Blankong Papel

2.4K 11 7
                                    

Ngayon,

ngayon lang ako nablanko.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako naubusan

ngsalitang gusto kongiparatingsa'yo.


Nablanko ang buhay ko

simula nang iniwan mo ako.

Dumilim ang maliwanag kong mundo

nang mawala ka sa tabi ko.


Natahimik ang puso ko,

Tumigil ang pagtibok nito.

Wala akong ibang marinig

kundi ang pagpatak ng luha ko.


Wala akong maisulat

dahil wala na akong maramdaman.

Walang salitang pumapasok sa isip ko,

tanging ang mga alaala ng noon ang nilalaman nito.


Tanging ang iyong pagtalikod ang nakikita ng mga mata ko

sa tuwing pinipikit ko ang mga ito.

Angnoo'yngiti,

napalitanngpaghikbi.


Pinipilit kong ilibing ang mga alaala

ng pagmamahalan na binuo nating dalawa.

Gusto kong isulat sa blankong papel ang lahat ng galit at hinanakit,

lahat ng sakit na pilit kong ikinukubli.


Gusto kongkalimutan kung paanong

inalis ng iyong halik ang lungkot na dulot ng daigdig.

Gusto kong takasan lahat ng sakit na dinulot mo, ngunit paano?

Saan ako pupunta kung sa lahat ng lugar ikaw ang tanging naaalala?


Nabura ng masakit na pamamaalam

ang masaya sanang pagsasama.

Ang bawat pahina ng aklat ng puno

ngkwento at pagmamahalan nating dalawa

ngayo'ynaburana.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon