MONICA
Napalunok ako nang nasa harapan na ako ng malaking pintuan ng study room. Kumatok ako ng tatlong beses bago hinawakan at pinihit ang door knob nito saka dahan dahan ring itinulak ang pinto. Rinig na rinig ko ang tila matinis na tunog ng pagkakabukas ng pintuan.
"Finally you are here. Sit down." Maawtoridad na utos sakin ni Daddy.
Nakaupo ito ngayon sa malaking black swivel chair nito habang may isinusulat sa kaharap nitong puting papel. Agad naman akong umupo sa upuang nasa kaliwang bahagi ng lamesahan niyang pumapaharap rito.
"Why am I here Dad?"
Hindi ito umimik. Ni hindi rin ako nito pinansin at patuloy pa rin siya sa ginagawa nito. At nang matapos ito'y inilapag na nito ang Parker pen nito saka itiniklop ang dalawang kamay nito at matiim na tinignan ako sa aking mga mata.
"Our business is now at risk of falling apart."
Hah! I knew it! He's going to talk to me about business. Pero bakit ako? Ano namang kinalaman ko sa business namin? Di hamak na kolehiyala palang naman ako. Although I'm taking up Business Management, a course I never wanted. But does it mean I already need to work. Oh no!
"@;$;)@-@-!:):&/@"-@/&:$:$&:@:" Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi nito dahil sa lalim ng pagiisip ko.
"Monica are you even listening?" Nagising ako sa itinuran nito.
"Huh-Ahh yeah. O-Ofcourse Dad I am." Pagsisinungaling ko sabay ngiti habang kumakamot sa ulo ko.
"I don't want to do this iha but this is the only way we can save our company. Alam mo naman ito na ang nakagisnan mo at hindi lang ikaw kundi gayon din ang pinaka ninuno sa angkan natin ay ito ang sinimulan na kabuhayan. And you're the only one who can help me iha."
What is he talking about? Is he punnishing me? Ito na ba ang mga kabayaran ko sa gabi gabing pagpaparty ko? Sa kaliwa't kanang paglulustay ko ng pera sa pagshoshopping? Mapuputol na ba lahat ng luho ko? Nooooo! I can't take that! No freaking way! Sigaw ng isipan ko.
"B-but I don't uderstand Dad. I'm still in college. How can I suppose to help you?" Sa wakas ay naglakas loob akong tanungin ito.
"Our company will be merging with the biggest and a multi-billion Air and Land Transporting Campany. But in exchange to this you need to marry my business partner's only child. The engagement will be scheduled once they arrived the country and that would be the following day."
"What?! Dad you can't do this to me! You can't just let your only child marry someone I don't even know! And besides, I have a boyfriend!"
"Huh! Boyfriend? Sino? Ang balasubas na anak ni Dimitriyo? Hindi ba't ilang beses ka na niyang ipinagpalit sa ibang babae, Monica? Hindi ka pa ba nadadala?! Wala kang mapapala sa lalakeng iyon! Kung hindi babaero, lasenggo't balita ko'y lubog sa utang dahil sa bisyo niyang kaka-Casino! Iyon ba ang lalakeng pinapangarap mong makasama habang buhay, Monica?"
"Hindi kita pinalaki at pinag-aaral sa isang pristihiyosong paaralan para lamang bumagsak sa ganoong uri ng lalake, Monica. At hindi kailan man ako papayag! Magkamatayan muna bago ka mapunta sa anak ni Dimitriyo. Isa pa, ang mapapangasawa mo'y malayong malayo sa kanya. At magkakakilala rin naman kayo pagdating nila dito sa Pilipinas. Kaya nga ischedule agad ang engagement party niyo."
"Dad I can't believe you! Anak mo ako! And I am your only child! Hindi ako tuta na ipapaamigay mo lang kung kanikanino mo gusto! At mahal ko si Max! Ako ang pipili ng pakakasalan ko, not you, not mom, not anyone but me!"
BINABASA MO ANG
SWEET SERENDIPITY (GxG) SPG
RomanceThe plot of this new story of mine is written on its first page. Thank you for reading! 2016©TheRedPhantom