Papayag ka bang mag pretend ang boyfriend mo na boyfriend ng iba? At ikaw mag pretend na girlfriend ng boyfriend ng iba? Sa madaling salita 'exchange partner'.
Ang kasintahan ni Evo at Chloe ay isang Chinese na nakatakda para isa't isa. Sa madaling...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"DAMMIT!" I immediately pressed down the break of the car firmly when someone suddenly crossed the road.
"OMG! May nasagasaan ka yata!" Natatarantang sabi ni Mannilyn. Papauwi na kami galing ng Bataan at ako ang nag-drive ng van. Nasa Maynila na rin kami.
Biglang lumitaw ang isang babae sa harap ng sasakyan. Humarap siya at bigla na lang hinampas ang hood ng sasakyan. Hindi ko siya naririnig pero sa buka palang ng bibig nito ay masasabi kong nagtatatalak na. Mukhang hindi naman napaano. Baka natumba lang.
Agad akong bumababa ng sasakyan para kamustahin sana siya pero hindi na ako nakapagsalita pa dahil walang preno ang bibig nito.
"Marunong ka bang magmaneho ha!?" sigaw niya sa 'kin.
"Miss, I'm sorry—"
"Sorry! Huwag kang mag-sorry! Hindi nakakain ang sorry! Maiibabalik ba ang buhay ng taong napatay ng isang milyong "sorry"?! Maibabayad bang pang-tuition-fee ang sorry mo! Kayang bang ipangpagamot ang sorry! At maibabalik ba ang virginity ng isang babae dahil lang nag-sorry ka!?" tuloy-tuloy niyang pagtalak.
"What are you talking about?" tumama kaya ang ulo niya kaya kung ano-ano ang pinagsasabi nito.
"Tatanga ka na lang ba diyan? Pulutin mo ang mga paninda ko!" May nagkalat nga sa kalsada—' banana que at kung ano-ano pa. Tumingin ako sa grupo na ngayon ay nasa labas na lahat.
"Tulungan niyo ako." Utos ko sa kanila.
"Kaya mo na 'yan," sabi ni Liam na parang amuse na amuse sa nangyayari. Wala talagang pakinabang ang isang 'to. Inisa-isa ko na lang na pinulot ang mga paninda niyang nagakalat saka ibinigay sa kanya ang bilao. Hinugot ko ang wallet mula sa aking bulsa at kumuha ng dalawang libong piso saka inabot sa kanya. Kunot-noo niya akong tiningnan.
"Five hundred lang ang halaga ng mga 'to," sabi niya.
"Kunin mo na. You must to see a doctor, mukhang nabagok ang ulo mo."
"Hindi naman ako nasagasaan—" she paused in the middle of her sentence. He looked at me, squinting her eyes.
"Namumukhaan kita," she then said. I sighed. Dapat kanina pa niya ako nakilala eh. I cocked my head side to side.
"Ikaw nga 'yon!" Pagkasabi niya n'on ay malakas niya akong sinampal na ikinagulat ko. Kahit ang grupo ay napatda dahil sa ginawa ng babaeng 'to.