Ikalawang Kabanata

8 1 0
                                    

                                                               IKALAWANG KABANATA

At ngayong wala nang guro sa silid ay malaya na uli kaming gawin ang nais namin. Tapos na ang palabas.

Hindi ko na rin pa itinuloy ang pakikipag away sa Lira na iyon. Dahil panalo na naman ako. Kailan ba ako nagpatalo?

Sino naman kaya ngayong bagong maswerteng guro ang mapupunta sa amin? Paniguradong sasambahin na naman kami nun sa galing namin.

"Hoy Iya, nanahimik ka yata? Ano magpapakamatay ka na ba dahil sa sobrang dami mong itinatago at hindi mo na kayang itago?"

"Iniisip ko lang kung paano kita papatayin Sandra. Ano bang gusto mo, sa mahirap at matagal na paraan o sa sandali at madaling paraan?" Turan ko saka pinaglaruan ang kapirasong buhok na nakalaglag mula sa pagkakatali ng buhok niya.

"Syempre naman sa mahirap at matagal na paraan" Aba magaling sumagot. Mahina siyang napa aray sa kadahilanang hinila ko ng buong lakas ang buhok niyang pinaglalaruan ko lamang kanina. At dahil sa nakatayo siya at ako'y nakaupo ay napayuko siya palapit sa akin. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para bumulong sa kanya.

"Ngayon na, gusto mo?"

"Magandang umaga sa in-oh" Napahinto ako, kaming lahat. Bakit hindi kami nakapaghanda sa pagdating niya? Bakit hindi namin namalayang nakapasok na siya sa silid na ito? Bakit nakapasok siyang wala man lang nakapansin ni isa sa amin? Hindi kami naging maingat. Ngayon lang nangyari ito.

Nakita niya kami, nakita niya ang hindi niya dapat makita. Nakita niya kung anong klaseng mga estudyante kami sa loob nitong silid na ito. Nakita niya kung gaano kami lahat karahas.

"Oh may problema ba Pluto? Anong nangyari? Nag-aaway-away yata kayo? Ang seksyong pinaka magagaling, disiplinado't matatalino ay nagkakagulo? Aba ang swerte ko naman at nasaksihan ko ang pagkakataong iyon" Natatawang sabi ng guro sa harap nitong silid.

"Sige, maaari na kayong bumalik sa mga puwesto ninyo. Di bale nalang kung gusto ninyo pang ipagpatuloy ang pag-aaway" Wala kaming nagawa kundi magsipag-ayos ng mga sarili namin. Tahimik man kami at mukha mang mga anghel sa panglabas pero panigurado ako lahat ng mga kaklase kong iyan nagwawala na ang mga halimaw na pilit na itinatago sa kaloob looban ng mga sarili nila, tulad ko.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko ng magkatitigan kami ng bagong gurong nakatayo sa harap. Kaya pala, kaya pala iba ang pakiramdam ko sa kanya. Nabuhay pa talaga siya sa lahat ng ginawa namin sa kanya. Pero paano? Sinigurado naman naming patay na siya nang iwan namin siya. Lahat ng ginagawa namin, malinis naming iniiwan. Pero bakit siya buhay? Kapag talaga masasamang damo matagal mamatay.

Pero hindi pwede, hindi siya maaaring  bumalik. Binura na namin siya sa mundong ito kaya't nararapat lang na manatili na siya sa kung saan siya nararapat.

"Pwede na ba kong magpakilala? Hindi na siguro kayo mag-ra-rumble o kung ano mang tawag ninyo roon diba" Mas lalo siyang naging nakakinis. Lalo na sa lahat ng mga lumalabas sa bibig niya, nakakairita.

"Ako si Aria, Ms.Aria. Siguro naman kahit papaano ay mayroon pa ring nakaaalala sa'kin, Meron nga ba Pluto? Wala? Nakalimot agad kayo? Nakakalungkot naman dahil ako lang pala ang nakaalala sa inyo. Di bale, hindi na iyon importante. Basta ang mahalaga, nandito na uli ako, bumalik para sa pinaka paborito kong klase. Wala bang nakamiss sa'kin?" Hindi kami tanga Ria. Hindi kami tanga para maniwalang ikaw ang dati naming guro. Ano ka nabuhay uli? Imposible. O hindi ka talaga namatay noon? Mas imposible. Pero bakit ka nandito? Bakit parang wala kang alam sa nangyari noon, sa pagpatay namin sa iyo? Hindi mo ba alam na sobra ang galit mo sa amin noon? Ano ka nagka-amnesia? Pero napaka imposible.

FreyaWhere stories live. Discover now