1 year later...
Justinn's POV
Isang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon umaasa parin ako na hindi totoo lahat ng nangyare kay Aubrielle at isang araw babalik sya na parang walang nangyare at itutuloy namin lahat ng pangarap namin. I miss her we miss her so much. Asking what happen? I dont really know what exactly happen after that long hunting for her we didn't found her then makalipas ang halos isang linggo Tita Beth called Mom ni Briey pinapunta nya kami sa St.John's Funeral Chapel, nag alinlangan kaming pumunta but knowing tita Beth and hearing her voice she really needs us kaya half hearted kaming pumunta dahil madaming possibilities ang naiisip namin na ayaw naming mangyare. As soon as we reach the said Chapel nanginginid ako hindi ko alam yung gagawin ko, I want to run away from that place or gusto kong isipin na masamang panaginip lang pero wala akong magawa as we walk in there's a white close coffin with purple touches on the sides, puno ng mga puti at violet na rosas na may mga balloon sa kung saan ka mapatingin, ayokong maniwala ayokong paniwalaan pero may pictures sya pictures ng babaeng mahal ko, oo, mahal ko sya, pero wala akong lakas ng loob na sabihin dahil mas pinahalagahan ko yung kung anong meron kami, mahal ko sya ng higit pa sa sarili, na hinahayaan kong masaktan ang sarili ko makasama ko lang sya, okay naman na ako sa ganun eh, hindi na ako naghahangad ng mas hihigit pa dun ang mahalaga lang saken parati ko syang nakakasama, pero.... Paano na ako ngayon? Hindi ko na narinig ang kwento ni kuya Phael kuya ni Briey dahil hindi ko talaga kinaya yung mga nakita ko at baka mas hindi ko kayanin ang totoong nangyare kaya gamit ang lahat ng lakas na naiiwan saken umalis ako sa lugar na yun... Sh*t bumalik lahat ng sakit. HAHA! May gagawin nalang muna ako.
Ace's POV
Kasama ko ngayon sina Liam at Ency pupuntahan kasi namin ang aming mahal na Prinsesa. Isang taon na ang nakalipas pero parang hindi parin totoo lahat, parang joke lang ba, pero pinaka masakit na biro. Madami kaming dala may flowers, balloons tsaka mga pagkain, matakaw kasi yung prinsesang yun. Pag dating namin naka bukas na ang museum dahil monthly naman kaming pumupunta dito or as possible as we can kaya ready yung care taker, nilapag namin yung mga dala namin. Haaaaay, if we can just turn back time, dapat may nagawa kami para hindi nangyare to, dapat wala kami dito ngayon sa isang mala palasyong museliyo, dapat buhay pa si Aubrielle. T*ng*na talaga.
One year ago... Nangyare ang hindi naman inakalang mangyayare na magpapabago sa buhay naming lahat, sa isang iglap nawala ang prinsesa namin, nadatnan nalang namin sya sa isang saradong kabaong dahil hindi ko maisip kung paano sya napunta sa ganung sitwasyun. Ang naka usap nalang namin ang kuya ni Brielle kinwento nya kung ano nga ba ang nangyare sakaniya, sabawat bigkas ni kuya Phael nadudurog ang puso namin para kaming kandilang nalulusaw kaming tatlo lang ang nakakaalam ng nangyare dahil umalis agad si Justinn, knowing him mahirap basahin ang iniisip nya, nakakasama parin namin sya pero hindi na sya tulad ng dati, oo lahat naman kami hindi na tulad ng dati pero mas malaki ang pinagbago nya mula nung mawala si Brielle. Hindi ko kayang ikwento kung ano ang nangyare. Siguro si Liam nalang.Liam's POV
May kwento ako, sa isang hindi malayong lugar may isang magandang prinsesang nagmamaneho ng sasakyan, mag-isa lang sya at sya ay iyak ng iyak, walang nakakaalam kung paano nakarating doon ang magandang prinsesa na ngayon ay payapa ng nagpapahinga, ang magandang prinsesa ay nahulog sa isang malalim na banggin at ang kanyang sasakyan ay lumiyab, ang magandang prinsesa ay may apat na prinsipeng naghahanap sakaniya pero lahat sila ay nabigo nung isang araw ay tinawagan nalang sila ng Reyna na wala na nga ang magandang prinsesa. The end. Parang yung pangarap ng banda namin natapos na din mula na mangyare ang napakasakit na trahedya kay Brielle, saaming lahat. Papunta na kami ngayon sa pinaka nasalanta ng bagyo, Kay justinn na hanggang ngayon ay ayaw maniwala sa kung ano man ang nangyare, kung sa pananalanta ng bagyo lahat ng kapitbahay nya unti unti ng pinagpapatuloy ang buhay samantalang sya nananatili syang lugmok at para bang wala syang balak umahon.
Andito na kami ngayon sa bahay ni Justinn, medyo pagabi na din.
"Oh mga anak andyan pala kayo, pasok! pasok!" Si Nay Fe magsasara na dapat sya ng gate.
"Hello Nay! Andito naman po siguro si Justinn?" Wala namang ibang pinupuntahan yun.
"Opkors! Kumain na ba kayo? Kung hindi pa anong gusto nyong ihain ko?" Ganyan lagi si Nay Fe mahal na mahal kaming lahat.
"Kayo pong bahala Nay, asan po pala sya?" Itong si Ency matakaw talaga. Haha
"Andun sa pool area mga anak nag-iisip isip, naaawa na talaga ako sa alaga kong yan."Nay fe
So ayun pinuntahan na nga namin at andun sya nakalublub ang paa sa swimming pool at may kasamang brandy."Brad! Ang aga nyan ah"pang agaw ni ency ng atensyon nya lumingon din naman.
"Kamusta ka naman dito? Tara mas masarap yan kung sa labas tayo" inaalok nya din naman kasi kami pero loko kasi itong si Ace.
"Kayo nalang. May hinihintay pa ako eh" sagot naman ni Justinn
"Sigurado masarap ang luto ni Nay Fe, kumain nalang kaya muna tayo bago natin ituloy yan?" Singit ko naman.
"Busog pa ako, kumain na kayo dun, dito nalang muna ako"sagot ulit ni justinn.
"What if lets use our session room again. Jamming naman tayo, nakakamiss din diba" patung pa ni Ency. Pero parang nag-iba ang timpla ni justinn.
"Kayo ba mga walang magawa sa buhay kaya ginugulo nyo ko dito?!" Sabay bato ng hawak nyang baso.
"Brad! Hindi sa ganun gusto lang naman naming maging maayos ka ulit" kalmadong sagot ni Ency
"May kanya kanya tayong buhay, mabubuhay ako kung paano ko gustong mabuhay, wala kayong paki-alam at wala kayong karapatang maki-alam!" Buong lakas na sabi ni Justinn sabay alis sa lugar na yun pero dahil naturingan kaming makulit at walang iwanan kaya sumunod parin kami."Brad! Diba walang iwanan? Tulong tulong tayo dapat na magpatuloy"Sabi ko.
"Hah! Magpapatuloy? Sige nga anong ipagpapatuloy nyo?! Kung may gusto kayong ituloy edi ituloy nyo wag nyo akong idamay sa mga kalokohan nyo!" Puno ng galit si Justinn.
"Brad paano na yung mga pangarap natin? Sa tingin mo ba natutuwa syang nakikita nya tayong ganito ang nangyayare saatin? Pare-pareho naman tayong nasasaktan dito! Pero bakit ikaw ang pinapalabas mo ikaw lang ang nagdudusa, pwede din naman naming gawin yung ganyan sa ginagawa mo pero hindi namin ginagawa kasi ayaw nya ng ganito, Isang taon na ang lumilipas pero hindi mo parin sya pinupuntahan. Justinn ano ba!? Kailan kaba babalik sa dating ikaw! Kailan mo ba uumpisahang tanggapin na wala na sya, na hindi na sya babalik, patay na si Aubrielle! Pat----" hindi na pinatapos ni Justinn ang sinasabi ni Ace hinila nya ito papunta sa Session Room.
"Anong sabi mo? Paano na yung pangarap natin? Ito oh!" Sabay kuha ng bass guitar nya at hinapas sa pader,.
"Tinatanung mo kung natutuwa sya kung nakikita nya tayo ngayon? Alam kong hindi sya masaya kasi hindi nya ako kasama, hindi ako nasasaktan dahil wala naman akong dapat pagkasakitan! At t*nga ka ba?! Sa tingin mo hindi ko sya pupuntahan kung alam ko kung nasaan ba talaga sya!? Wala akong dapat tanggapin dahil buhay sya buhay sya! Mabubuhay ako sa paraang gusto ko! Paniniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan!" disidido si Justinn sa gusto nyang mangyare. At kailangan kong gumawa ng paraan.
"Sige siraan mo lahat ng andito! May pera kami at paulit ulit namin papalitan lahat yan hanggang sa masaksak mo jan sa utak mong nastock sa mahigit isang taon na ang nakalipas na kailan mong magpatuloy sa buhay! Si brielle ang nawala hindi ka kasama"sabat naman ni Ency.
"Yun na nga! Bakit kasi hindi nya ako sinama! Dapat sinama nya nalang ako! Edi dapat magkasama kami ngayon, masaya dapat kam---" hindi ako nakapagpigil sa sinasabi ni Justinn at nasuntok ko sya.
"Gago ka pala! Makasarili ka! Lahat tayo parepareho ng nararamdaman, hindi mo iniisip yung nararamdaman namin! Paano nga kung dalawa kayo ni Brielle!? Sige nga! Sabihin mo saamin paano kami ngayon?! Apat pa tayo Justinn! Kaya pa nating ituloy ang pangarap natin para sakaniya kasi yun ang gusto nya! Hindi mo ba naisip yung ginagawa ni Brielle para saatin noon para sa banda natin noon?! Tapos ngayon ano?! Itatapon mo nalang lahat yun!?" Kung may makakakita man saamin ngayon iisiping bakla na kami dahil nag-iiyakan na kami dito,"Oh mga anak! Ice cream break muna! :)" pagbabasag ng katahimikan naming lahat.
----Next....
BINABASA MO ANG
Life Changer
Fiksi PenggemarLahat ng mababasa nyo ay purong kathang isip lamang ng may akda. Pasensyahan ho kung may hindi aayon sa inyong kagustuhan ang istoryang ito. Lahat po ng interesado ay welcome dito. Kung bibigyan ka ba ng pagkakataon para balikan ang nakaraan mo at...