DANICA's POV"Ang laki naman ng problema mo, teh."
Napatingin ako kay Bianca na kakarating lang para sunduin ako ngayong lunch break.
"Wala 'to." I mumbled and began fixing my things. Kanina pa pala ako tulala.
Its just that something's bothering me. Siguro iyon 'yung nangyari nung isang araw? Hindi ko talaga alam kung ano ang problema ko. Minsan may sapak rin ako sa ulo.
"Aysus," she scoffed. "Iyong mukha mo parang pasan mo ang problema ni Duterte sa bansa natin."
Huminga ako ng malalim. I was about to speak when she hushed me.
"Oops! Mamaya na ang chika kapag nakakain na tayo. Gutom na ako, teh girl."
Bumaba na kami at dumiretso sa fast food sa baba ng building. Hindi ako inaya ni Kael mag-lunch today dahil tinawag daw siya ni Tito Daniel so I called Bianca.
"Ano? LQ kayo ni Sir Boyfie mo?" she asked while we're eating.
Napangiwi ako sa term niya kay Kael. Weirdo talaga 'to si Bianca.
"Hindi." I answered.
"Eh ano? Alam ko merong bagay na bumabagabag sa'yo."
Huminga ako ng malalim bago ikuwento kay Bianca lahat mula sa nangyari sa party, hanggang sa pagtawag ni Kael kay Kathy at sa hiniling ko kay Kathy sa sementeryo. Until now, I'm still problematic with her.
"So you're doubting him?" she inquired while biting her chicken.
"Ha?"
She irritatedly looked at me. "Kasi diba nga sabi mo, he mentioned si deads na ex niya matapos niyong mag-churvaness so ibig sabihin ay parang dina-doubt mo na rin siya. Ganon 'yon diba? Hindi mo gets kung mahal ka ba talaga niya o hindi. Huwag mong ideny pero naisip mo 'yun diba?"
Tumango ako. Until now, I'm still thinking if he truly loves me o baka minahal niya lang ako dahil may kailangan siya sa akin. I don't know.
"That's your problem, teh. You're overthinking. Ay shocks, english 'yun!" she beamed then became serious again. "Iniisip mo kasi na minahal ka lang ni Sir Kael dahil kamukha mo si Kathy o dahil kailangan niya lang babaeng puwedeng pumalit kay Kathy sa puso niya. Panakip butas ganern. Pero kilala ko si Sir Kael, hindi ganon iyon. Kahit nga si Dia, iyong kababata niya, todo papansin rin iyong mestizang hilaw na iyon kay Sir pero hindi naman niya pinatulan kasi ikaw ang hinahanap niya. Ikaw iyong babae na mamahalin niya uli. Iyong kukumpleto uli sa kanya."
"Pero-"
Bianca cutted me off. "Tama na nga 'yang overthinking mo, bes. Normal lang naman iyang mag-doubt ka kasi nga nagmahal ka ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba pero ang hindi normal ay 'yung pinapakita mo sa kanya na nagd-doubt ka kasi masakit sa ego nila. Baka dahil pa lang diyan mag-aaway pa lang kayo."
I took a deep breathe. "I can't stop thinking things. Minahal ni Kael si Kathy that until now he still can't move on completely with her."
"He still can't move on? Kung hindi pa siya naka-move on, edi sana hindi ka niya syinota!"
"Hindi sa ganon.." napahilamos ako sa mukha ko.
Naiiritang inirapan ako ni Bianca. "Alam mo ang ganda mong bruha! Ang gulo mo ha!"
"Mahal nga niya sobra. Matagal silang nagsama. Ano ba namang laban ko doon? Kathy's perfect while I'm the opposite."
"Iyon naman pala! Hindi ka lang overthinker, insecure ka rin teh. Kaloka!"