Ikatlong Tula Para Sa Mahal Ko

3K 15 0
                                    

Tama ang dinig mo,
"Para sa mahal ko"
Pangatlong tula na ito
Pero hindi ko pa rin maamin sa'yo
Kaya hindi pa ito ang huli

Ikatlong tula para sa mahal ko
At ikatlong araw na rin ito ng pag- iwas ko sa'yo
Pansin mo ba?
Malamang hindi di ba?
Sino nga naman ako para mapansin mo?
Hindi naman ako ganon kahalaga sayo

Ikatlong araw ng pag- iwas ko
Pero ikaw pa rin ang hinahanap hanap ko
Pag nakitang paparating ka na
Napapangiti pa rin ako
Satuwing natutuon sa'yo ang mga titig ko
May kirot dito sa puso ko

Gusto kitang lapitan,
Kausapin,yakapin
At ibulong na mahal kita
Kasunod ng pagtatanong
"Ganon ka rin ba?"

Pero hindi, wag muna
Di ko pa nahuhukay ang kailaliman ng mundong ito
Kung saan ko huhugutin ang lakas ng loob ko
Para lapitan ka
At hawakan ang mga kamay mo,
Tumitig ka sa mga mata ko,
Sasabihin ko sa'yo
"Mahal na mahal na kita, mahalin mo rin sana ako"

03/12/16

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon