Pangalawang Tula Para Kay Crush

5.3K 16 1
                                    

Mahal na kita
Mahal na nga ba talaga kita?
Oo, mahal na kita

Paano ko ba sasabihin sayo na mahal na kita ng walang halong biro?
"Me aap se pyar karta hun"
Napansin mo ba na pabiro kong binanggit ang mga katagang walang kasiguraduhan kung tama ba ang pagbaybay pero sigurado ako sa nararamdaman ko

Sa mga kaibigan mo ako unang umamin
Kasunod ng "pero wala akong plano ligawan siya"
Pero ang totoo, gusto ko sana.
Natatakot lang ako sa magiging reaksyon nila.
Ang kasiya siyang pagtanggap
O ang lagim ng pagtanggi

Mahal na kita
Kaya sinusubukan ko ng umiwas
Dahil na rin sa medyo napaghahalataan na
Wala rin naman yata akong pag- asa

At kung mapansin mo man ang pagbagsak ko sa'yo
Hindi naman ako umaasa na mahalin mo rin ako,
Pero sana oo
Katulad na lang ng hindi ko pag- asa na may bayad akong makukuha sa bawat tulang nasusulat ko
Pero sana may makapansin nito at masabi nila sayo
Dahil wala pa talaga akong lakas ng loob na aminin sa'yo

Ramdam kong muli ang pagkahapo
Ngunit sa pagkakataong ito, dahil 'yon sa sakit ng pag- iwas ko sayo

Pero hindi pa ito ang huling tula ko para sa'yo
Aamin pa ako
Tanggapin mo kaya ako?

03/11/16

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon