IKA
Ilang araw na ang lumipas mula ng maganap ang halikang aming pinagsaluhan ni George pati na rin ang pag-amin niya sa kanyang nararamdaman. Ngunit matapos ang araw na iyon pakiramdam ko ay iniiwasan na ako nito. Hindi ko malaman kung bakit ngunit sa tuwing iisipin kong umiiwas ito, daan-daang turok ng karayom ang nararamdamang kong tumutusok sa dibdib ko.
Paulit ulit kong tinanong ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali o ng hindi nito gusto.
Hindi ba nito nagustuhan ang pagtugon ko sa kanyang mga halik? May mali ba sa labi ko? Sa mukha ko? O di kaya.. Urgh!!!
"Ija, you did a great job on making a marvellous birthday party for my grand daughter. I loved it."
Nahinto ako sa pagmumuni-muni mula sa mahinang tapik sa balikat ko ni Lustrid. Ang ina ni George. Kahit ilang beses ko na itong nakita ay hindi ko talaga matanggal ang pagmangha sa gandang taglay nito idagdag pa na hindi mo maikakaila ang tunay na edad nito kung hindi mo ito kakilala.
"Walang ano man po. Nais ko din po talagang gawing maganda ang birthday ni Sophia lalo na at ito ang pinaka unang pag gunita ng kaarawan niya. Hangad ko rin pong mapasaya siya at gayon na rin po kayong mga nagmamahal sa kanya."
"Napakabuti mo iha. How I wish my daughter would feel the same as you towards my grand daughter. But I believe you can melt her heart and make it change. Anyway, pupuntahan ko lang ang ibang mga bisita. Again, thank you my dear." Sabay beso nito sa akin bago ito tumalikod at pumanhik sa mga bisitang tinutukoy nito.
"...But I believe you can melt her heart and make it change.." Kahit wala na ito sa harapan ko't malayo na sa kinaroroonan ko'y paulit ulit pa ring nage-echo ang boses nito laman ang mga salitang huling ibinigkas nito. Naguguluhan man ay pinilit kong winaksi ito sa aking isipan ng di sinasadyang napadako ang tingin ko kay Goerge na siyang nadatnan kong tila nakatitig rin sa akin sa mga oras na iyon.
Nakaupo ito malapit sa kinaroroonan ng mag-asawang kamakailan ko lang nakilala, ang mga magulang ng namayapa nitong asawa sina Vien at Anna. Gayun na rin si Juneathe na tila sawa kung makakapit sa braso nito.
Nang magtama ang aming mga mata ay tila bumagal ang pag-ikot ng mundo kasabay ang tila pagtigil rin sa pag-galaw ng mga kamay ng orasan.
Muli ako nitong napamangha sa taglay na ganda nito lalo na't bumabagay ang suot nitong Leopard print Wrap Around Midi Dress. Bagay na bagay ito sa kanya lalo na sa personalidad nitong may pagka-tigre.
Sa isiping iyon ay hindi ko napigilang hindi mapangiti. A smirk rather be. Ngunit huli na ang lahat ng matauhan akong nakatitig pa rin ito sa akin at ganun din ako sa kanya.
Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang tila pag-arko ng isang kilay nito at kasabay nito ay ang pagtayo't paglakad papanhik sa kinaroroonan ko.
Muli akong nakaramdam ng pagdambulan ng drum sa dibdib ko at ang pagbilis na rin ng tibok nito. Naroon rin ang pakiramdam kong pananabik na makatabi ito't mahawakan ngunit ganoon rin ang pagkainis dahil sa biglaang pagiwas nito sa akin.
Samo't sari man ang aking nararamdaman ay nangibgibabaw pa rin naman ang pananabik ko na makasama ito.
"Were you really that mesmerised with me that you can't take off your eyes on me?" Pasimple ngunit may laman nitong basag sa malalim kong pagiisip ng tuluyan na itong makalapit sa akin na hindi ko man lang namalayan.
A part of me wanted to leave but the other half wanted to punch the hell out of her as well for leaving me clueless with her acts after what happened to us exactly in the same place that we are currently at.
BINABASA MO ANG
SWEET SERENDIPITY (GxG) SPG
RomanceThe plot of this new story of mine is written on its first page. Thank you for reading! 2016©TheRedPhantom