Chapter 30

104K 2.5K 83
                                    



—CHLOE's POV—

"CHLOE pumirmi ka nga, ikaw talagang bata ka." Marahang sita sa 'kin ni Nana Selia.

"Sige na magbihis ka na kasi paparating na ang asawa mo." Hindi ko kasi mapigilang ma-excite. It's our fifth months wedding monthsary. Si Evo na lang ang laging nag-e-effort tuwing monthsary namin. Kaya naman ngayon gusto ko siyang i-surprise. I prepared a romantic candle light dinner. Sa may pool area ko sinet-up ang isang maliit na table. May three red roses na nasa black vase, scented candle and wine. Inihanda ni Nana Selia ang dalawang plato at pagkain sa mesa.

I gazed down at my puppy when she barked. Umuklo ako at kinuha siya. Hinaplos ko ang ulo niya.

"Samahan mo si mommy, cutie, magbibihis ako." Cutie ang tinatawag ko sa kanya since ubod siya ng cute. Buhat-buhat ko si cutie na tinungo ang silid. Inilapag ko siya sa kama. Kinuha ko ang dress na nasa nakalatag sa kama.

After twenty minutes, I'm ready. A simple black mini dress and red stiletto ang suot ko. Bawal daw sa buntis ang magsuot nito pero ngayon lang naman saka uupo lang naman ako. Binalingan ko ang napakabait kong puppy na hanggang ngayon ay nasa bed pa rin.

"Am I beautiful, cutie?" I asked and she barked for the response. Kinuha ko ang phone at tinawagan si Evo. Unattended. Hindi pa siguro tapos ang practice. O baka tapos at dumaan muna kung saan ang grupo. Maaga pa naman. 7:30 PM.

Lumabas ako at tinungo ang garden. Umupo ako sa naka-set na table. Dito ko na lang siya hihintayin.

30 minutes later, wala pa rin si Evo. I tried to call him pero unattended pa rin. I texted him. Baka na-traffic lang. Yeah, na-traffic lang siguro at lowbat na.

From 7:30 to 9:00, no show pa rin si Evo. I started to worry kaya tinawagan ko si Kelly pero hindi pala siya sumama sa practice. Baka raw kasama ni Dyllan since may gig ito ngayon. Ngayon lang nakalimutan ni Evo ang monthsary namin pero ayos lang naman sa 'kin 'yon. Si Enzo ang tinawagan ko at agad naman nitong sinagot. Napangiti ako nang marinig kong maingay. Mukha ngang magkakasama sila.

"Wait, Chlow!" Medyo nailayo ko ang cellphone sa tainga ko sa lakas ng boses niya.

"Chlow, napatawag ka." Walang nang ingay. Baka pumasok siya ng comfort room.

"Kasama mo ba si Evo?"

"Hindi. Kasama ko si Dyllan. Niyaya ko siya after ng practice pero kailangan na raw niyang umuwi eh." Napahawak ako sa dibdib ko. Bigla akong kinabahan. Baka may masamang nangyari sa kanya. Oh God!

"Anong oras ba natapos ang practice niyo?"

"6," Enzo replied, mariin akong napapikit. Parang bigla akong nahilo, I felt my stomach tightened kaya napahawak ako sa tiyan ko.

Sasabihin ko sana kay Enzo na wala pa si Evo pero narinig ko ang incoming message tone kaya agad akong nagpaalam. Baka si Evo na ang nagtext. Number lang ang nag-flash sa screen. I quickly opened the message, I literally stop breathing as I saw a picture.

Evo and Cheenie.

They were in the restaurant. The light soft, the place is romantic and intimate. Evo's hand was on top of Cheenie's hand, a gentle and harmless touch. The tenderness is in his eyes as he stared at her. It triggered the contraction of my stomach. My chest tightened. A muffled sob escaped my mouth.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon