Chapter Four

402 19 1
                                    


ZHAINE wasn't expected Elijah would visit her at home. Ten days na ang nakaraan nang huli sila nitong magkita. Niluwangan niya ang pinto at pinatuloy ito. Sa kanilang sala sila nag-usap ng bisita niya. He brought flowers for her. Again, it was her favorite beautiful white roses.

"Kagagaling ko lang ng Hongkong. Doon ako pinadala ng kompaniya namin para sa isang business negotiation na ginanap sa isang hotel. Hope you like the flowers." paliwanag nito kung bakit nawala ito ng ilang araw. Ang sabi kasi nito noong nasa disco bar sila ay dadalaw daw ito sa kaniya. Alam niya ang ipinahihiwatig nito.

Sininghot niya ang mga bulaklak. Napakabango niyon. "Thanks for the flowers, Ely. I really like it."

"I'm happy to hear that." simpatikong ngumiti ito. "Noon pa kita gustong tawagan. Pero wala akong contact number mo. Lasing ka na noong gabing iyon kaya hindi na ako nagkaroon ng chance na mahingi sa iyo ang contact number mo at ang address mo."

"Pasensiya ka na sa akin, Ely. Nakakahiya sa iyo. Hindi ko kasi alam na malalasing agad ako. Ang lakas pala makatama ng alak na iyon." Parang nakikini-kinita niya ang itsura nang gabing iyon. Nawalan siya ng poise.

He laughed silently. "Ang cute mo nga, eh. Sana ako na lang si Rham na pumasan sa iyo. Ako na lang din sana ang naghatid sa iyo. Ang suwerte ni Rham." Naging matiim ang pagtitig nito sa mukha niya. Nababanaag niya sa mga mata nito ang labis na paghanga sa kaniya. Matagal siya nitong pinagmamasdan lang. Kaya bigla siyang nailang.

Zhaine spoke up to sidetrack his attention and changed the tropic. "Ahm... how did you know my home address, Ely?" Hindi siya sanay na tinititigan nito sa ganoong paraan. Parang nakakanerbiyos. Mabuti sana kung ito si Rham, baka mapalundag pa siya sa tuwa.

"Kay Rham. Naabutan ko siya sa bahay ni Alyanna noong isang araw. Kay Alyanna ko sana itatanong. Coincidence namang naroon ang kaibigan mo." anito. Walang binanggit sa kaniya si Rham tungkol doon samantalang kagabi lang ay nagpasama pa ito sa kaniyang mag-take out ng limang jumbo hotdog with cheese sa isang Jollibee branch na malapit sa kanila.

Isinatinig ni Elijah na gusto siyang ligawan nito. Halata naman niya kahit hindi pa nito ipaalam sa kaniya. Nagkuwentuhan sila nito. He really was a good conversationalist. May sense of humor. Pero ginambala ng mga katok sa pinto ang masayang pag-uusap nila. Siguradong si Rham iyon dahil ang kuya niya ay mga alas-diyes pa ang dating. Kung ibang tao iyon tulad ni Elijah ay hindi papasok iyon sa kanilang gate at magagawang kumatok. Ang nanay niya ay nasa silid nito at si Mia ay nasa silid nilang dalawa at gumagawa ng homework.

Masiglang binuksan niya ang pinto. Tama ang hula niya. Pero isang makulimlim na mukha ni Rham ang nabungaran niya. May nakaaway ba ito?

"Anong problema?"

"Kanino 'yong kotse sa labas ng gate ninyo?" Parang hindi nito narinig ang tanong niya.

Nilingon niya ang nakaupong si Elijah sa sala. Hinayon naman nito ang tinitingnan niya.

"Pare, kumusta?" bati ni Elijah sa kaibigan niya na napansin din ito.

Sinlamig ng yelo ang tinging ibinalik dito ni Rham. Hindi ito sumagot. Tumalikod ito nang walang iniwang salita sa kanila. Napasunod na lang ang tingin niya rito hanggang sa makalabas ng bahay nila. Anong nangyari sa taong iyon?

NAPAPANSIN ni Zhaine na hindi siya gaanong kinikibo ni Rham nang sumunod na araw. Sabay silang pumasok at umuwi mula sa trabaho pero parang hindi siya kasama nito. Kay Alyanna ba ito nagtatampo o sa kaniya? Nag-isip siya. Wala namang dahilan para magtampo ito sa kaniya. Kaya balak niyang puntahan ito sa bahay nito. Puwede siyang maging mediator sa pagitan ng dalawa. Gumawa siya ng egg pie para maging meryenda nila nang hapong iyon ng sabado.

My Big Best Friend (s0on to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon