Prologo

1.1K 24 5
                                    

ANG PAGKAIN ba ay matatawag na hobby? That was the one question Rham always answered every time he wrote his classmate's slumbook during those times when he was in grade school. Eating was his favorite pastime, his usual habit. Bata pa siya ay mahilig na siyang kumain. Mahilig siya sa baboy, manok at beef tulad ng nilagang baka, caldereta at fried chicken. Sa sweet at pastries naman aybuko pie, cake, leche plan o kaya ay ice cream. Sa plain rice siya mas malakas. Bande-bandehadong kanin ay minamani lang niya sa isang araw. Paminsan-minsan lang siyang mag-ulam ng mga gulay at gustung-gusto niya ng mga prutas.

Now, he gained two hundred fifty pounds. Katumbas ng mahigit dalawang kabang bigas ang bigat niya. Hindi niya alam kung dapat niyang isisi sa mommy niya ang paglobo ng katawan. His mother Eleuteria was an expert cook. Noong dalaga pa ito ay dati itong chef sa isang sikat na hotel sa Makati. Nang ikasal ang mga magulang ay hindi na pinagtrabaho pa ng ama ang ina hanggang sa nagbuntis ito sa kaniya.

Simula noon, ang kusinana ang naging tambayan ng mommy niya. Nakahiligan nitong magluto nang magluto. Kaya naman lumobo ang katawan nito at pati siya ay nadamay. Nagmana lang siguro siya sa ina. Nag-iisa lang kasi siyang anak. Kaya sa kaniya nabuhos angbuong atensiyon nito. Ang pagluluto ng masasarap na pagkain ang masterwork nito.

"Kumain ka ng kumain, anak." Inilapag ng mommy niya ang lechong kawali na kahahango lang nito sa kalan. Umuusok pa iyon. "Marami pa n'yan dito."

"Wow!" Nanlaki ang mga mata ng trese anyos pa noon na si Rham.  "Hmm.... ang bango! The best ka talaga, Mom." Nag-thumbs-up pa siya rito. Binanatan niya ang lechong kawali at ang nauna nitong nilutong relyenong bangus.

"Hinay-hinay lang, Rham. Baka mabilaukan ka." sita ng daddy niya na nakadulog na rin sa mesa.  Nagbabasa ito ng diyaryo as of the moment.

Kung silang mag-ina ay addict sa pagkain, ito naman ay gumon sa pagbabasa ng kung anu-anong paperbacks. Maganda ang trabaho ng daddy niya. Kasalukuyamg Hotel Manager sa pinagtrabahuhan noon ng mommy niya. Doon nagkakilala ang mga magulang.  Hindi pa ito natatapos sa sinasabi ay nabilaukan nga siya.

"Akk! Akk!" May bumara sa lalamunan ni Rham.

Tarantang napatayo ang ama. "Teria, tubig nga rito!" sigaw nito sa asawang nasa kusina. Hindi siguro agad narinig ng mommy niya ang pagtawag nito. Minsan, matagal rumehistro sa isip ng ina ang sinasabi rito lalo kung may ginagawa ito.

"Dad, tubig!" Binayu-bayo ni Rham ang dibdib. Hindi na siya makahinga at nagkakandaduling na siya na hawak ang leeg. Biglang dinagukan siya ng daddy niya. Talsik ang malaking piraso ng karneng bumara sa esophagus niya.

Saka lang dumating ang ina niya na may dalang baso. "Tubig ba 'ika mo, Peps?" Peps as in Pepito.  Iyon ang tawag ng mommy niya sa daddy niya.

Napakamot na lang sa ulo ang ama. "Painumin mo ang anak mo at nang mahimasmasan."

"Anong nangyari?" clueless na tanong ng kaniyang mommy.

"Sa susunod nga, Eleuteria. Huwag mong kalilimutang magdala ng baso at tubig dito sa mesa." sermon dito ng daddy niya. Tinatawag nito sa buong pangalan ang mommy niya kapag naiinis ito.

Tumabi naman ang ina sa kaniya at pinainom siya ng tubig. "Rham, kain pa. Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko? Masarap ang pagkakaluto ko sa lechong kawali."

"Yes, Mom. Masarap." Tumatahip pa rin ang dibdib ni Rham sa hirap na dinanas na parang nakalulon siya ng malaking daga. Nang umayos ang pakiramdam ay nilantakan na niya ang pagkain.

"O, magdahan-dahan ka. Baka sa morge na ang bagsak mo." saway na naman ng daddy niya.

"Huwag mo ngang pinagbabawalan ang anak mo, Peps." kastigo ng ina rito."Kung gusto niyang kumain, hayaan mong kumain. Baka mangayayat ang anak natin. Sige ka." Bumaling ito sa kaniya. "Masarap, di ba anak? Para mas ganahan ka, sasabayan kita." Sinabayan nga siya ng ina.

Napapailing na ipinagpatuloy ng ama ang pagbabasa ng diyaryo. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo nito ay nakarinig sila ng mga katok sa pinto.

"Teria, may tao." inform ng daddy niya.

"Ikaw na, Peps. Ayokong maistorbo."

Kung may isang bagay na ayaw ng kaniyang ina, iyon ay ang nagagambala sa pagkain.Iinut-inot na tumalima ang daddy niya. Masunurin lang talaga ito sa mommy niya. Kaya hindi siya naniniwala sa tsismis ng mga kapitbahay nila na under de saya raw ito.

"Surprise! Hi, Tita Terry!" bungad sa kanila ni Zhaine, kasunod ang daddy niya na nagbukas ng pinto rito. Ito lang ang tumatawag na 'Tita Terry' sa ina. "Uy! Lafangan....este lunch time na pala." anito nang makita ang mga pagkain sa mesa.

"Join us, Zhaine." yaya ng mommy niya rito. "Lechong kawali ang ulam. Tamang-tama ang timing mo, nagsisimula pa lang kami. Peps, kumuha ka ng pinggan sa kusina para kay Zhaine." Nabitin ang pag-upo sana ng ama."Dagdagan mo na rin ng baso, kutsara at tinidor."

"Yes, darling." Mabilis na naglaho ang ama sa paningin nila. Kitam! Masunurin lang talaga ang daddy niya.

Habang humihila si Zhaine ng upuan ay pinagmamasdan ito ni Rham. Zhaine Lacsamana was the only best friend he'd ever had since his childhood. Sabay silang lumaki sa lugar na iyon sa Alabang. Ito ang kauna-unahang babaeng nakilala niya simula nang magkaisip siya. Kalaro at kababata niya.

Zhaine wasn't just beautiful outside. Ang magandang ugali nito ang nagustuhan niya. Mabait, maalalahanin at super lambing. Kaya tuwang-tuwa siya rito. Ngayong lumalaki na sila ay napapansin niyang lalong gumaganda si Zhaine. Her long shiny hair looked like a raven's hair. Mas nakakaengganyong tingnan kapag nilulugay nito ang mahabang buhok nito.

Though she was yet skinny, her skin tone was his bet to any other girls he knew. Hers was light pinkish, gaya ng complexion ng mga Koreana. She looked like one because of her choice of hairstyle. May heavy bangs ito. Mamula-mula ang mga pisngi na may dimples sa magkabila. At malaking bulas sa gulang na sampung taon. Matanda siya rito ng three years.

Unang madadaanan ang bahay nina Zhaine. Apat na bahay muna ang lalagpasan bago ang sa kanila. Lumilipat ito sa kanila kapag wala itong magawa o kapag may assignment ito. Parang kaluluwa niya ito na dikit ng dikit sa kaniya. Siya man ay ganoon din dito. Hindi siya kuntento kung wala ito sa tabi niya.

"Hi, Rham!" masayang bati ni Zhaine sa kaniya na tumutok agad ang mga mata sa tinidor na hawak niya. "Ugh! Mamantika na naman 'yang kinakain mo?"

Inis na inis ito kapag nakikita siyang lumalantak ng taba ng baboy. Lalo daw kasi siyang tumataba. She didn't want him to look like a giant monster. Ang topic na iyon ang madalas nilang pagtalunang magkaibigan.

Rham was tall, five feet in his thirteen years of existence pero mukha na raw siyang dambuhala ayon kay Zhaine. Batchoy ang tukso nito sa kaniya. But he didn't mind at all.  Ang gusto niya ay kumain nang kumain ng masasarap na pagkain. Wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin ng mga classmate niya at ng mga kaibigan nila. Basta kakain siya.

Nginitian lang niya ito. "Gusto mo?" alok niya sabay abot ng tinidor dito na may nakatusok pang taba.

"Ayoko nga. I hate looking like you." Nakairap na nag-cross arm ito.

Natawa ang mommy niya at ang daddy niya na nakabalik na sa hapag at inilapag ang mga kitchen wares sa harap ni Zhaine.

"Bata pa naman si Rham, Zhaine." sabi ng ina. "'Pag nagbinata na 'yan, maaalis na ang mga baby fats niya."

"And he will be grown up like a handsome hunk like me." susog ng daddy niya na itinaas pa ang dalawang braso at ipinagmalaki ang hindi katambukang biceps. Matangkad na payat ang ama at hindi nalalayo ang katawan kay Vic Sotto noong kabataan ng aktor.

Bumungisngis si Zhaine. Knowing her attitude, kung gaano ito kabilis mainis sa kaniya ay ganoon din ito kabilis na mapaamo. Pero nagiging palaban ito kapag may ibang nang-aargabyado sa kaniya dahil ito ang tagapagtanggol niya.

My Big Best Friend (s0on to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon