MONICA
Sobra akong nanggalaiti sa galit at gigil na gigil ako sa hinayupak na tigreng iyon!
Aba! Kung sigawan niya ako ay akala mo kung anong napakabigat na krimen ang nagawa ko. Wagas na wagas kung magalit.
Ano bang masama sa paglabas ko kay Sophia? Nais ko lamang na makalanghap ito ng sariwang hangin at hindi puro buga na lamang ng aircon sa kwarto nito ang laman ng baga niya.
Siguro ipinaglihi ang tigreng iyon sa sama ng loob. Kaya puno ito ng hinanakit at saksakan ng kasungitan. Pero napakabait at sobrang layo ng ina nito sa kanya kaya parang malabo ata iyon.
Ah basta! Napakasama ng ugali niya! Urghh!
"Uy, Ica anong ginagawa mo rito sa labas at bakit bitbit-bitbit mo si Sophia? Naku! Malalagot ka niyan kay Ma'am Georgina. Mainit pa naman ang ulo nito ngayon!" Saway sa akin ni Madonna nang makita ako nito sa hardin.
Bumuntong hininga na lamang ako sa kanya dahil wala akong ganang kausapin ito. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang taban nito.
Kasalukuyan itong may bitbit na mga puting rosas na animo'y tila may maliliit na rosas sa gitna pa nito. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. At tama ako sa hinala ko. Hindi lamang ordinaryong rosas ang mga hawak nito. Ang mga ito ay isa sa pinakamahal na rosas sa buong mundo. Ang Juliet Rose.
"Gusto mo? Sabi ng hardinero natin mahal daw ang mga bulaklak na ito. Galing pa sa ibang bansa. At kung hindi ako nagkakamali, paborito ito ng yumaong asawa ni Mam Georgina. Kaya siguro araw araw gusto niya ay may mapipitas siya nito't may mailalagay sa kuwarto niya. Ang bango bango." Sabay amoy nito sa mga bulaklak.
"Haaatchoo!" Biglang baing ng bitbit kong si Sophia.
Seems like this little baby is not fond of roses,huh. Sa loob loob ko.
"Madonna! Asan na ang mga bulaklak na pinakukuha ko sa iyo?" Tanong ni Manang Sonya ng hindi namin namalayang nakalapit na pala sa kinatatayuan namin sa hardin.
"Ay Madonna santisima! Grabe para ka namang multo Manang Sonya. Bigla biglang sumusulpot. Nakakagulat ka."
"Anong multo ang pinagsasabi mong bata ka? Halla, ipanhik mo na ang mga iyan sa loob bago ka pa makita ni George na hindi pa nahanda ang mga bulaklak na taban mo."
"Oho." At naglakad na ito papasok ng mansion.
"Ica, narinig ko ang sagutan niyo ni George. Sana ay habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya."
"May magagawa pa ho ba ako Manang kung hindi ang magtiis sa paninigaw niya ng bonggang bongga. Kung hindi lang talaga kay Sophia Manang Sonya. Urgh!"
"Alam ko Ica at maraming salamat sa malasakit mo sa batang iyan. Hulog ka talaga sa amin ng langit." Sabay tapik nito sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
SWEET SERENDIPITY (GxG) SPG
Любовные романыThe plot of this new story of mine is written on its first page. Thank you for reading! 2016©TheRedPhantom