IKA-ANIM NA KABANATA

5 1 0
                                    


                                                                     IKA-ANIM NA KABANATA

"Magandang umaga po Gng. Pinlac" Magalang naming bati sa aming gurong kapapasok lamang dito sa silid.

"Magandang umaga rin Pluto" Bagong guro na naman ang aming makakasama sa buong taon. Mukha namang magiging maayos ang relasyon namin sa kanya. Batay sa nakikita naming kilos at pananalita niya ay sa palagay namin siya yung tipo ng tao na hindi nanghihimasok sa mga ginagawa ng mga tao.

"Pansamantala, ako muna ang magiging guro ninyo para sa asignaturang ito hanggat hindi pa handa si Mrs. Sanchez na magturo. Nawawala kasi ang kanyang anak na si Pia kagabi pa. Hindi nila alam kung bakit o kung paanong biglang nawala ang bata. Kawawang Mrs. Sanchez" Mukhang hindi nalang pang pansamantala ang pagtuturo mo sa amin ginang dahil sa palagay ko ay hindi na babalik si Mrs. Sanchez.

"Pia Sanchez po, yung Aquaruis?" Tanong ni Lionne kay Gng. Pinlac. Napakagaling niya talagang umarte.

"Oo, napakasipag at matalinong bata" Matalino nga siya ngunit hindi pa rin sapat ang kanyang katalinuhan upang kami'y lagpasan. Ang katalinuhan, ginagamit ng pinag-iisipan, hindi lamang hinahayaan at pinababayaan. Ang katalinuhan, hindi lamang hinahasa kundi ginagamit ng may diskarte't tapang.

"Ang balita ko pa, hahabol siyang presidente ng isang club dito sa paaralan-" Natigil sa pagsasalita si Gng. Pinlac ng magtaas ng kamay si Patrick. "Gng. Pinlac, tungkol ho ba sa kanya ang ating leksyon sa asignaturang ito? Wala na bang ibang mas makakukuha ng aming interest?" Natahimik si Gng. Pinlac sa sinabi ni Patrick.

"Ginang, hindi naman po sa hindi kami interesado sa walang katuturang bagay na iyan. Kami'y handa na pong matuto ng mga makatuturang bagay na makatutulong sa aming pagpapaunlad ng katalinuhan" Napangiti na lamang si Gng. Pinlac sa tinuran ni Keanna. Ngunit, makikita mo sa kanyang mga ngiti ang pagpipigil niya ng inis. Marahil, sa tingin niya ay siya ay napahiya dahil sa ginawa ng aking mga kaklase. Subalit, para sa amin, mas nakakahiya ang ginawang niyang pagtitsismis sa amin.

Natapos ang isang oras ng purong katahimikan lamang dahil wala namang itinuro ang guro. Ang kanyang dahilan ay hindi niya pa alam kung ano ang kanyang mga ituturo dahil hindi niya pa raw nakukuha ang libro ni Mrs. Sanchez. Kaya naman isang oras kaming walang ibang magawa kundi tumulala o magbasa lamang. Hindi naman kami maaaring mag-ingay dahil masisira ang pangalan ng aming seksyon. Masasayang ang lahat ng aming pinagpaguran kung masisira lang kaming Pluto sa isang simpleng kilos lamang. Ang mga tao, kahit na napakarami mo nang nagawang mabuti ay makagawa ka lamang ng kahit isang pagkakamali ay napakalaking bagay na sa kanila. Maliit na pagkakamali mo lamang at lahat ng magaganda mong nagawa ay matatabunan ng isang tuldok lamang. Magtatapos lamang ang lahat sa isang tuldok.

Pagkalabas na pagkalabas ni Gng. Pinlac ay nagkagulo na kaming lahat. Nagki-kwentuhan sila tungkol sa ginawa na namang paglalaro ng Pluto kagabi. Hindi na ako pumunta sa lugar naming Pluto matapos kong makausap yung bata. Kaya naman hindi nila ako nakasama maglaro kagabi.

"Maganda sana siya kaso hindi niya ako madadala sa kagandahan niya" Turan ni Lionne. "Maganda siya, matalino, hindi niya lang alam gamitin pareho" Pagdagdag ni Lionne.

"Hindi niya tayo tularan, ginagamit ng maayos ang katalinuhan at kagandahang panlabas. Gaya ng ginawa ni Ully at Sebastian sa mga kaibigan niya. Ano nga palang nangyari ng isama niyo ang mga dilag Ully?"

"Nagpakasaya lang Lionne" Sagot ni Ully. Ngunit hindi man lang nagsasalita si Sebastian.

"Ikaw Sebastian? Kasama mo si Tania diba? Yung babaeng masyadong mataas ang tingin sa sarili" Naalala ko yung babaeng iyon na inirapan ako habang nakayap siya kay Sebastian. Ipinakikita niya ba sa akin na sa kanya si Sebastian? Sa tingin niya ba mapapasakanya si Sebastian kung si Sebastian mismo ay minsan lamang maging sa kanya ang kanyang sarili?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FreyaWhere stories live. Discover now