Chapter Seven

413 15 1
                                    

MARIE FRANCE Slimming Center. Pinasok ni Zhaine ang nasabing establismiyento. Isang babae ang sumalubong sa kaniya sa lobby na maaring empleyada ng slimming center. In-entertain siya nito.

"Gusto ninyong magpa-slim, Ma'm? Marami po kaming treatment na ma-i-o-offer sa inyo." unang bungad ng babae.

"Gusto ko sana pero baka masyadong mahal."

Pinaupo siya nito sa living set na naroon. "Naku, Ma'm! Hindi po. Affordable ang aming offers dito. Ano ang pangalan nila, Ma'm?" Napuna niyang magaling mag-entertain ang babae, may pleasing personality na makaganyak ang mga customers.

"Zhaine Lacsamana."

"Ma'm Zhaine, ganito po iyon. We are specialist in medical weight loss. Liposuction surgery and Lipo without surgery, Fat Mobilization System...." Marami pa itong sinabing systems na hindi niya maintindihan. Pero sa tingin naman niya ay maganda ang mga inilahad nitong treatment. Kahit thirty kilograms lang ang mawala sa kaniya ay sapat na. Hindi man niya magaya ang kaseksihan ni Alyanna, mabawasan man lang niya ang dating timbang kahit kaunti.

Nang tanungin niya kung magkano ang mga sinabi nitong system per session ay napasipol siya. Hindi siya mayaman na magtatapon ng halagang one hundred thousand pesos.

"Wala ba kayong gym dito na makakapag-work out ang mga customers?" Mas magandang pumayat siya sa natural na paraan. Hindi siya pabor sa mga nabanggit na treatment na pawang ultrasound wave, electro-optical synergy, infrared light at bi-polar radio frequency. She thought there was a possible health risks with those treatment.

"Meron, Ma'm Zhaine. Kung gusto ninyong magsimula na ngayon ay ituturo ko sa inyo. This way." Iginiya siya nito sa isang hallway. Sa dulo niyon ay binuksan nito ang malapad ng double door. Napakalawak ng gym na iyon at kumpleto sa lahat ng body-building equipments. May mga babae at lalaking nag-wo-work out. Karamihan ay matataba ring tulad niya.

"May trainer kami rito, Ma'm Zhaine na siyang mag-ga-guide sa inyo." Ipinakilala siya nito sa isang babaeng nasa mid-thirties. "Siya ang aming nutritionist dito." Nakipagkamay siya sa ipinakilalang babae. "She will give you free one on one session to help you become nutritionally complete. Siya na ang bahala sa inyo, Ma'm." Iniwan na sila ng staff.

Nang araw na iyon ay itinuro sa kaniya ng nutritionist ang health and nutrition counselling, ang pag-iwas sa mga pagkaing matataas sa calories. Kinabukasan ay sumabak naman siya sa work out. Itinuro ng lalaking instructor ang mga fat-burning exercises na dapat niyang sundin. Isa na roon ang Step exercises.

Isinalang si Zhaine sa isang tread mill at inorasan ang pagtakbo niya. Kailangan daw niyang pagpawisan ng husto para masunog ang mga taba niya sa katawan. Isang oras yata siyang nasa ganoong kalagayan na tumatakbo sa treadmill. Tumutulo na ang pawis niya pero kaya niyang magtiis, pumayat lang siya. Kaunting pahinga ay ibang equipment naman ang pinagamit sa kaniya.

Pagdating sa bahay ay bagsak siya sa kama. Tuwing sabado at linggo lang ang ni-request niyang schedule sa slimming session. Kung wala lang siyang trabaho ay aaraw-arawin niya ang pagpunta doon. Pinipili na rin niya ang mga kinakain niya. For two weeks, bumaba ng tatlong onsa ang bigat niya. Tuwang-tuwa siya.

Pero nagulat si Zhaine nang isang araw ng sumunod na sabado ay nakita si Elijah sa gym. Napansin din siya nito at masayang nilapitan siya.

"Anong ginagawa mo rito?" Magkapanabay pa nilang naitanong iyon sa bawat isa. Kaya nagkatawanan sila.

"No kidding, ano nga ang ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Siyempre, nagpapalaki ng katawan." Tumawa si Elijah. "Matagal na akong member dito."

My Big Best Friend (s0on to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon