Chapter 28

116K 2.7K 182
                                    

--EVO's POV—

--EVO's POV—

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Baby love." Idinilat ko ang isang mata ko at napangiti ko nang makita ko si Chloe sa tabi ko. Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko at sinisinghot-singhot iyon. Ipinulupot ko ang isang braso ko sa baywang niya at isinanday ko ang isang paa ko.

"Good morning, Baby love," hinalikan ko ang noo niya. Mula sa pagkakabaon ng mukha niya sa leeg ko ay umangat siya.

"Sunday ngayon, mag-chu-church tayo 'di ba?" Nakapikit akong tumango.

Antok na antok pa ako. Alas dos na yata kaming natulog kagabi kakapanood ng Snow White. Hindi talaga tinigilan ni Chloe hanggat hindi natapos ang tatlong DVD na iba't ibang version ng Snow White na pulos cartoons. Parang dati naman action ang pinapanood nito. Mauuna na sana akong matutulog kagabi pero sa tuwing pipikit ako kakagatin ako kung hindi sa tiyan ay sa braso.

"Baby love."

"Hmm?"

"I like your smell in the morning." Napangiti ako at hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Puwede bang 'wag ka nang maligo pag-church natin? I like the natural scent of yours combined with the scent of linen. You smell like baby."

"Ang weird mo, Baby love." I kept my eyes closed but my lips split wide.

"Gising na, magbihis ka na." Hinalikan niya ako sa labi. Nang hindi pa rin ako dumilat ay hinalikan niya ang buong mukha ko na ikinangiti kong lalo.

"Oo na, sige na, tatayo na po." Bumangon ako. Ibinuka ko ang mga bisig ko para humingi ng yakap sa kanya. Nakangiti siyang yumakap sa 'kin at muli niyang ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. Parang batang muling suminghot at nang mapuno ng hangin ang baga ay bumuga.

"Ang cute cute talaga ng asawa ko." I said as I gently run my hands at her back.

Bumitaw siya mula sa pagkakayakap.

"Hihintayin na lang kita sa baba ah. Don't take a shower." Hinalikan niya ako sa labi bago siya bumababa ng kama at lumabas ng silid. Napapailing na lang akong tumayo at nagtungo ng banyo.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko si Chloe sa sala. Nakaupo siya sa sofa at nakatalikod sa direksiyon kung nasaan ako. Maingat akong lumapit at agad na yumakap mula sa likuran niya. Hinalik-halikan ko siya sa pisngi. She slightly twisted her head to face me.

She frowned at me. "Naligo ka?" Nakangiti akong tumango.

"Sabi ko 'wag kang maligo eh." Naiirita siyang tumayo.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon