IKA-APAT NA KABANATA
"Magandang umaga Pluto" Iyan na naman 'yang mga nakakasukang ngiti niyang ipinapakita sa amin.
Hindi na ko mapakaling patayin siya kaya mamaya tutuluyan ko na siya. Kahit dito na mismo sa Elle, handa ko siyang tapusin. Ang kailangan ko lang naman ay patayin siya sa paraang parang naaksidente lang siya. At iwang malinis at walang bakas ng pagpatay sa kanya.
Ngunit sisiguraduhin ko munang walang ibang nagpaplanong patayin siya kasabay ng oras nang sa akin. Mahirap ng magkasabay kami dahil paniguradong magiging palpak ang plano naming pareho.
"Pluto, sinong mga hahabol sa inyo sa eleksyon?" Hindi man sabay sabay pero lahat kami nagtaas ng kamay bilang sagot sa tanong ni Ms. Aria.
"Lahat kayo? Nakakabilib naman talaga kayong Pluto. Kaya walang duda, kayo ang paborito ko sa lahat ng mga estudyante" Paboritong klase? Talaga lang Ms.Aria? Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin na pamamlastik sa'min ngayon dahil huling beses mo nang klase sa amin 'to.
"Anong bang mga hahabulin ninyo ngayon? Ikaw Ully, president pa rin ba ng Academic Org.?"
"Journalists Org. na po Ms.Aria. Si Lionne na po sa Academic"
"Ganoon ba? Oh ikaw Sandra, Sports siguro 'no?"
"Hindi po" Malamang dahil ako na yung president sa Sports ngayon.
"Wala man lang akong tamang hula, ano ba iyan. Teka, sinong matapang naman ang hahabol ng president ng Head Org.? Freya? Ikaw ba uli?" Oh naisip mo pa talaga ako Ms.Ria.
Matapang? Kayabangan. Tingin mo ba nakalimutan ko na yung sinabi mo noon na ang katapangan ay katumbas lamang ng kayabangan. Hinding hindi, hindi ko kailanman makakalimutang ipinamukha mo sa'kin iyon ng harap harapan dahil sa naglakas loob akong humabol ng Head Organization's President. Sa sinabi mong iyon, doon ko natuklasang hindi ka isang pangkarinawang guro lang. Tanda ko pa ring, noong araw ding iyon mo mas inilapit ang sarili mo sa sarili mong katapusan.
"Freya?"
"H-hindi na po Ms. Aria"
"Bakit hindi? Alam kong kayang kaya mo iyon"
"Simple lang po, hindi ko na kailangang magyabang" Wala na siyang sinabi sa wakas. Pero ngumiti na naman siya sa'min. At nakakairita iyon.
"Galingan ninyong lahat, alam kong kayang kaya ninyong gampanan ang mga tungkulin ninyo"
"Lionne, Academic ka diba? Ang alam ko, may humahabol ding president sa Academic. Grade 10 yata" Ano? May kumalaban kay Lionne? Ang lakas naman ng loob niyang humabol para talunin si Lionne.
Sigurado akong, ngayon palang ay naplano na ni Lionne kung paano niya pahihirapan hanggang sa lagutan ng hininga yung kung sino mang taong lumaban sa kanya.
Natapos ang buong oras ng tahimik. Tahimik sa panlabas pero nagwawala sa loob. Ganyan kaming lahat. Bihasang bihasa na kami sa pagpapanggap noon pa mula noong matauhan kami sa pagtungtong namin sa paaralang ito.
Paglabas ni Ms. Aria ay nagpulong pulong kami agad. Napangisi nalang ako dahil sa iisang bagay lang talaga kami nagkakasundo at nagtutulungan. Para rin naman kasi sa amin ito, kung di kami magtutulungan ay hindi namin maiaangat ang pangalan ng aming seksyon.
"Anong plano Lionne?" Tanong agad ni Ully kay Lionne.
"Ezra at Sandra, kilalanin ninyo ang biktima. Ikaw Ully, mag-imbestiga ka sa mga taong pumapaligid sa kanya. Hera at Keanna, kayong bahala sa kung kailan, saan at paano natin siya kukuhanin. Iron, ikaw sa kalinisan, alam mo na kung anong ibig kong sabihin. Freya at Sebastian, kayong dalawa ang bahala sa mga lapastangang manghihimasok sa ating plano, mga sisira ng ating plano. Kayong mga natira, alam ninyo na ang gagawin ninyo. At ako, akong bahala sa pagpatay sa kanya" Agad agad kaming lahat nagsi-alis upang gawin ang mga nararapat.
YOU ARE READING
Freya
Mystery / ThrillerSa tingin ng lahat , ipinapakita namin ang dapat nilang makita . Sa tingin namin sa bawat isa , nakikita ang dapat na ipinapakita ngunit itinatago dahil di maaaring ipakita . Sa tingin namin sa mismong sarili , nakikita ang taong binuo mismo ng am...