Chapter 32

133K 3.3K 134
                                    

Hi guys! Hihingi lang po ako ng malaking tulong pero hindi naman 'to cash. Hehe! Please help me to vote my stories. Sinali ko po sila sa Wattys2016.

Sa twitter po magaganap ang voting. Just type, " I nominate My Bastard Ex by Whroxie" #MyWattysChoice.

I nominate Your Boyfriend is My Husband by Whroxie #MyWattysChoice.

Then tweet as many as you want. Voting start today July 8- July 9. 9AM-9AM. Only 1day po.
Make sure po na may #MyWattysChoice ang lahat ng itu-tweet para valid po ang votes and also avoid adding emoji baka kasi hindi ma-count.

Separate po ang bawat pag-tweet sa story. Wag pong pagsamahin ang dalawang story sa isang tweet.

Pwede rin namang share mismo itong story just add tag. #MyWattysChoice

PLEASE GUYS!!!!!!!!!!!!!!!! SUPPORT NIYO PO AKO! Ako ay nagsusumamo... thanks.. Luv you!!

_____________________

—CHLOE's POV—

ISANG linggo na rin akong nakatira kay mom. I admit I miss Evo so much. Pero nag-decide akong huwag na munang magpakita sa kanya. Kailangan kong huminga. Kailangan kong ilayo sa stress ang baby ko. Si Mommy Chelsy halos araw-araw ay tumatawag kay mommy at kinukumusta ako. In-off ko ang cellphone mula nang paglabas ko ng ospital at hanggang ngayon ay naka-off pa rin, kaya sa tuwing gusto akong makausap ng mother in law ko ay kay mommy tumatawag. Minsan kapag kausap ko siya nararamdaman kong gusto niyang banggitin si Evo pero nagpipigil lang.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid. Hindi ako tuminag sa kinatatayuan ko. Nakatingin ako labas. Halos wala akong makita dahil lalong pinapadilim ng lakas ng ulan ang gabi. Tanging kislap ng ilaw sa mga poste na nagkalat sa malaking lawn ng mansiyon ng mga Clarkson ang nakikita ko. At mga bukas na ilaw sa mga katapat na naglalakihang bahay.

"Hindi ka pa natutulog." I heard mom. Nilingon ko siya. Humakbang ako palapit sa kama at umupo.

"Hindi pa po ako inaantok."

"Na-mi-miss mo na siya?" Tumabi sa 'kin si mommy.

"Alam kong miss na miss mo na siya. And I also missed the twinkle in your eyes. Ang lungkot-lungkot ng mata mo."

Marahan akong tumango at nanubig ang gilid ng mga mata ko.

"I miss him so much. Mahal na mahal ko siya, mom, pero natatakot ako. Baka magsinungaling na naman siya." Marahang hinawakan ni mommy ang magkabila kong pisngi at marahang pinahid ang luhang naglandas sa pisngi ko.

"He lied because he loves you, I understand him, though, mali pa rin ang ginawa niya at alam kong naiintindihan mo rin siya. Natatakot ka lang at naiintidihan kita. Pero kaya mo bang mawala nang tuluyan sa 'yo ang asawa mo? Kaya mo bang lumaki ang anak mo na walang ama katulad mo?" umiling-iling ako. God! Isipin ko pa lang namawala nang tuluyan si Evo sa 'kin parang gusto ko na lang din mamatay.

"Hindi ko kaya! Mahal na mahal ko siya, mommy!" Marahan akong niyakap ni mommy.

"Then go back, dahil sarili mo lang ang pinapahirapan mo. Give him another chance, ibigay mo ulit ang buong tiwala mo sa kanya."

Nagkalas kami mula sa pagkakayakap ni mommy at inabot niya sa 'kin ang cellphone.

"Baka makatulong sa pagdedesisyon mo kung makikita mo ang asawa mo." Nagtataka man ako pero inabot ko pa rin ang cellphone at tiningnan ang screen. At halos madurog ang puso ko sa nakikita kong itsura niya. He looks miserable. Bagsak ang mga balikat habang nakaupo sa sofa.

"Pumunta siya sa office kanina at lihim ko siyang kinuhanan ng larawan. He looks miserable, Chloe, at totoong naaawa ako sa kanya. Hindi siya nagpupumilit na pumunta dito sa takot na baka kung may mangyaring masama sa 'yo kapag nakita mo siya. Sabi ni Chelsy ay panay ang paglalasing at hindi rin pumapasok. Miss na miss ka na raw niya." Tuluyan akong naiyak. Noon naman may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Sumilip doon ang isang katulong.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon