MONICA
Nang makaalis si Manang Sonya ay agad kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng magiging kuwarto ko. Mas malaki ito kumpara sa iniwan kong silid sa bahay. Fully carpeted ang sahig at halos moderno pati narin ang disenyo nito.
Lumapit ako sa kama at naupo. Muli ay pinagmasdan ko ang paligid nito. May magkabilaang lamesita sa gilid ng kama at pareho rin itong may nakapatong na kulay gintong lamp shade. Kung tutuusin ay para na akong nasa loob ng isang 5 star hotel room sa desenyo nito.
Napakayaman siguro ng George na iyon para magkaroon ng ganitong kalaking mansyon at kagagandang kuwarto.
Tok tok tok
Nahinto ako sa pagmumunimuni nang marinig ang katok mula sa pintuan ng bago kong silid. Agad naman akong tumayo at tinungo ang pinto.
Tumambabad sa akin ang isang babaeng kung hindi ako nagkakamali ay nasa 15-17 na taong gulang. Nakasuot din ito ng itim na bestidang may puting apron at may taban tabang isang paper bag.
"Ma'am, pinabibigay po ito ni Madamé Sonya." Nakayuko nitong pahayag.
"Suotin niyo daw po ito pansamantala. Sa loob po ng inyong aparador naroroon ang mga tuwalya at robang magagamit ninyo." Dagdag pa nito.
Nang abutin ko ang mga iyon ay agad narin itong umalis at naglakad palayo sa akin.
Muli akong pumasok sa loob ng silid ko at tinignan ang laman ng paper bag. Ngunit laking gulat ko nang hindi isang uniporme gaya ng mga nakita kong suot ng mga kasambahay ang iniabot sa akin ng babae.
Isang bestidang kulay asul at isang terno ng pantulog ang mga iyon. May kasama naring under garments na hindi pa nagagamit batay sa itsura nitong may tag pa. Ngunit kanino ba ang mga ito? Dahil halatang mga mamahalin ang mga ito.
Nagkibit balikat nalang ako at nagdesisyong maligo na muna.
Pagpanhik ko sa loob ng banyo ay hindi ko maiwasang hindi mapa "Wow". Gaya nang makita ko ang bagong silid ko'y namangha din ako sa itsura at laki ng banyo.
Triple ito sa laki ng banyo ko sa mansion namin. At ang pinaka nakapamangha sa akin ay ang jacuzzi sa loob.
Agad ko itong nilapitan at sinimulang paupawin ng tubig. May mga nakahanda naring jacuzzi bubbles. At ilang minuto lang ay handa na ang lahat.
Isa isa kong hinubad ang mga damit ko't itinali ang buhok ko bago pumanhik sa naghihintay na jacuzzi.
"Ahh.. This is life." Sambit ko nang makahiga na ako't nagsimulang magbabad sa jacuzzi saka ipinikit ang mga mata.
Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako.
BINABASA MO ANG
SWEET SERENDIPITY (GxG) SPG
RomanceThe plot of this new story of mine is written on its first page. Thank you for reading! 2016©TheRedPhantom