Ikatlong Kabanata

4 0 0
                                    

                                                                       IKATLONG KABANATA

"Ate, bawal daw po muna gamitin 'yang banyo. Lilinisin daw po kasi" Pinanlakihan ko ng mata yung Freshman kaya bahagya siyang lumayo sa akin. Pakialamero ka masyado inosenteng bata.

"Tama ka, may lilinisin nga ako dito" Makahulugang saad ko nang nakangisi sa Freshman.

"Ate naman, tara na po. Sasamahan nalang kita sa ibang banyo" Tinulak ko siya nang pilit niya akong hilahin palayo. Nakakairita talaga 'tong baguhan na batang 'to. Di ko mapigiling ipakita sa kanya ang marahas kong pagkatao.

"Bakit ka ba nandito huh? Pakialamerong bata" Ki-ni-kwelyuhan ko na siya pero hindi pa rin siya nagpapatinag. 

"Freya?" Napabitiw ako sa bata na mabilis pa sa kidlat ng makalabas na si Aria sa banyo.

"Sinasaktan mo ba yung bata?"

"Uh Ms. Ria, hindi po. Inaayos ko lang yung uniform niya, diba Denny?" Sabi ko kay Ms.Ria habang suot ang maskarang dapat na nakikita niya habang naka-akbay ako sa bata. Buti nalang at naalala ko yung pangalan niya. Nakita ko marahil kanina sa I.D. niya nang kwelyuhan ko siya.

"Opo a...teacher Ria, inaayos lang ni ate Freya yung uniform ko"

"Ganoon ba? Oh bumalik na kayo sa mga klase ninyo"

"Lalo ka na Denny"

Bago pa umalis si Aria ay inunahan ko na siya. Panira! Kung hindi lang pumasok sa eksena yung batang iyon, naliligo na sana ngayon sa sarili niyang dugo si Aria. Pero dahil sa kanya, nasira ang pagkakataon ko.

Tutal may isang oras pang bakante ang klase namin ay didiretso na muna ko sa Library. Kailangan ko ng katahimikan. Kailangan kong makapag-isip ng mga paraan para patayin si Aria sa ikalawang pagkakataon.

"Akala ko ba magba-banyo ka ate? Bakit dito ka sa library pumasok? May banyo na malapit dito, gusto mo tulungan kita ate?"

"Ano bang pakialam mo kung dito ako pupunta? Pakialamero. Sinusundan mo ba ko huh? " Bulong ko sa bata. Mahirap na baka marinig pa ng iba. Napupuno na talaga ko sa batang 'to. Sa tingin niya ba sa paglapit niya ng paglapit sa'kin ay may mapapala siya?

Di ko na siya pinansin hanggang sa makahanap ako ng magandang pwesto para makapag-isip.

"Alam kong nandiyan ka, bakit di ka pa dito umupo? Hindi mo pa sulitin ang pangingialam mo. Tutal ito na naman ang huli " Pagkasabi ko niyang mga katagang iyan, lumitaw nalang siya sa kung saan saka lumapit sa akin.

"Upo ka" Nag-aalinlangan man, ngunit wala siyang nagawa kundi umupo. Katahimikan. Nabalot kami ng ilang minutong katahimikan bago ako nagsimulang magsalita.

"Layuan mo ako, umiwas ka sa akin, sa amin, sa Pluto, simula ngayon" Seryosong turan ko sa bata.

"B-bakit po?"

"Anong bakit?" Gusto ko man siyang sigawan ay hindi ko magawa. Kaya kahit na punong puno na ako sa batang 'to ay dapat ko pa ring kontrolin ang sarili ko. Hindi na dapat maulit yung nangyari kanina na nawala ako sa kontrol at bahagya kong naipakita sa kanya ang hindi dapat na ipakita. Ngayon, kailangan kong mag - ingat. Isa pa, nararapat pa rin akong magmukhang Freya na disiplinado't responsable.

"Ayoko" Ang tigas ng ulo mo bata. May masamang tingin kong inilapit ang labi ko palapit sa kanyang kaliwa tenga para walang ibang makarinig sa mga sasabihin ko.

"Hindi mo alam kung anong pinapasok mo. Kung anong inilalapit mo sa sarili mo. Minsan, mas mabuti na yung inosente ka sa isang bagay kaysa sa matalino't alam ang lahat. Dahil kadalasan, ang sobrang karunungan ay ang maglalapit sa'yong ... boom" Bago ko itinuloy ang sasabihin ko ay hinarap ko siya. Saka ko hinawakan ang kanyang baba upang itaas ang paningin niya sa'kin. Dahil kanina pa siyang nakayuko lamang. At gusto kong marinig niya at maintindihang mabuti ang lahat ng mga sinabi at sasabihin ko.

"Katapusan. Itatak mo lahat ng sinabi ko sa'yo diyan sa utak mo" Tulad niyang walang kurap, walang kurap ko ring tinuran ang mga karagang iyon sa kanya. Saka ko idinuro ang kanyang ulo.

"Alam ko ang ginagawa ko ate Freya" Mayabang niyang sabi saka iniwas ang tingin sa akin at lumayo ng bahagya.

"Matapang ka. Katapangan. Lingid sa kaalaman ninyong mga ordinaryong tao, ang katapangan minsan ay tulad lamang ng kayabangan. Sa sobrang katapangan, tumataas ang tingin mo sa iyong sarili. Kung ako sa'yo Freshman, lalayo ako sa mga taong hindi ko ganoong kilala. Lalo na sa mga taong, kahit na ang sarili nila ay madalas nilang hindi kilala" Walang imik na akong tumayo at naglakad paalis tutal ay hindi rin naman ako makakapag-isip ng matinong plano kung may mangungulo lamang.

Ilang beses ko na siyang binalaang lumayo sa kamatayan niya. Wala na akong pakialam kung sundin man niya iyon o isa walang bahala niya lang.

Dumiretso ako sa silid naming Pluto. Pagkapasok na pagkapasok ko, bumungad agad sa akin ang mga sagutan, sigawan at bangayan nila. Tila hindi man nga lang nila ako napansin ng dumaan ako sa gitna nilang lahat.

"Freya, ano bang hahabulin mo ngayon?"

"Ano bang pakialam mo Sandra?"

"Syempre wala kong pakialam Freya sa kung ano mang hahabulin mo, lalo na sa'yo. Pinapatanong lang ni Lionne dahil pinapalista na raw ni Mrs. Florita" Mrs. Florita, plastik na punong guro.

"Sports Organization, president" Ayoko nang maging Head Organization President, sawa na ko. Kahit ano namang habulin ko, siguradong panalo.

"Hoy Lionne, Sports Org. daw, president" May apat na organization kasi dito sa Elle; Academic, Sports, Journalists at Arts Organization. Yung apat na iyon, under ng Head Organization kung saan ako president dati. Pero yung apat na organization na iyon may under pang iba't ibang mga clubs. At imposibleng hindi kami kasama sa mga iyon. Kami ang Pluto, may kakayanang manguna sa iba't ibang mga organisasyon. Lahat kami'y ma-awtoridad.

"Sinong Vice? Hoy, sumagot kayo!" Tss. Lionne, kaya ka paborito ni Mrs. Florita eh.

"Ako President sa Arts!"

"President, Dance Club" Puro president hahabulin diba? Pluto kami eh. 

FreyaWhere stories live. Discover now