Chapter 5

40 1 0
                                    

Dumadagundong ang boses ni Nick sa loob ng klinik. Parang anu mang oras ay kikidlat at babagyo. It was scary like a hell. Samantalang para silang tuod na nakatayo, wala man lang nagsalita kahit isa sa kanila. Napanganga lang si Tina. Hindi siya nakapaghanda sa sinabi nito. Maliban duon ngayon lang niya nakita si Nick na magalit ng ganito. Ibang-iba parang mangangain ng tao at hindi siya mabubusog kahit kinain silang dalawa. Kung makatitig ay nakamamatay damay pati ang mga nasa paligid nito, walang ligtas kahit ipis na inosente. Kitang-kita niya na punong puno na ang lalaki.

Sumabog na ito,at hindi na siya nagtimpi. Wlang makakasikmura ng sinabi niya. Gustong ipagtanggol ni Tina ang kaibigan niya pero parang pati siya inatrasan na ng dila niya. Nakaharap si Rima kay Nick, hindi niya makita ang expression nito pero alam niyang umiiyak na ito.

“You can say whatever you want to say about me. I’m a bitch, stupid, moron, slut I can take them all. But never speak of my parents. You don’t have the right to insult them in front of me and my friend. I understand that I have embarrassed you to everyone but for you to be rude about my parents, I guess were are just the same. Shameful. Sa palagay mo ba ginusto ko iyon? Na Masaya ako dahil sa wakas nakuha ko ng buong-buo ang attention mo, at bonus pa dahil nakuha ko pati boung attention ng University?”

“Bakit di ka makapagsalita? Siguro nga yun  ang nasa isip mo ngayon. Yun ang tumatakbo sa napakatalino mong utak at nagsasaya ka dahil tama ang rationalization mo sa pagiging bobo ko. Alam kong mali ang nangyari kanina pero maniwala ka man o hindi, hindi ko yon sinasadya. Ito lang ang masasabi ko,  nagkataon lang na lalapitan sana kita para mag-sorry sa lahat ng nagawa ko pero hindi ko nkita ang putang skater naun at nabunggo ako. Hindi ko rin sinasadya na Makita mo ang pangalan mo sa hita ko. FYI lang, hindi iyon tattoo kaya wag kang mag-alala, tatanggalin ko na siya habang buhay. At tama ka, mAsyado kitang minahal at nakalimutan ko na ang values ko. Napaka tanga ko para ipalagay ang pangalan ng taong sinasamba ko, at hindi naisip na pag SINADYA kong mapahiga ay makikita niya. OO ganun nga siguro ako ka- stupida para ibigin ang isang lalaking mas nakakahiya pa pala ang ugali sa akin. Mahal kita Nick, sukdulan pero hindi ko pwedeng ipagpalit ang mga magulang ko sa lalaking babastusin lang sila. I’m done with you. Don’t worry I will look up to my dictionary and find out what STOP and means, at pag nalaman ko gagawin ko iyon. Hope you’ll have the best time of your life without me.”

Dali-daling lumabas si Rima sa clinic. Wala siyang pakialam sa mga taong nakaksalubong niya dahil ang bigat ng pakiramdam niya. Sa pagkakataong iyon. Ngayon lang niya naramdaman ang sakit sa dibdib na hindi niya maipaliwanag. Nainsulto siya sa sinabi ni Nick pero ininsulto din niya ito. Parang gusto niyang bumalik sa clinic at bawiin ang lahat ng sinabi niya. Gusto niyang humingi ng tawad dito at suyuing kalimutan na lang ang nangyari. Gustong-gusto niyang Makita ito. Pero nasabi na ang lahat, tapos na. Ginawa na niya ang bagay na alam niyang magiging dahilan ng paglayo nito sa kanya. All she could do was to run as fast as she can and cry the hell out of it. She knew that after what happened, it would end her story with him.

Until the end: A Promise of FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon