MONICA
Malaya kong pinagmamasdan ang mala anghel na mukha ni Sophia habang tahimik na pinipisil pisil ang ilong ng taban nitong Bunny stuff toy nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Hindi pa ako tuluyang nakakatayo ng kusa na itong bumukas at iniluwal nito ang dalawang taong ngayon ko lamang nakita magmula ng dumating ako sa mansyon na ito.
Bakas sa kanilang mukha ang pagkasabik at tuwa habang ang mga mata nila'y nakatuon lamang kay Sophia na ngayo'y nakatingin na rin sa dalawa.
Pinagmasdan ko sila hanggang sa makalapit na sila sa amin ni Sophia. Kusa naman akong tumayo upang bigyan daan ang babaeng sa tingin ko'y may edad na ngunit bakas na bakas pa rin dito ang malabanyagang kagandahan nito. Nakasunod naman rito ang isang lalake na siguro sa tingin ko'y kasing edad rin nito at gaya niya'y isa ring banyaga.
Nangaahas akong tanungin kung sino ang mga ito ngunit ng masilayan ko si Aling Sonya na huling pumasok sa silid ay pinili ko na lamang na tumahimik.
Maingat namang binuhat ng matandang babae si Sophia at sabik na sabik na hinagkan sa mga pisngi nito't niyakap kasabay ng paghaplos haplos naman ng matandang lalake sa buhok nito.
"Oh our precious grand daughter. You look very much of your Mommy."
"She is." Sagot naman ng matandang lalake.
British accent. Wala sa loob na banggit ng utak ko ng marinig ko silang magsalita.
Hindi nakaiwas sa aking paningin ang pagdaloy naman ng mga luha mula sa mga kulay berdeng mata ng matandang babae. Puno ng emosyon at pananabik ang nakikita ko sa dalawang nakayakap ngayon kay Sophia. Na tila gusto na ring magsibagsak ng mga luha ang sarili kong mga mata.
Unti-unti namang lumapit sa kinatatayuan ko si Aling Sonya.
"Sila ang mga magulang ng yumaong asawa ni George na si Anastasia." Bulong nito sa akin.
I nodded in understanding. Kaya pala tinawag nitong grand daughter si Sophia.
Ilang minuto pa ang lumipas ng mapagdesyunan ng dalawang lumabas na ng silid kasama si Sophia. Kasunod naman kami ni Aling Sonya hanggang sa marating naming lahat ang sala.
Masuyo pa ring kinakausap at hinahaplos ng dalawa si Sophia na tahimik lang at tila nangingilala.
Nagutos na rin si Manang Sonya sa mga kasambahay na magdala ng makakain sa kinaroroonan namin.
Kasalukuyan ng nakaupo ang lahat habang ako'y nakatayo pa rin at masayang pinagmamasdan ang tatlo nang maramdaman kong tila may mga pares ng matang nakasulyap mula sa aking likod.
At hindi nga ako nagkamali ng pagtalikod ko'y bumungad sa akin ang seryosong mukha ni George. Kasabay naman nito ay ang kanyang napakagandang ina.
"Vien, Anna!" Masiglang tawag nito sa dalawa.
"Sorry if we did not tell you that we are arriving today. We wanted to surprise you."
"It's okay but you should have at least told us so we could have picked you up at the airport." Wika naman ni George sa seryosong mukha pa rin nito.
Nagbeso naman ang mga ito ng tuluyang na itong makalapit sa dalawa.
"We do not want to bother you. We know how busy you are at work."
"When it comes to my family, I will always have time, Vien." Sagot naman ng Tigre.
At sa unang pagkakataon, nasilayan ko itong ngumiti. A genuine smile indeed.
BINABASA MO ANG
SWEET SERENDIPITY (GxG) SPG
RomanceThe plot of this new story of mine is written on its first page. Thank you for reading! 2016©TheRedPhantom