DANICA's POVI stretched my arms as I stood up from my bed. Maaga akong nagising dahil ngayon 'yung appointment ko sa president ng BPGOC. I will accept their offer because I need to, I need money. Titiisin ko nalang ang pagmumukha ng lalaking 'yun. Kakalimutan ko nalang ang ginawa niya sa'kin. Professionalism, it is.
Dumiretso na ako sa banyo at mabilisang naligo. After that, I wore my most comfortable casual attire. Ayoko munang mag-business suit dahil hindi pa naman ako magt-trabaho. A white long sleeves polo and a ripped jeans will do. Nagsuot lang din ako ng flats. I applied a little bit of make-up and a red lipstick.
Hindi na ako nag-abalang mag-breakfast pa dahil wala na akong time magluto. I grabbed my sunnies and tied my hair into a messy bun. Dumaan muna ako sa 7-eleven para mag-kape lang. Ito lang kasi ang afford ko. Siguro magkakape nalang ako sa LRT.
After an hour of commute, agad akong nakarating sa BPGOC. The guard greeted me and I directly went to the reception area.
"Are you Ms. Danica Dizon?" tanong nito.
Hinubad ko ang suot kong sunnies. "Obviously. That's why I'm here infront of you," I rolled my eyes.
Ngumiti ng tipid ang babae saka ako pinaakyat sa taas. Sabi niya ay puntahan ko daw si Marcus Rivera, 'yung tumawag sa akin kahapon.
"Hi Ms. Dizon!" salubong ng isang lalaki sa akin pagkabukas ng elevator, "I'm Marcus Rivera. You can call me Marcus."
Well, the guy is handsome, alright. He got those looks. He's somewhat mestizo and no, he's a hottie too. So ito pala 'yung nangulit sa akin kahapon?
"Yeah, so what now?"
Tumawa ito. Ang gwapo niya tumawa, but not my type. "Nagmamadali ka ba? Come with me."
Sumunod ako sa kanya while we're walking down the tracks. May ilang binabati naman siya. Some were eyeing me suspiciously, with confusions in their eyes. Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa kanila.
"Bakit ganito ba sila tumingin?" tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa'kin. "Well, there must be something about you."
"Like?"
Huminto kami sa isang malaking glass door but its opaque at hindi nakikita ang nasa loob. May babae rin sa labas na sa tingin ko ay secretary.
"Bianca, nandiyan ba si Tito sa loob?" tanong nitong Marcus kay Bianca.
She smiled. "Yes, may kausap lang na investor. But you can wait over there."
Umupo kami sa may upuan malapit doon.
Marcus faced me. "You really look like Kathy, that's why they are like that."
I creased my forehead. "Iyan ang dahilan kung bakit ayokong tanggapin ang offer 'diba? It creeps me out."
"Don't worry, I'll orrient them if you want," ngumiti ito at labas ang mapuputing ngipin. "Kung tatanggapin mo ang offer. Madali lang naman kasi ang magiging trabaho mo."
"Its not as easy as you think, Mr. Rivera. Hindi madali gumawa ng pera. Pero kung mayaman ka naman talaga, 'yung malaking kita ko ay barya lang 'yun para sa'yo." I told him and rolled my eyes.
"Marcus nalang." he corrected me, "Palaban ka pala? Different. Really different."
I blabbered something before I screwed a silence between us. Hanggang sa lumapit iyong sekretarya sa'ming dalawa at sinabing pinapapasok na kami. Marcus stood up and I just followed him.