Panimula

18 2 0
                                    

Perpekto, isang salitang nakadikit na sa pangalan ng aming seksyon.

Para sa kanila nasa amin na ang lahat. Ngunit sa perpektong tingin sa amin ng lahat nagtatago ang iba't ibang mga sikreto ng bawat isa. Bawat isa may baho. Bawat isa may sira. Bawat isa may iniingatan. Bawat isa may itinatago.

Sa tingin ng lahat, ipinapakita namin ang dapat nilang makita. Sa tingin namin sa bawat isa, nakikita ang dapat na ipinapakita ngunit itinatago dahil di maaaring ipakita. Sa tingin namin sa mismong sarili, nakikita ang taong binuo mismo ng aming mga sarili. Sa tingin namin sa salamin, nakikita ang totoo naming bawat pagkatao. Apat na magkakaibang tao iyon.

Ngunit dahil sa isang taong pumasok sa litrato ng aming klase, nagulo ang lahat. Nakialam ang noo'y walang alam. Dahil ngayon, alam na alam na niya ang bawat katiting na sikreto ng bawat isa sa amin. Pati ba ang pinaka iingatang sikreto namin ay maibubunyag na nga ba?   

FreyaWhere stories live. Discover now