Chapter 15

2K 108 16
                                    



DANICA's POV


I woke up very early the next morning. I stretched my arms as I stood up. Nangangalay na rin ako sa paghiga ko dito sa sofa. Bumaling ako kay Kael na mahimbing pa rin ang tulog. Nakabalot ang buong katawan niya ng kumot at halatang pagod ang mukha. But I find him cute.

I looked away and stood up. Niligpit ko muna 'yung hinigaan ko bago naghanda ng almusal. Alas-singko palang ng umaga. I cooked a garlic fried rice na tira naming kanin kagabi pati sunny side-up eggs. Hindi na ako nag-abalang kumain dahil para kay Kael naman ang mga 'to.

Agad akong nagbihis at nag-ayos. Maayos ko ding nilinis 'yung pinagsuotan ko. Matapos kong gawin ang dapat gawin ay lumabas ako at nakita kong tulog pa rin si Kael. I walked towards him and stared at his face. Hindi ko alam kung anong pamilyar na tambol sa aking tiyan at kirot sa puso ko nang pagmasdan ko siya. What's happening on me?

Tumayo na ako at walang ingay na lumabas ng unit niya. Dahil walang traffic ay kaagad rin akong nakadating sa unit ko. Naabutan ko naman doon si Yanna na naghahanda ng almusal.

"Buti naman at nakauwi ka na." she said and put his hands both side of her waist.

"I told you na uuwi ako ng maaga diba?" I said and sat down.

Lumapit naman siya sa akin at tinignan ako.

"Mind telling me what happened."

Huminga ako ng malalim at tinanggal ang sapatos ko. "Nabasa kasi kami ng ulan kahapon kaya dumiretso nalang kami sa condo niya. And he insisted to let me stay last night. Ayun."

Tumayo ako. Pumunta naman ako sa table. Kumuha ako ng french toast at umupo. Sumunod naman si Yanna at umupo rin sa tapat ko.

"Kailan mo balak sabihin?" she asked out of nowhere.

Tumikwas ako ng kilay. "About what?"

"You know what I mean, Dan. Don't be so stupid." Yanna rolled her eyes on me.

"Bakit ko naman sasabihin kay Kael?" I sighed. "Wala naman dapat siyang malaman. And what is it to him?"

"Its not impossible that you'll fall in love with him. Kilala kita, Danica."

Natigilan ako at tinignan si Yanna.

"Hindi ako mahuhulog sa kanya. I will not let myself fall in his trap. Sisiguraduhin ko 'yun." I assured her but she just looked at me in disbelief.

"Eh paano kung dumating na 'yung araw na nagugustuhan mo na siya? Tapos gusto ka rin niya?"

Napapikit ako ng mariin. Marahan ko namang minulat ang mga mata ko at bumuntong hininga.

"Hindi mangyayari 'yun.."

"Pero, Danica, lahat ng bagay na hindi mo aakalain ay nangyayari." she said and stood up.

Napatulala ako sa sinabi ni Yanna. I can't comprehend what she said to me.

"Aalis na ako ha?" she grabbed her things. "Maaga akong pinapunta ni Tristan sa bahay niya eh."

Tumango ako at nagpaalam na siyang umalis. Naiwan naman ako sa lamesa na nakatulala. Iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Yanna. I can't love Kael. Bukod sa hindi pa siya maka-get over kay Kathy ay hindi pwede. Not because I don't like him, but because I'm afraid to love someone.

Natatakot akong magmahal. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong iwan ng taong mahal ko kapag nalaman niya ang tungkol sa'kin.

Pero mas lalo akong natatakot sa posibilidad. Sa posibilidad na baka nagugustuhan ko na si Kael. I'm not naive to know my feelings towards him. Sa bawat pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing iniisip ko siya, sa mga pagseselos ko. Natatakot ako na baka mas lumalim pa ito at ayokong mangyari iyon.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon