Chapter 2

106 3 0
                                    

FLASHBACK..............................................................................................................

“Ay sus, Rima kung makatitig ka kay Nickanor parang wala ng bukas ah. Umamin ka nga, ikaw ba ay may binabalak nang mas matindi pa sa ginawa mo nuon? Hala hindi kaya ginayuma mo yung tao? Uy hindi effective in fairness.”

“Hay naku Tina, wag ka nga, hindi ako ganun kadesperado para ipakulam si Nickanor, alindog ko lang sobra nah”

“Hahahaha, Alindog? Sigurado ka? Ahm, sandali i-re-recall ko lang ha,:

         o   last time nagsend ka ng love letter dun sa tao at free delivery pa from you..tapos anung sabi niya, thanks but I don’t think its time for me to have a date right now, we’re still young and besides aren’t you a freshman? Waley ka dun speechless at nag-walk out si dreamboy

         o   Tapos sumali ka sa dance troop ng school para ipakita ang katawan mo, ang lakas ng loob mong mag sayaw ng belly dancing, habang nakalagay sa harapan mo ang picture niya na pinalaki mo talaga, tapos ano, hindi pala siya um-attend umuwi din ng maaga dahil may sakit ang nanay niya At hindi ka tinangap sa audition mo

         o   The last time, hinarap mo siya w/ all the microphone and sound system habang kumakanta ng I LOVE YOU, PLS SAY YOU LOVE ME TOO, tas anung kinalabasan, hahaha…BINASTED ka sa harapan ng lahat. I remember him say: Rima will cut it off pls. STOP it! I don’t like you, and I will never Like you. Bez naman, HINDI ka na ba matututo?”

“Ang sabi ng nanay ko kung may tiyaga, may nilaga. Pero hindi lang nilaga si Nick, isa siyang Letson ang sarap lantakan..kaya mas matinding effort, bihira lang makatikim ng letson hindi pwedeng daily ulam kaya nga mahirap siluhin eh”

“Ay san mo naman nakuha yang mga words of wisdom mong ganyan puro pagkain, sa food network…”

“Hala, matatawa na ba ako bes...Korny lang....mamili ka" Habang inilahad ni Rima ang kamay sa kaibigan nitong si Tina"

"Ayt, ano ba kasi ang balak mo at mukhang gusto mo na namang ipahiya yang sarili mo. Alam mo bes kahit nag eenjoy ako sa ginagawa mo, ang pangit ding isipin na aalis tayo dito sa school eh puro kahihiyan ang maalala nila sa Reunion"

"Reunion? Agad-Agad? di pa nga tayo nag ka-college Reunion na agad. Advance lang?" natatawang sabi ni Rima

"Ay bahala ka na nga, anu na naman ang plano mo?"

"Bes, quitters never win, winners never quit,  hindi pa ako tapos sa kanya. Marami pa akong bala at marami pa akong reserve. Kailangan ko lang siyang pag aralang mabuti. At sa pagkakataong ito, mapapansin niya din ako. Humanda ka, sila at lalong lalo na siya” Inayos muna ni Rima ang kanyang damit at saka paunti-unti itong lumapit sa lalaking tinatangi.

Nasa cafeteria si Rima at Tina nang araw na iyon. Hindi lingid kay Nick na malaki ang pagka-gusto sa kanya ni Rima. That-girl-who-must-not-be-named. Yun ang tawag niya dito. Kung anu-anung kahihiyan na ang inabot niya sa babaeng ito dahil sa pag-aaya niya ng isang date at pag proclaim ng labis nitong pagka-gusto sa kanya. Hindi naman sa pangit o hindi niya type si Rima. Para sa kanya, kailangan muna niyang mag-aral ng mabuti.

Rimariana Tatlonghari, o Rima sa nakakarami is just like the average type of girl. Hindi matalino pero hindi din naman bobo. Ang ganda niya ay katulad ng iba na simple lang at hindi pang modelo o beauty queen. Pero angat ang ngiti nito, ang sayang pagmasdan pag tumatawa at nakangiti. Magaan sa loob. Parang mawawalan ka ng problema pag nakita mo siyang tumatawa. Her smile is something that a woman w/ beauty should be afraid of. It could bring them down. Kaya naman wala siyang galit dito pero masyado itong agresibo at hyper. Parang hindi siya makakasunod sa aurang pina-pakawalan nito. Besides, hindi niya talaga kinaya ang pinag-gagawa nito. And this time, even if he wasn’t facing them. He knows she is looking at him. He felt a shiver in his spine the moment he sat with his friend. That-girl-who-must-not-be-named, hindi niya alam kung anu n naman ang binabalak nito pero alam niyang hindi maganda.

Damn., guess I need to prepare myself for her. God, just this time, will you give me time to rest. Pls. Lang po, katatapos lang ng exam and I am very tired. Sana wag siyang gumawa ng kung anu-anu ditto. Pls. lang. Sa isip ni Nick

Abot-abot langit ang panalangin niya na sana hindi siya mapahiya. Pero mapagbiro ang tadhana. At sa mga sandaling iyon, hindi siya natuwa. Gaya ng inaasahan lumapit si Rima sa grupo nila, at hindi niya alam kung merong kakayahang mag-attrack ng digrasya ang That-girl-who-must-not-be-named pero dahil hindi pinapansin ang dinadaanan, nabangga siya ng lalaking hindi niya malaman kung bakit naka roller skate sa loob ng canteen. Parang pelikula ang eksena. Slow motion ang pangyayari, nang mabangga ng lalaki si Rima, umikot-ikot muna eto at pagkatapos ay napahiga at natapunan ng pagkain. Dinuguan with strawberry juice ang natapon na kanya, and to where, on her exposed butt.

Wow biglang freeze ang lahat, walang umiimik hinihintay ang gagawin ni Rima, may konting napa-oooh pero walang salita. Parang hindi alam kung tutulungan siya o tatawanan. They were shock. Not just by the mere accident but even worst, a real night mare for someone. Even Nick couldn’t believe what happen, it was a disaster. He can feel his face burning like a hell. Everyone saw her down half. She is wearing a spongebob underwear and HIS NAME WAS WRITTEN ON HER THIGHS. Take note, HIS FULL NAME.

Until the end: A Promise of FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon