Chapter 20

123K 3K 125
                                    


Chloe and Evo are back!!  Sorry  sa  matagal  na  UD!! 



—CHLOE's POV—

MASAYA kaming sinalubong ni mommy at Tito Edison pagpasok pa lang namin ng bahay. Ang laki-laki ng bahay nila. Kasing laki rin ng bahay ng mga Aragon. Let me correct, a mansion. Marami ring maids.

"Dad, tita!" May isang magandang babaeng patakbong bumababa ng hagdan. Tingin ko anak siya ni Tito Edison. Nang makalapit sa amin ang babae agad itong ngumiti sa 'kin.

"You are, Chloe?" nakangiting tanong nito saka ako tumango.

"Aaah! You are so pretty, bagay tayong maging sisters." Agad niya akong niyakap. Hindi ako nakaganti ng yakap sa kanya, medyo naiilang at nabibigla ako. I didn't expect that she will give me a warm welcome. There is no awkwardness. Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin at tumingin siya kay Evo.

"And he is Evo, your husband right?" she asked.

"Yes. Evo," inilahad ni Evo ang kamay sa babae na hindi ko pa alam ang pangalan.

"Czarina," tinanggap nito ang kamay ni Evo. Czarina pala ang pangalan niya.

"Nandito na sila?" Narinig ko naman ang boses ng isang lalaki at agad kong nilingon ito kung saan patakbo ring bumababa ng hagdan.

Napaawang ang labi ko nang mapagsino ang lalaki. I know him. He's Caden Clarkson, ang lalaking nakapartner ko sa modeling. Natigilan ang lalaki sa paglapit nang magtama ang mata namin.

"Chloe?!" Gulat niyang bulalas. Mula sa pagkagulat ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya saka lumapit sa amin.

"Ikaw ang anak ni Tita Celestine?" namamanghang tanong niya.

"Magkakilala kayo?" tanong ni mommy.

"Yes, tita, nakasama ko po siya sa modeling."

"Nag-mo-model ka, Chloe? Since when?" bago pa ako makasagot sa tanong ni mommy naramdaman ko na ang kamay ni Evo sa balikat ko.

"Hindi na po 'yon mauulit, mommy. Dahil lang po 'yon kay Kelly," ani Evo.

"And you are?" tanong ni Caden kay Evo.

"Evo. Chloe's husband," pakilala ni Evo.

"Chloe's what?" gulat na tanong ni Caden. Alam kasi nila single ako at kahit boyfriend wala.

"Siya ang asawa ni Chloe," si Czarina ang sumagot.

"May asawa ka na? I thought you are single?" tanong ni Cade sa 'kin. I heard Evo sighed, tightening his grip on my shoulder.

"Ako ang asawa niya." Tiningala ko si Evo, parang wala siya sa mood, medyo salubong ang kilay niya. Sinukbit ko ang braso ko sa baywang niya kaya nilingon niya ako at bigla siyang ngumiti. A genuine smile.

Pagkatapos ng introduction ay nag-aya na si Tito Edison para mag-dinner.

"Chloe, anak, tumawag sa 'kin ang tita mo. Kailan mo raw dadalawin ang lolo mo, miss na miss ka na raw niya?" Sabi ni mommy sa 'kin ng nasa hapag kainan na kami at pinagsasaluhan ang hinanda nila.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon