama kay Ully. Nandito naman si Sebastian" Yumakap siya kay Sebastian na hindi naman ikinagulat ni Sebastian. Walang ekspsresyon ang kanyang mga mata. Napakahirap basahin ng nilalaman ng kanyang isip. Ganito kaming Pluto, hinding hindi mo makikita sa aming mga mata ang aming tunay na nararamdaman. Baka nakalimutan niyo na may apat kaming magkakaibang katauhan. Minsan, bigla bigla lamang nagiiba ang aming katauhan. Minsan, nasa aming sarili kami. Minsan, yung pagkataong binuo namin sa aming mga sarili. Minsan, kami yung taong kumikilos kung anong dapat na ipinapakita namin sa isa't isa. Madalas, kami ang taong umaakto para sa paningin ng mga tao.

Humarap sa akin si Sebastian kaya nagtagpo ang aming mga paningin. Nagtitimbangan kami ng tingin kahit na alam naman naming kahit ilang taon kaming ganito ay wala kaming makikita ni isang katotohanan. Tumingin din sa akin ang babaeng nakayakap ngayon kay Sebastian, nginitian ko lamang siya ngunit irap ang iginanti niya sa akin. Mas lalo naman akong napangisi sa ikinilos niya.

"Sandali, iiwan lang ba natin ang magandang binibini na ito? Pia?" Linapitan siya ni Ully saka hinawak hawakan ang kanyang itim na itim na buhok.

"Mauna na ako Jessa, Moira, Tania" Hinigpitan niya ang pagyakap sa kanyang mga libro bago niya ibaling ang tingin kay Ully.

FreyaWhere stories live. Discover now