Chapter Fifteenth - SOPHIA'S DAY OUT

3.3K 187 60
                                    

GEORGINA

"Goddamn it!" Nagngingitngit kong usal matapos kong ibalibag ng malakas ang teleponong hawak ko.

Kasalukuyan akong nasa loob ng opisina ko ng tumawag sa akin si Daddy.

He was insisting me to do something that is against my will. He was so firm and yet had even told me that it was not a request to begin with but rather an order. And I knew it when he says that word. It means that you do not have any rights to disobey him or else you won't be wanting what he could do in exchange of your defiance.

Dahan dahan naman akong napamasahe ng sentido dahil sa biglahang pananakit at para bang halos nanunuot ang sakit sa pinakaloob-looban ng utak ko.

"Ma'am Goergina.." Kalauna'y rinig kong tawag ng sekretarya ko mula sa pintuan ng opisina ko.

"What?!" Pabulyaw ko tugon rito.

Tila parang nabahala naman ito at nagkanda utal-utal sa sinasabi.

"Ah M-ma'am k-kasi tumawag p-po si... s-si."

"What?! Can you untie your tongue and tell it straight to me?! Or do you want to lose your job Ms. Vincente?!"

Tumikhim ito't hindi nakawala sa aking paningin ang paghagod nito bahagya sa kanyang dibdib na animo'y kinakalma ang sarili't humihigop ng lakas ng loob.

"T-tumawag po kasi ang sekretarya ni Mr. Lim. Nagpapasabi pong mahuhuli sila sa meeting dahil nabangga raw po ang kanilang sinasakyan ngayon-ngayon lamang. Pero susubukan daw po nilang makapunta pa rin ng mas maaga." Sa wakas ay tuloy-tuloy na ring bigkas nito.

Sinulyapan ko ang orasan na nakapatong sa lamesa ko't huminga ng malalim. It is almost  past 9 in the morning.

Kalauna'y ipinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa sentido ko gamit ang kanang kamay habang sinenyasan ko naman itong umalis na sa kinatatayuan nito. Nakuha nito agad ang ibig kong sabihin kaya't talima naman itong umalis.

Pagkasarado ng pintuan ko, hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sa larawang nakaharap sa akin. Wala sa sariling inabot ko ito at matiimtim na pinagmasdan.

Anastasia. Sambit ko sa halos pabulong..

Then I gave in for another sigh.

If only you are here beside me, Honey. I won't be a hot-tempered person like I am right now.

Pakiramdam ko ay tila may butil ng likidong biglang nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata. Ngunit bago pa ito tulyang mahulog ay siya namang pagtunog ng cellphone ko.

Napakunot ako ng noo ng makita ang nakarehistrong pangalan ng tumatawag.

"Hello?" Bati sa kabilang linya ng hindi ako agarang nagsalita matapos kong pindutin ang call receiver ng cellphone ko kasabay ng pagbalik ko ng litrato ng aking yumaong asawa.

"Nay Sonya? Napatawag po kayo?"

"Ah eh, oo George. Pasensya ka na kung naabala kita anak. Pero kasi gusto ko sanang humingi ng phintulot mo kung pupuwedeng magpunta sana kami ngayon sa mall?"

Pagkarinig dito ay mas dumami ang hibka sa aking noo. 

Kelan pa nahilig magpunta sa mall si Manang Sonya? Ang pagkakaalam ko kasi ay iisa lamang ang kadalasang pinupuntahan nito sa tuwing lumalabas ito ng mansion. At iyan ay sa Lander's o S&R lamang upang mamili ng mga makakain o kahit anumang kagamitang kinakailangan nito sa aking bahay and never  to the mall.

"Kami?" Mariing tanong ko rito.

"Oo anak. Kasama ko si Ika at si So-- ay ang bata. Pasensya ka na ngunit lumalaki na kasi siya't at sa tingin ko ay kinakailangan na niya ng mga bagong baro kaya naisipan kong ipamili siya ng kasama siya."

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon