Chapter 1

312 6 1
                                    

Hinintay kita sa ating tagpuan. Nananabik sa iyong mga kwento at mga ngiti. Ang mga halakhak mong malutong at nagbibgay saya sa akin ng maghapon. Hinintay kita, bakit hindi ka dumating?

"Nick ayos ka lang ba?" Si Anette.

Para kay Nick masaya na siya sa piling ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Pero amindao siyang may mas minahal siya kesa dito.  

Hindi pa nman siguro huli ang lahat, ilang taon pa lang naman kami ni Anette. Masyadong maigsi ang 2 taon kumpara sa 8 taon namin ni Rima. Sa isip-isip ni Nick.

"Pasensya ka na, naabala ba kita?"

"Hmnn, hindi nman. Pero medyo mamumutla ka kanina,kaya kinabahan ako, init lang siguro ng panahon. Halika na sa Loob masyado na tayong nagbababad sa araw. Ayokong ma sun burn sa Kasal natin."

"Haha, kahit ma sun burn ka, wala lang sa akin yun... maganda ka pa rin kahit sunog, ikaw ang pinaka magandang babae sa lahat ng babae na nakilala ko,"

"Hay naku Nickanor, wag mo na akong bulahin dahil kahit anu pang sabihin mo, maniniwala ako, dahil mahal na mahal kita at alam mo yon. Eh ikaw mahal mo ba ako?

"Ahahaha, Anette naman, tinatanung pa b yan, OO nman syempre gusto mo magtatatakbo akong nakahubo dito habang sinisigaw ng ANETTE I LOVE YOU SO MUCH......."

"Tumigil ka nga diyan Nick, anong akala feel mo, ikaw ung bidang actor sa isang romantic film, di ka papasa uy, kasi madali kong nahahalata pag umaarte ka, hehehe saka ayokong isipin ng iba na baliw ang taong pakasalan ko, no" nakngiting saad ni Annette habang nakayakap sa kanya si Nick.

"Tsk tsk tsk para naglalambing lang eh pero promise, para sa babaeng minamahal ko, lahat ng BEST ibibigay ko. Ganyan kita kamahal Anette. Ikaw ang buhay ko, ang pagkawala mo ang pinamasakit na mangyayari sa aking buhay. Para sayo, gagawin ko ang lahat kahit ikamatay ko pa."

Naluha si Anette sa sinabi ni Nick. Nakatagpo siya ng lalaking mamahalin niya ng habang buhay. At sa susunod na mga araw, ikakasal na nga sila. Wala na siyang mahihiling pang iba. Ibinigay na ng Diyos ang lalaking pinapangarap niya. Masaya na siya sa piling nito, ito ang buhay na matagal na niyang hinhintay.

Medyo nakakatawa pa ang unang pagtatagpo nila. Isa siyang Nurse sa pampublikong hospital ng pauwi na siya at nakita niya itong nakatayo sa isang lugar na hindi matao. Parang nag-aalinlangan sa gagawin at kanina pa lingon ng lingon sa paligid habang nakatayo sa isang magarang sasakyan. Inisip niya na carnapper ito kaya bilang isang concerned citizen, tinawag niya ang security guard sa malapit na building. Nagkagulo ang mga tao dahil bigla itong hinuli ng Guard,at nagsusumigaw at pilit kumakawala pero super diin niyang carnapper ito. Hanggang sa napunta sila sa presinto at napatunayang sa lalaki pala talaga ang may ari ng sasakyan. Naiwan niya ang susi sa loob at naghahanap siya ng tutulong dito. At saka siya umeksena. Pahiyang-pahiya siya sa mga pulis lalo na sa lalaki, na si NICKANOR ALEXANDER DEL PIER. Napagalitan pa siya ng mga pulis, security guard at ni NIck. Hindi niya alam kung bakit sobrang galit ito sa kanya gayong humingina siya ng tawad dito. Kulang na nga lang lumuhod siya at mag-iiyak dahil sa kahihiyan pero hindi niya ginawa kasi hiyang hiya na siya. Natatakot lang talaga siya nuon dahil parang mangangain ito ng tao sa galit. Buti na lang nasettle nila at nakauwi sila ng payapa.

Pero aamin niyang ang lakas ng tama niya dito. Ngayon lang siya nakakita ng kabarong ni Adonis sa mukha. Ang tindig parang hangin nakakatumba at kung makatitig nakamamatay. Wow ang gwapo, para sa kanya mukha siyang Leonardo de Carpio ng pilipinas matangkad at moreno. At ang labi nito, parang ang sarap halikan. Nag init pa ang mga pisngi niya nang tanungin sa sarili kung gaano kakitis ang katawan, mala-Alfred Vargas kaya? Ibang klase ang dating ng lalaking ito. Hindi siya nakatulog ng gabing iyon. At sa kaibuturan ng kanyang puso ay hiniling niyang muling makita ito kahit alam niyang prang imposible.

Pero kinabukasan pagpasok niya, nlaman niyang maliit talaga ang mundo. Isa pala sa bagong Resident Doctor ng hospital ay si Nick at nakaasign sa Surgery ward kung saan siya naka talaga. Ang siste na crush niya, makaksama na niya everyday. Feeling teenager lang siya nun. Kunwari mag re-referr sa doctor kahit di naman toxic yung pasyente. Panay din ang ayos niya nuon mapansin lang ng doctor kahit na araw-araw ay sinusungitan siya nito at tila bah di nag e-exist sa mundo. Dun nagsimula ang lahat, noong una prang bale wala lang siya, pero di naglaon, nging mabait na ito sa kanya hanggang sa magkaligawan na nga at maging sila.

"Oh bigla kang natahimik, gusto mo ata ng pruweba eh, eto para mapatunayan kong mahal na mahal kita...." Isang matamis na halik ang ipinagkaloob ni Nick kay Anette, pero sa halik na iyon, may ala-alang natagpuan si Nick. Dahil ang mga halik na iyon ay madalas niyang iginagawad sa babaeng minsan ay minahal niya ng lubos. Minsan nga lang ba? Isang nakangiting babae ang biglang sumaglit sa kanyang isipan, kasama niyon ay ang pag babalik tanaw niya sa nakaraan.

Until the end: A Promise of FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon