~List 1~

886 23 0
                                    

*List 1*

“Grrrr!!” tae sino bang hudas barabas ang nagkakalat sa desk ko. Tumayo at lumapit sa desk malapit sa inuupuan ng teacher ko. “Sinong Hudas barabas ang nagkakalat sa ilalim ng desk ko? mukha bang basurahan ang upuan ko!!” sigaw ko. natahimik silang lahat. “Ano walang sasagot tatanga lang kayo jan?!”

“President di po naming alam.” Sabi nun kaklase ko si Greg.

“Psh kung sino man walang  utak ang nagtapon ng papel sa ilalim ng desk ko!” tinaas ko ang kamao ko. “Makakatikim ng suntok ko!” napa-gulp lahat ng kaklase ko maliban lang kay Xeron at Danna.

Umupo na ko sa upuan ko. ”HAHAHAH!” inirapan ko lang si Danna na wagas makatawa.

“Oh tawa mo jan?”

“Hahaha nakakatakot ka pala President Grace Cruz.”

“Pake ko.” kinuha ko yun papel sa bulsa ko at tinapon sa basurahan. Pangalawang beses na may nagtatapon ng papel sa desk ko. Umagang umaga nagkakalat kung hindi sila marunong magtapon ng papel nila kainin nila mga bwisit. Mataray ba? Psh kaya nga wala akong kaibigan ehh! Dahil mataray daw ako. And ang lakas daw ng  personality ko. sabi nila lahat ng pinanganak na LEO. Malakas ang personality. Sisihin nyo yun Zodiac Sign ko. At president ako ng room namin oh di ba mataray ako pero ako pa din binoto nila.

*Dismissal*

Pauwi na sana ko ng may maamoy akong masamang hangin. F.y.i hindi yun nasa utak nyo ang naamoy ko. So wapakels naamoy ko ang hangin.

“Grace look at there.” Sabi ni Danna sabay kulbit saken.

Ako naman sumunod sa tinuro nya.

Nag iinit ang ulo ko sa nakita ko. Nakita ko lang naman ang walangya kong Ex may kalandian ng iba. How pitty me. Di ba nya alam ang 3 months rules kapag nagbreak ang magjowa.

Oh geez I don’t care about them kahit gumawa pa sila ng milagro.

“Halika na bago pa ko makagawa ng kasalanan!” hinila ko palayo si Danna.

Naglakad lang kami patungo sa sakayan.

“Oy Xeron!” nilingon ko naman yun tinatawag ni Danna. Si Xeron nga. Psh sa dami dami ng makakasabay si Xeron pa!

Well wala naman akong special feelings sakanya. Ang problema lang sya yun dating nanliligaw saken bago yun walangyang manloloko kong ex. 1 month pa lang kami nagbbreak.

“Ui. Jan na kayo huh? Yan na kasi ang saksakyan ko.”

“Wait Dan—“ wala din nakaalis na si Danna parang unggoy na bumitin sa jeep.

Awkward yung aura namin buset ang tagal naman ng jeep na sasakyan ko.

Biglang pumtak na tubig sa mukha ko.

Tumingala ako.

Pestelan na uulan na pala. Wala pa naman shed yung kinatatayuan naming dalawa ni Xeron.

Kinalkal ko yung bag ko para hanapin yung paayong ko.

Biglang tumigil yung pagpatak ng ulan. Huh wait naulan pa din ahh bakit tumigil? Sa place ko lang hindi na patak?

Tinignan ko ang katabi ko.

Si Xeron pala!

“Ahh baka kasi mabasa ka pa. Wala ka yatang payong.” Nagsasalita sya pero malayo ang tingin siguro bitter pa din to nun binasted ko. Assuming ba? Eh feelingera ko ehh.

Nung may dumaan na jeep sumakay na ko. Ay mali pala kaming dalawa pala. Dahil parehas lang ang subdivision namin ni Xeron.

??Im all yours Kharrian??

*****************************

Oy! Sulat ko! (SHORT STORY) COMPLETE✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon